Claudine Barretto’s camp says Raymart Santiago statement "very funny"

Nagbigay ng reaksiyon ang kampo ni Claudine Barretto sa inilabas na statement ni Raymart Santiago kaugnay ng inihaing petisyon para sa TPO ng aktres laban sa kanyang msiter.


Sinagot ng kampo ni Claudine Barretto ang naging pahayag ng estranged husband ng aktres na si Raymart Santiago kahapon, July 30.

Matatandaang naghain si Claudine ng petition for Temporary Protection Order (TPO) laban kay Raymart noong Lunes, July 29, sa Marikina Regional Trial Court para umano sa kaligtasan nilang mag-iina.

Sa statement naman ni Raymart, itinanggi nito ang mga akusasyon sa kanya ng asawa.

Ayon pa sa aktor, “Matagal na akong nanahimik pero dahil sa mga mapanirang akusasyon na ibinabato sa akin, napilitan akong sumagot para na rin sa kapakanan ng mga anak namin.

“Walang katotohanan na inabuso ko ang ina ng mga anak ko. At bilang ama, hindi ako gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng mga anak ko.

"Hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Maraming mga nakakakilala sa akin na makakapagpatunay niyan.

“Marami rin ang makapagpatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento.

“I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon.”



"VERY FUNNY." Sa ipinadalang pahayag ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, July 31, sinabi nitong "very funny" ang mga naging sagot ni Raymart sa kanilang reklamo.

Dagdag pa ng abugado ng aktres, baka maaari pang makasuhan ng iba "criminal offenses" si Raymart dahil dito.

Kahit may gag order na raw ang korte, sinabi rin ni Atty. Topacio na ang kanilang statement "does not make any comment on any of the merits of a pending case and thus not covered by the sub judice rule, nor on any of the allegations therein, and hence does not violate the confidentiality rule of R.A. 9262."

Narito ang buong pahayag ni Atty. Topacio:

“Mr. Raymart Santiago has said in a statement that my client, Ms. Claudine Barretto, is ’capable of making up stories.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We find that statement to be very funny, coming from a man whose very foundations for his enticements for Ms. Barretto to enter into marriage with him are based on stories concocted by him, and bolstered by layer upon layer of more untruths as we shall prove in a separate case. The deceptions by Mr. Santiago may even constitute criminal offenses.

"The allegations of Ms. Barretto are based on solid evidence of all kinds and nature. We are looking forward to seeing Mr. Santiago in court, so that, once and for all, it may determine who is telling the truth."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN