Mark Bautista has moved on from past rumor linking him to popular actor

Ayaw na raw balikan ni Mark Bautista ang mga pinagdaanang intriga. Sabi niya, “Naka-move on na ako, wala na yun sa akin, nalagpasan ko na ‘yan, e. I’m just happy sa kung ano ang blessings na meron ako ngayon.”


Mahigit isang dekada na ang singing at showbiz career ni Mark Bautista mula nang maging runner-up siya ni Sarah Geronimo sa singing search na Star For A Night ng IBC-13 noong 2002.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark noong Linggo, July 28, sa GMA Studios, binalikan namin ang mga pinagdaanan niya na nagmarka sa kanya.

Inamin niyang may mga panahong halos bumigay na siya dahil sa mga intriga.

Sabi niya, “Meron naman, yung tungkol kay… alam ninyo na yun kung ano, kung sino.

“Sobra naman talaga yun, ang laking isyu noon.

“Kaya nga ayaw ko nang pag-uusapan kasi laging nauungkat.

“Pero naka-move on na ako, wala na yun sa akin, nalagpasan ko na ‘yan, e.

“I’m just happy sa kung ano ang blessings na meron ako ngayon.”



THE RUMOR. Ang intrigang sinasabi ni Mark ay ang tsismis na pilit siyang inuugnay sa isang sikat na aktor.

Ano ang natutunan niyang leksyon sa pangyayaring ito?

Sabi niya, “Hindi kailangang mag-worry, tuloy lang ang buhay.”

Dahil sa intriga iyon ay tinanong namin si Mark tungkol sa balitang pinakasalan ng StarStruck Avenger na si Bugz Daigo ang isang transgender. Ano ang masasabi niya rito?

Sabi ng singer-actor, “I don’t know, hindi ko pa naman nakikita ang sarili ko sa sitwasyon na ganyan.

“Of course, we respect them.

“May iba kasi na transsexual na ang ganda-ganda, para talagang mga babae... talo pa nga nila.

“Talagang babaeng-babae siya na walang bahid ng pagkalalaki kaya siguro na-attract siya [Bugz], hindi natin siya masisisi.”



DARING SCENE. Sa stage play na Full Monty, marami ang nag-ilusyon sa katawan ni Mark, lalo na sa huling eksena kung saan in split second ay naghubad ang cast, sabay patay ng ilaw.

Natatawang pahayag ni Mark, “Alam ninyo, doon ako kinabahan!

“Kasi minsan, mayroon kaming technical problem, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung nangyari kay Arnell [Ignacio], yung nakitaan siya?

“I think wala namang problema yun sa kanya, parang gusto pa nga niya, e. Ha-ha-ha!

“Sa akin naman, hindi ko alam kung nakitaan ako dahil baka wala na akong mukhang ihaharap.

“Actually, parang naiba nga ang tingin sa akin ng mga tao kasi ibang field yun, e.

“Para sa akin, sobrang challenge yun ng ginawa ko yun, effort yun sa akin.”

Kaya niya bang mag-ala Paolo Roldan, ang Fil-Canadian supermodel na nag-nude sa Vogue France edition?

Natatawang sagot ni Mark, “Kung Vogue siguro, kakayanin ko.

“Sa UK [United Kingdom] niya ginawa yun, di ba? I mean, artistic siya.

“Pag gawa naman ng artistic na... I’m sure... I mean, siguro kahit sino, mapapayag na.”



COLLEAGUES’ DECISIONS. Kaibigan at kasamahan ni Mark sa Sunday All Stars si Christian Bautista, na umamin nang break na sila ng girlfriend nitong si Carla Dunareanu.

Ano ang masasabi ni Mark tungkol dito?

Aniya, “Alam mo, kung iinterbyuhin siya kasi, ayaw niyang pag-usapan.

“Sino ba naman ako para magsalita para sa kanya?

“Siguro, para sa ikakabuti nilang dalawa yun, hindi natin alam, bayaan natin sila.

“Si Christian naman, sa tingin ko, ay matapang at, sa ngayon, parang naka-move on rin siya.

"So, he’s okay now.”

OGIE ALCASID. Tinanong din ng PEP si Mark tungkol sa paglipat ng dati nilang kasamahan sa Sunday All Stars na si Ogie Alcasid sa TV5. Ano ang reaksiyon niya dito?

Pahayag ni Mark, “Siyempre, lahat kami ay nalulungkot.

“Pero, I think, most of us naman ay na-prepare na aming mga sarili tungkol dito.

“Talks had been circulating around before pa, di ba? So, kahit wala pang confirmation noon, pero we saw it coming, e.

“Sobrang tagal na rin ni Ogie sa GMA, siguro ano... career move kasi yun para sa kanya.

“If he thinks na mas nararapat or mas… ano ba ang tamang term doon? Mas makakatulong siya sa ibang network, then it’s worth it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ninyo naman siya, di ba? He’s so talented, so gifted with so much talent.

“Siguro nga, gusto niya lang i-spread ang wings niya.

“Kami, nalulungkot man dahil malaki ang contribution niya sa Sunday show namin, pero we understand him—ganoon na lang siguro.

“Kasi ako nga, when I moved from ABS-CBN, di ba, it was hard?

“Pero now, okay na ako, happy ako where I am now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN