Cristine Reyes denies rekindling romance with Dennis Trillo

Ayaw raw magsalita nang tapos ni Cristine Reyes nang matanong hinggil sa posibilidad na magkabalikan sila ng dating boyfriend na si Dennis Trillo. Aniya, “Bata pa po ako so ayoko din magsalita nang tapos. Hindi naman natin masasabi, e. Alam mo ‘yon, ayokong mag-close ng door.”


Bagamat itinanggi ni Cristine Reyes ang matagal nang napapabalitang pagbabalikan umano nila ng dating boyfriend na si Dennis Trillo, inamin ng Kapamilya actress na espesyal pa rin sa kanya ang Kapuso actor.

Napabalitang nagkabalikan sina Cristine at Dennis earlier this year, pero pareho nila itong itinanggi sa kani-kanilang interviews.

Samantala, sa report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero, sinabi ni Dennis na magkaibigan pa rin sila ng dating girlfriend, pero ayaw niyang magdetalye tungkol sa kanilang “friendship.”

(Read: Dennis Trillo remains mum about rumored reconciliation with Cristine Reyes)



"DENNIS IS SPECIAL." Sa panayam naman kay Cristine kahapon, July 30, Martes, sa story conference ng upcoming movie na Trophy Wife—kunsaan makakasama niya sina Derek Ramsay, Heart Evangelista, at John Estrada—nilinaw niya na hindi sila nagkabalikan ni Dennis.

Pero inamin ng StarStruck alumna na nananatiling matibay ang kanilang pagkakaibigan.

Aniya, “Ganun lang yung bond namin, kami ng family [ni Dennis] and ako… and then Dennis [and me].

“Hindi para isipin ng ibang tao na nagbalikan na kami.

"It’s just that gano’n namin tine-treausre yung naging relasyon namin, mahirap pakawalan, di ba?”

Itinanggi rin niya na lumalabas siya kasama si Dennis and their common friends.

Sabi ng 24-anyos na dalaga, “Well, nakakasama ko yung family niya.

"Si Dennis, hindi [kami lumalabas], pero nakakausap ko din siya minsan.”



POSSIBLE RECONCILIATION. Pero posible nga bang magkabalikan sila ni Dennis?

Sagot ni Cristine, “Bata pa po ako so ayoko din magsalita nang tapos.

“Hindi naman natin masasabi, e. Alam mo ‘yon, ayokong mag-close ng door.”

May nararamdaman pa ba siya para sa dating kasintahan?

“Si Dennis, espesyal siya sa akin at mananatili siyang espesyal sa akin.

"Dahil lahat ng tao na dumating sa buhay ko, lalo na kapag na-touch ang heart ko… alam mo ‘yon, hindi siya madaling kalimutan and marunong naman ako tumanaw ng pinagsamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, tine-treasure ko ‘yon,” ani Cristine, na kilala rin sa pagiging prangka.

Tinukso si Cristine na baka sa huli ay silang dalawa pa rin pala ni Dennis ang magkatuluyan.

“Hindi po natin masasabi,” nakangiti niyang reaksiyon.

Natawa naman si Cristine nang itanong sa kanya kung napapanood niya ang teleserye ngayon ni Dennis sa GMA-7, ang My Husband’s Lover, kung saan gumaganap itong gay at karelasyon ang karakter ni Tom Rodriguez.

“Napanood ko lang siya isang beses, last Friday. In fairness ha, okay, maganda,” sabi niya.

Inamin niya na nag-message siya kay Dennis upang sabihing “good job” sa pag-arte nito sa teleserye.


PRIVACY FOR RAYVER. Speaking of ex-boyfriend, kinunan din ng pahayag si Cristine hinggil sa napapabalitang pagkakaroon umano ng relasyon ng dating boyfriend niyang si Rayver Cruz sa candidate ng Binibining Pilipinas 2013 na si Imee Schweigheart.

“Ayun nga, e, nabalitaan ko nga ‘yon,” mabilis niyang sagot.

“Hindi naman niya nakukuwento sa akin pag tinatanong ko siya, di naman niya ikinukuwento.

"So, para sa akin, kung gusto niya ng pribado, siyempre hindi na ako para mag-usisa.

“Hayaan na lang natin sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN