Dennis Trillo on suspicions of being gay: "As long as confident ka kung sino ka, problema na nila yun."

Marami ang patuloy na napapabilib sa husay sa pag-arte ni Dennis Trillo, lalo na ngayon sa kanyang role bilang bading sa hit primetime series na My Husband’s Lover. Sabi ni Dennis tungkol dito, “Naranasan na natin na maging masaya, malungkot at magmahal. So, nagagamit ko ang mga yun sa pag-arte ko sa pelikula man o sa telebisyon.”


Sabay na dumating sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 sa Crowne Plaza noong July 25 ang hottest “loveteam” sa telebisyon ngayon—sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Sila ang mga bida sa hit TV series ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

Tinanong PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawang aktor kung ano ang reaksiyon nila sa ganitong bansag.

Unang nag-react si Dennis na natatawa.

Sabi niya, “Talaga? It’s unbelievable!

“Nakikita lang namin sila [mga manonood] na nag-e-enjoy sila, so masaya na rin kami.

“Siguro dahil magagaling nga ang mga kasama namin sa show kaya mas nagiging effective ang mga eksena, kaya maraming salamat talaga.”

Komento naman ni Tom, “It’s a team effort talaga—marami pa, marami pa silang makikita.

“Kakabuking pa lang sa amin [Vincent ay Eric], kaya marami pa kaming gagawin na kikiligin sila.

"May iba pang characters na papasok.”



ROLE MODELS. Aminado si Dennis na bilang Eric sa My Husband’s Lover, maraming characters na bading ang kanyang pinag-aaralan at ginagawang halimbawa.

Sabi ng Kapuso actor, “Minsan kasi mauubusan ka rin kung paano mo aatakihin.

“Kahit lahat na ng mga programa at movies na may temang ganoon, minsan mauubusan ka rin talaga.

“Ang dapat gawin, ramdamin mo na lang ang bawat eksena, ilagay mo ang sarili mo sa eksena dahil yun ang bago, e.

“Tsaka, lahat naman tayo ay may personal experience sa buhay natin, di ba?

“Naranasan na natin na maging masaya, malungkot, at magmahal.

“So, nagagamit ko ang mga yun sa pag-arte ko sa pelikula man o sa telebisyon.

“Hindi naman kailangang eksakto sa totoong nangyari, basta may idea ka at ano ang pakiramdam mo.”



CASTING DOUBT. Hindi ba siya nangangamba na baka mag-iba ang tingin sa kanya ng mga tao sa sobrang epektibo ng pag-arte niya bilang bading?

Natatawang sabi ni Dennis, “Hindi ko alam, e. Basta kung ano ang ipagawa sa akin, panindigan ko na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya lang ako dahil napapansin ng tao at yun ang mahalaga sa akin.

“Pinaniniwalaan namin kung ano ang characters namin. Pag pinanood ng tao, alam naman nila na kung ano ang totoo.

“At saka, kung ano naman ang characters namin, hindi naman namin nadadala outside ng mga eksena.

“At saka, honestly, for me, it never entered my mind, e.

“Kahit pagdudahan ka, isipin nila na ganoon ka na, as long as confident ka kung sino ka, problema na nila yun.

“Gumawa kami ng misteryo sa kanila, sila na ang bahala—yun ang maganda doon, e.”

Pagkatapos ng isang eksena na punung-puno ng ka-sweet-an, paano silang dalawa ni Tom? Hindi ba sila naiilang sa isa’t isa o pinagtatawanan na lang nila ito?

“Pagkatapos, wala lang!” muling natawa si Dennis.

“Nagkakamayan kami, ganyan lang, parang brothers lang kami.

"Minsan talaga ang tingin ko ay parang kapatid ko lang siya.

“Minsan, nakakatulong din talaga ‘yan para mas ma-break nga ang barrier sa gitna namin.”

Hindi ba siya naiilang o naku-conscious na sabay silang naglalakad at pinapalakpakan ng mga tao, tulad nang sabay silang dumating sa venue ng YES! event?

Ani Dennis, “A, oo, naninibago ako, pero after a while naman, wala na rin.

“Mas nagiging compliment siya kasi, ibig sabihin, nagwo-work yung ginagawa ninyo at hindi lahat ay nakakagawa ng ganoong klase.

“Parang it’s an honor for me.”



FRIENDS’ REACTIONS. Ano naman ang reaksiyon ng mga kaibigan niyang babae sa pagiging bading niya sa telebisyon?

“Nagugulat... nagugulat, sa totoo lang,” sabi ni Dennis.

“Kasi, kilala nila ako, tapos nakikita nila ako sa TV, parang ang tingin nila ay iba ‘atang tao ang nasa TV.

“Kasi, hindi nga ako ganoon sa totoong buhay, so magandang senyales yun na ayos yung ginagawa naming trabaho.

“Natutuwa sila, kasi alam nila kung gaano kahirap at ka-challenging yung role para sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga babae na hindi ganoon kalawak ang pang-unawa sa ganitong klaseng tema ng palabas, hindi kaya maging problema ito in case magkaroon na uli siya ng girlfriend?

Sagot ni Dennis, “Hindi naman siguro. I don’t see any reason para paapekto siya, di ba?

“This is just a role, hindi ako ito sa totoong buhay.

"In other words, walang dahilan para hindi niya maintindihan.

“After doing Aishite Imasu [2004], may mga naging girlfriends naman ako at hindi naman nila ako tinanong kung bading ako dahil nga sa role ko doon.

“Wala, role lang talaga ito, hindi sila dapat paapekto.

"At saka, baka magka-GF man ako, tapos na ang series na ito.”



BEAUTIFUL PERSON. Paano kapag natapos na ang My Husband’s Lover, ano pa ang expectations ni Dennis sa sarili niya at sa career niya?

Pahayag ng award-winning actor, “As usual, ganoon pa rin na sana, after ng impact nito ay lalo pa kaming pagkatiwalaan ng GMA.

“One thing I’m really proud of kasi, yung tiwala sa akin ay buung-buo pa rin.

“Nakakataba ng puso na yung pansin nila sa akin ay hindi nawawala.

“Well, yeah, I hope to do more good projects, at ako naman bilang pinagkakatiwalaan nila, I just to do my job.

“Kung ano rin ang inaasahan nila sa akin, dodoblehin ko pa yun.”

Sa tingin ba niya ay “beautiful” din siya.

Nangingiting sabi ng 32-year-old actor, “Ano sa tingin ninyo? Well, I think depende naman sa tao o tumitingin niyan.

“Mahirap aminin kasi, na sabihin ko na guwapo ako, baka kasi iba ang dating sa ibang tao, di ba?

“Well, yeah, I think naman... I’m a good person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN