JC de Vera on being a Kapamilya: "Dream come true ito."

Ngayong isa na siyang Kapamilya, wala raw karapatan si JC de Vera ng makakasama sa mga proyektong gagawin niya sa ABS-CBN. Saad niya, “Kahit sino, I mean, kahit sino makatrabaho ko o maka-partner, hindi ako tatanggi talaga. Kasi room yun para sa akin para matuto, para mag-grow. Sino ba ako para mamili? Nabigyan na nga ako opportunity na makaapak sa ABS, mamimili pa ba ako?”


Kahapon, July 29, ay pumirma ng two-year contract si JC de Vera sa ABS-CBN.

Ibig sabihin, isa nang certified Kapamilya ang aktor na nagsimula bilang Kapuso at naging Kapatid din.

Sabi ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nervous, sobra akong kinabahan, lahat kasi very fast-paced.

“Tapos ayun, kinabahan ako, hindi ko talaga alam kung ano ang maiisip ko talaga.

“Lahat ito, very overwhelming para sa akin.

“Sabi nga ni Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president and CEO], ‘Bakit nanlalamig ang kamay mo?’

“Sabi ko, ‘Kinakabahan po talaga ako.’”

Pag-amin pa ng 27-year-old actor, “Dream come true ito.

"Alam naman ng lahat na hindi madaling makapasok dito sa network.

“Lahat ng nangyayari, hindi ko ini-expect kaya sobra akong saya and very grateful, of course.

“Wala, e, ang hirap i-explain.

“Ako, very eager ako to learn, makatrabaho lahat ng tao dito."



THE MOVE. Paano nangyari ang paglipat niya sa ABS-CBN mula sa TV5, na naging tahanan niya sa loob ng tatlong taon?

Saad ni JC, “Nag-expire yung contract ko sa kabilang network by March and natapos din yung contract ko sa manager ko dati, March din.

"So, nagsabay sila.”

Ang dating manager ni JC ay si Annabelle Rama.

Kuwento pa niya, “Nakabunggo ko si Mr. Leo Dominguez and nag-offer siya, nagtanong siya kung puwede ba niya ako i-handle.

“Sabi ko, ‘Bakit hindi?’

“Bagong opportunity yun for me and sabi nga nila, kailangan ko laging mag-move forward.

“Motivated naman ako na i-continue yung work ko nang maayos, so sabi niya, dalhin niya ako sa ABS.

“Sabi ko, ‘Bakit hindi?’”

Ilan sa mga hinahawakang artista ni Leo ay sina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, at Isabelle Daza.

Marami sa mga artista na kapag natapos ang kontrata nila sa isang network at hindi nag-renew ay nakakaramdam na para silang nakalutang at hindi alam ang gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay JC, hindi naman siya umabot sa ganitong punto.

“Yung totoo, hindi, hindi ko naramdaman yun.

“Nung sinabi sa akin ni Tito Leo na dadalhin niya ako sa ABS, hindi ako nagdalawang-isip.

“Sabi ko, ‘Sige, laban ako.’

“Ang nasa isip ko nun, mag-move forward… yun lang.”

Ayon pa kay JC, maayos na natapos ang kontrata niya kay Annabelle at hanggang ngayon ay may komunikasyon sila.

“Thankful naman ako na maayos ang lahat. Wala naman kaming bad blood.

“Maayos yung pinagsamahan namin and thankful ako sa lahat ng ginawa niya.

“Pero yun nga, ganun talaga ang buhay. Kailangan nating mag-move forward, kailangan nating mag-grow.

“Nandito ako ngayon.”



DREAM CO-STARS. Sino sa mga artista ng Kapamilya network ang gusto niyang makasama at makatrabaho?

Sabi ni JC, “Actually, wala… gusto ko lahat makatrabaho.

“I mean, lahat sila dito very talented.

“Huling napanood ko Ina Kapatid Anak and nandun si Kim [Chiu] and si Maja [Salvador], sila yung nasubaybayan ko rin.

“Work with them? Bakit hindi? Sino naman ang tatanggi?

“Kahit sino, I mean, kahit sino makatrabaho ko o maka-partner, hindi ako tatanggi talaga.

“Kasi room yun para sa akin para matuto, para mag-grow.

“Sino ba ako para mamili? Nabigyan na nga ako opportunity na makaapak sa ABS, mamimili pa ba ako?”

Dagdag niya, “Sa lahat ng napapanood ko, parang lahat sila matsa-challenge ako.

“Kahit alam kong bagong salang ang aktor na yun, magaling pa din.

“For me, very challenging yun kung sinuman ang makakatrabaho ko na yun.

“Kinakabahan ako kasi, ang tingin ko, very comfortable na yung mga tao dito.

“And ako naman, hoping ako na makakita ako ng new friends, mga bagong kakilala para, at the same time, maging confident na rin ako na makatrabaho ko ang mga taong ito.

“I’m sure magiging at home naman ako, eventually.

“Nag-uumpisa pa lang kasi, hindi ko kilala ang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WELCOME PARTY. Nang lumipat si Angel Locsin mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN, ang nag-welcome dito ay si Luis Manzano. Nung lumipat naman si iza Calzado ay mainit itong tinanggap ng dati ring Kapuso na si Karylle.

Sino kaya sa mga taga-ABS ang magwe-welcome kay JC?

Sagot ng aktor, “Wala, lahat ito surprise.

“Mayroon akong kaibigan, si Iya [Villania], batchmate ko siya. Si Jake [Cuenca], ka-batch ko rin.

“Pero hindi ko sila nakikita so isu-surprise ko na lang din sila.

“Si Paulo [Avelino]? Hindi, e. Nung nakilala ko siya, yun na yung paalis na rin ako sa kabilang network [GMA-7].

“Wala akong kilala talaga. Yung mga pangalan ng lahat ng tao, hirap akong alalahanin.

“Very overwhelming itong lahat ng nangyayari na ito, masyadong mabilis.

“Very thankful ako to everyone na nag-welcome sa akin dito, lalung-lalo na si Ma’am Charo, Ma’am Cory [Vidanes], sila Direk Lauren [Dyogi], si Sir Deo [Endrinal]… isa siya sa tumawag din sa akin, yung Dreamscape, sila-sila.”

UPCOMING PROJECTS. Masayang ibinalita ni JC na isang serye ang gagawin niya sa Agosto at gagawa rin siya ng episode para sa Maalaala Mo Kaya.

“Mayroon silang sinabi na show na gagawin, primetime. Sabi nila sa August.

“Nalaman ko na yung concept, actually inaayos pa nila yung final cast.

“August start nung taping, pero sabi nila pina-finalize pa.”

Sabi pa niya, “Grabe ang expecations ko dito kasi very talented lahat dito.

“Ako, gagawin ko lang talaga kung ano ang kaya kong gawin.

“So, ibig sabihin, kahit saan ako dalhin, hindi ko masasabing kaya kong i-perfect yun, pero sure ako na gagawin ko lahat kung ano ang ibibigay sa akin ng ABS.

“Ibig sabihin, kung ipasok ako sa drama, bakit hindi? Kung sa action, mas gusto ko yun.

“Comedy, may nagawa na rin akong comedy show sa kabilang network [TV5] so more or less kaya ko siyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas gusto ko yung nandun na ako sa grey area para masubukan din, di ba?

“Malaking challenge yun para sa akin na gumawa ng iba kasi every show na ginagawa ko, kahit nasa kabila pa ako, iba-iba siya talaga.

“Hindi ako nag-i-stick sa isang role so very excited ako.

“Isa rin yun kung bakit very excited ako na pumunta dito sa ABS, kasi alam ko na mapupunta ako dun sa limit ko, sa talagang mapapagod talaga ako.

“Bukas ako sa challenge na yun.”

Pagdating naman sa kanyang lovelife, sabi ni JC: “Wala, happy ako na single, by choice siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN