Rachelle Ann Go on possible reconciliation with Christian Bautista: “Hindi pa naman nangyayari kaya hindi muna ako sasagot.”

Hanggang ngayon ay wala pa ring resulta ang auditions ng Miss Saigonkung saan nakaabot si Rachelle Ann Go hanggang sa final callback. Pero sabi ng Pinay singer, kung sakaling hindi siya mapili, “Ang sa akin naman kasi, kung ibibigay ni God, ibibigay niya, saka kung may ibang opportunities naman, bakit hindi? Kung may mga auditions, mag-o-audition pa rin, hindi naman masama.”


Tapos na ang musical production na Tarzan kaya back to normal na ang schedules ng Kapuso singer na si Rachelle Ann Go.

Sinabi ni Rachelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, July 28, pagkatapos ng Sunday All Stars, kakaiba raw ang naging karanasan niya sa musical stage play.

Aniya, “Nakakapagod, pero sobra akong nag-enjoy naman.

“Dahil ang sarap ng feeling na nag-perform ka sa theater, iba yung nakukuha mong response talaga, e.”

Aminado naman si Rachelle na hindi siya kumita ng malaki sa paglabas niya sa Tarzan.

“Ang theater talaga, hindi talaga, e. Sa TV lang talaga [malaki ang talent fee].

“Kumbaga doon, ako, it’s not really about the money.

“Doon ka para sa experience, yung matutunan mo, yung magu-grow ka as an artist, yung disiplina.

“Hindi rin naman kasi mababayaran yung nakuha kong experience at yung mga natutunan ko.”



TARGET: BROADWAY. Ang paglabas niya sa Tarzan at mga nauna niyang musical plays ay preparasyon para sa Miss Saigon sa London?

“Sana… yun lang ang masasabi ko,” sambit niya.

Hanggang ngayon ay wala pang linaw kung final nang kasama ang Pinoy artists na nakapasa sa Manila auditions para sa Miss Saigon noong November 2012.

Kabilang sina Rachelle, Frencheska Farr, at Aicelle Santos ang mga nakaabot hanggang final callback.

Sabi ni Rachelle, “Hindi ko alam, e. Nagpa-audition rin sila sa London, so wala akong naririnig.

“Baka mamaya, may nakuha na sila, hindi natin alam.

“So, kung may nakuha na sila, malamang maririnig o mababalitaan din naman natin yun.”



GMA-7 CONTRACT. Ano ang career plan ni Rachelle kung sakaling mabigo siyang makuha sa Miss Saigon?

Tugon niya, “Well, kaka-renew ko lang ng contract ko sa GMA-7 kaya thankful ako.

“Kahit naman nasaan ako, nandito pa rin yung pamilya ko.”

Tatlong taon ang pinirmahang panibagong kontrata ni Rachelle sa GMA-7.

Kabilang dito ang tuluy-tuloy niyang paglabas sa Sunday All Stars at pagkakaroon niya ng teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin pipilitin ni Rachelle na magkaroon ng international career lalo’t wala siyang ideya kung napili niya sa Miss Saigon.

“Ang sa akin naman kasi, kung ibibigay ni God, ibibigay niya, saka kung may ibang opportunities naman, bakit hindi?

“Kung may mga auditions, mag-o-audition pa rin, hindi naman masama.”

Hindi ba siya nanghihinayang na nandito lang siya sa Pilipinas gayong maraming kumbinsido na pang-world class ang timbre ng boses niya?

Sabi ni Rachelle, “Hindi ako nanghihinayang, kasi masaya naman ako sa kung ano ang ibinigay.

“Kung may panghihinayang, parang sayang naman. Ang ikli lang ng buhay para hindi tayo nakukuntento.

“So ako, happy ako, kasi bata pa lang ako, gusto ko nang magkaroon ng album at concert, e.

“Kumbaga, yung mga nakukuha ko ngayon, higit-higit pa sa mga ibinibigay ni God, kaya okay lang sa ganito.”



COINCIDENCE. Tungkol naman sa ex-boyfriend niyang si Christian Bautista, tikom ang bibig ni Rachelle sa napabalitang breakup ng male singer sa girlfriend nitong si Carla Dunareanu.

“Well, wala akong masasabi, kasi sila yun, e.”

Hindi kaya sila talaga ang magkapalad ni Christian dahil noong lumipat siya ng GMA-7 mula sa ABS-CBN, lumipat din si Christian sa Kapuso network?

At noong nasa iisang istasyon na sila, muli silang nag-team up ni Christian at nag-break naman ang singer-actor at ang kanyang girlfriend.

Mabilis na depensa ni Rachelle, “Basta ako, wala akong kinalaman. Yun lang. Kumbaga… wala!”

Hindi ba nila pinag-usapan ni Christian ang tungkol sa sitwasyon naman ng lovelife ni Rachelle?

“Naku, kung meron man kaming pinag-usapan o wala, sa amin na yun!” bulalas niya.

Napagkukuwentuhan ba nila ang estado ng lovelife nila?

“Siyempre naman, kasi nagkakasama kami.

“Pero wala, ayoko po talagang mag-comment, kasi that’s their life,” iwas na niya.

Tatanggapin ba niya uli si Christian kapag nanligaw muli ito sa kanya?

“Ay, wala akong masasabi muna diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nangyari na, saka ako magsasalita.

"Pero for now, hindi pa naman nangyayari kaya hindi muna ako sasagot.”



POSSIBLE RECONCILIATION? Matagal-tagal na ring walang lovelife si Rachelle, hindi kaya si Christian talaga ang hinihintay niya?

“Ay, hindi naman, ang sarap kayang maging single!

"Kumbaga, naka-focus ka sa trabaho mo, wala kang ka-text.

“Hindi ko talaga alam kung siya ang hinihintay ko or what.

“Abangan na lang natin ang mangyayari sa mga buhay namin, pero sa ngayon, enjoy lang muna sa buhay.

“Yung mga sunud-sunod na mga events sa buhay namin, yung pag-transfer niya, yung team-up namin, wala yung koneksiyon sa buhay namin, promise… career move yun.”

Bukas naman si Rachelle sa possibility na magsama sila ni Christian sa isang teleserye kung magkaroon ng offer.

“Okay yun, why not? Kumportable naman kami sa isa’t isa,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN