Heart Evangelista on relationship with Senator Chiz Escudero: “I’ve never been this happy in my life, yes, sobra!”

Isa raw sa ipinagpapasalamat ni Heart Evangelista ay ang pagiging supportive at understanding ng kanyang kasintahan na si Senator Chiz Escudero pagdating sa showbiz career niya. Sabi ng aktres, “Hindi siya nakikialam sa work ko, hindi rin naman ako nakikialam sa kanya. Mas maganda yung ganoon kasi we do our thing.”


Sa September pa magkakaroon ng bagong teleserye si Heart Evangelista dahil wala pang libreng slot ngayon sa afternoon o primetime block ng Kapuso network.

Kinumpirma ito ng aktres sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya last Sunday, July 28, sa dressing room ng Sunday All Stars.

Saad niya, “Nagkataon na puno yung slot and... pero yung next ko, primetime.

“Hindi sila puwedeng mag-start muna dahil meron mga nasa primetime, so okay lang.

“Kasi, I’m always okay naman to wait for the right project, hindi yung magmamadali ka.

“Saka okay lang ako, kasi marami akong ginagawa, e, ang dami kong mga inaayos na mga kung anu-ano.”



KEEPING BUSY. Ano ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon habang naghihintay ng kanyang susunod na teleserye?

Sabi ni Heart, “Ano rin, I’m trying to go back to school, yung mga ganoon.

“And then, kakalipat ko pa lang ng bahay. Ngayon pa lang ako nagsi-settle sa bahay ko.

"So, marami-rami, busy rin.”

Anong kurso ang pinaghahandaan niyang kunin?

“I’m still... nagwa-one-on-one pa lang ako ng tutor, pero that’s just for me to discover kung ano ba talaga ang gusto ko.

“Hindi pa ako nag-i-start, e, malalaman ko pa lang.”



SENSITIVE SCENES. Kahit wala pa siyang teleserye ay may sisimulan naman na siyang gawing pelikula kasama sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Bukas, August 1, na raw ang simula ng shooting nila.

Anong preparations ang ginagawa niya sa paghaharap nila ng mga kasama niya sa pelikula?

Sabi ni Heart, “Excited ako, pero yung preparation, hindi ko pa muna masyadong inuumpisahan kasi I don’t know where to begin, e.

"Kasi, first time kong magse-sensitive scene with Derek.

“Sensitive scene, meaning meron kaming bed scene ni Derek na I’m sure they will work around what I’m comfortable doing with.

“So, hindi ko pa alam kung paano uumpisahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-workshop na ba sila?

“Hindi pa, wala pa. But I don’t think magkakaroon pa ng workshop-workshop, baka sasabak na kami agad.”

Ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero sa "senstive scene" nila ni Derek?

“Wala, he’s very proud naman and super supportive siya sa akin."

Aminado naman si Heart na ang pakikialam ng isa’t isa sa kanilang mga trabaho ay hindi nakakatulong para maging maayos ang takbo ng isang relasyon.

“So, yung mga ganyan-ganyan [sensitive scenes], as in wala siyang comment.

“Hindi siya nakikialam sa work ko, hindi rin naman ako nakikialam sa kanya.

“Mas maganda yung ganoon kasi we do our thing.”



POLITICAL EVENTS. Sa nakaraang State of the Nation Adress (SONA) ni President Noynoy Aquino, kasama ni Senator Chiz si Heart.

Napangiti si Heart nang mabanggit namin na naiiba ang dating ng pulitika ngayon sa pagiging visible nilang mga artista sa special events sa gobyerno.

“Wow naman, thank you!” nangingiting reaksyon ni Heart.

“Nakakatuwa naman dahil marami ang nakaka-appreciate ng gown.”

Nakakadalawang beses nang dumadalo si Heart sa malalaking political events.

Ang una ay sa proclamation ng kasintahang si Senator Chiz bilang senator-elect at ang ikalawa naman ay sa SONA.

Ano ang pakiramdam na nasa mundo o gitna siya ng mga ganitong pagtitipong pulitikal na malayo sa mundo ng showbiz?

Sabi ni Heart, “Okay lang, it’s the same but different.

“Marami rin yung mga nakikita mong press people na nakikita mo dito, serious naman sila doon dahil, siyempre, politics.

“Pero nandoon din yung mga cameras, that’s the same thing, pero hindi ako yung focus, siya naman [Chiz].

“That’s the difference na ako naman yung sumu-support.”

Marami ang humahanga at naiinggit kay Chiz sa tuwing kasama nito si Heart sa political events.

“Well, that’s nice, that’s nice to know,” nakangiting reaksiyon ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-flatter, kasi aside from this industry, you’re also exposed to a different kind of industry rin—ang politics.

“That’s flattering when I hear those compliments.”

Hindi ba nagseselos si Senator Chiz kapag may mga humahangang iba sa kanya?

“Wala, wala siyang ganoon, e.

“Sobrang super secure siya and I’m also very secure, kasi we have really a good relationship.”



EXPRESSIONS OF LOVE. Paano ipinaparamdam ni Chiz na secure nga sila sa kanilang pagmamahalan?

Sabi ni Heart, “Wala lang… yung pagmamahal lang niya, yung love niya sa akin.

“Yung mga little things na ginagawa niya sa akin, like flowers every day.

“Basta, three times a week siyang nagpapabili ng fresh flowers para sa bahay ko.”

Masasabi ba ni Heart na masaya ang kanyang lovelife ngayon?

“Yes, I’ve never been this happy in my life, yes, sobra! It’s nice.”

May posibilidad na ba na in three years time ay magpapakasal na sila.

“Hindi ko pa alam, pero every relationship naman, you hope for that, but relax-relax lang muna.

“Siyempre, ngayon lang ako naging parang independent. I have so much to do, I wanna do so much on my own.

“So, sayang naman kung magpapakasal na ako.”

Tapos na ba ang mga unos sa lovelife nila?

“Oo,” nakangiti niyang tugon.

Paano niya ide-describe ang relationship nila ni Senator Escudero?

“Very steady. Siguro kung ano yung pagdadaanan namin, kaya na namin,” sagot ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN