Rufa Mae Quinto reveals dating non-showbiz guy

Bagamat umaming may idini-date siya ngayon, sinabi ni Rufa Mae Quinto na hindi niya prayoridad ngayon ang kanyang lovelife. Paliwanag niya, “Wala muna sa lovelife ang priority ko ngayon. Kumbaga, sila [mga lalaki] ang mag-prioritize sa akin, di ba? Parang nag-mature na ako na… hindi na ako natatakot or nalulungkot kung wala akong lovelife o meron. Kasi ang dami ko namang puwedeng gawin."


Matagal na hindi nakagawa ng pelikula si Rufa Mae Quinto.

Ang huli niyang naipalabas na pelikula ay Temptation Island noong 2011.

Pakiramdam ni Rufa Mae, tamang project lang for her comeback sa big screen ang latest starrer niyang Huling Henya, which will be shown on August 21.

Pinaghalong sci-fi at comedy ang tema nito kung saan role ng isang agent ang ginagampanan niya. Leading men niya rito sina Kean Cipriano, Fabio Ide, at Marvin Agustin.

“Mahirap yung role ko kasi marami akong ginawang action scenes. Tapos may mga kabarilan ako na mga zombies, ganyan.

“So, action na comedy. And then, nag-drama din ako dahil may mga scenes na heavy drama rin.

“Scientists yung mga magulang ko kaya ako genius.

“O, di ba? Ibang level na kasi henya ako!” sabay-tawang sabi ni Rufa Mae.

Dagdag niya, “Tapos naging agent nga ako. Kasi yung mga magulang ko, pinatay.

“Sa story kasi, nagkainggitan. Kasi yung mga magulang ko, nakaimbento ng formula na nakaka-restore ng mga utak.

“So, meron akong galit. Hinahanap ko yung mga pumatay.

“Tapos may mad scientist na kinukuha yung utak ng mga tao at ginagawa niyang zombie ang mga nabibiktima niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rufa Mae sa taping ng Bubble Gang last Monday, July 29.

May ginagawa ring album ngayon si Rufa Mae. Ang tentative title nito ay Rufa Mae: All Out.

Banggit niya, “Kasama dito yung theme song ng Henya. Puro love songs ang laman nito.”



DATING. Napabungisngis naman si Rufa Mae nang mausisa ng PEP tungkol sa current status ng kanyang lovelife.

“I’m dating someone,” pag-amin niya.

“Non-showbiz siya. And… basta, mabait siya.

“Nasa dating stage pa lang kami. Basta kung may time, nagkikita kami.

“Hindi naman sa ayoko na ma-involve ulit seriously sa isang relasyon. Kaya lang, ang tagal kong hinintay yung movie kong Henya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko talagang magpa-distract nung sinu-shoot ko ito. Kasi, hindi biro ang ginawa ko sa pelikula.

“Wala muna sa lovelife ang priority ko ngayon. Kumbaga, sila [mga lalaki] ang mag-prioritize sa akin, di ba?” biro niya.

Dagdag pa ni Rufa Mae, “Parang nag-mature na ako na… hindi na ako natatakot or nalulungkot kung wala akong lovelife o meron.

“Kasi ang dami ko namang puwedeng gawin.

“Puwede akong mag-travel… ang dami kong barkada.

“Puwedeng kilalanin ko lahat ng guys na iba-iba ang nationality, di ba?

“So parang… ang dami pang ganap. Gusto kong lawakan pang lalo ang mundo ko para sure na sure. Yes!

“Kasi buong buhay ko, nagtrabaho ako sa showbiz na parang… naging mabagal yung pag-mature ko.

“Parang marami akong hindi nagawa dati. Na… ngayon pa lang ako nagdadalaga talaga.”



STILL SEXY. May lalabas din siyang coffee table book. Anong mga larawan ang nakapaloob dito?

Sabi ni Rufa Mae, “Siyempre, hindi mawawala yung mga pictorials na ginawa ko, pati yung mga dati pa sa mga photographers ko.

“Sexy na fab ang tema. Parang then and now.”

Sa maraming taon na ring lumipas, napanatili ni Rufa Mae ang kanyang kaseksihan. Ano ba ang sikreto niya?

“Hindi ko rin alam. Siguro… this is it!” tawa na naman niya.

“And… happy living kasi ako, e.

“Ito rin siguro ang best gift ng Diyos sa akin. Para patuloy pa akong makapagbigay ng entertainment sa mga tao.”

Bukod sa Huling Henya, may dalawa pang pelikulang natapos si Rufa Mae. Ito ay ang Raketeros na pinagbibidahan nina Herbert Bautista, Ogie Alcasid, at Dennis Padilla; at ang Ride To Love na tungkol naman sa iba’t ibang kuwento ng mga pasahero ng MRT.

“Natutuwa ako na stable at maganda pa rin ang takbo ng career ko.

“Kaya inspired ako to go on at pagbutihin lagi ang bawat trabahong ginagawa ko,” sabi ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN