Vin Abrenica and Sophie Albert elated to be part of YES! 100 Most Beautiful Stars list

Pagkatapos ng kanilang launching sopa na Never Say Goodbye, pansamantala munang pinaghiwalay ng TV5 ang loveteam nina Vin Abrenica at Sophie Albert. Kung si Vin ay ipinareha kay Ritz Azul sa Misibis Bay, si Sophie naman ay ipapasok sa action series ni Derek Ramsay na Undercover.


Ikinatuwa ng Artista Academy winners at TV5 Talent Center artists na sina Vin Abrenica at Sophie Albert ang pagkakasama nila sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 para sa kategoryang "Newbies."

Panibagong achievement nga raw ito para sa kanilang loveteam matapos nilang maging bida sa natapos nang teleserye ng TV5, ang Never Say Goodbye, kasama si Superstar Nora Aunor.

Sa tingin nila, what makes them beautiful?

Sagot ni Vin, “If you’re gonna ask me if I am beautiful, I would say na I am beautiful kasi kung hindi ka maniniwala sa sarili mo, sino pang maniniwala, di ba?

"What makes me beautiful? Siguro just being myself. Kung sino ako, yun lang ako.”

Ayon naman kay Sophie, “Ako, feeling ko yung personality ko, that’s what makes me beautiful.

"Kasi I know for a fact na it’s very hard to know me. Tahimik lang ako, hindi ako masyadong madaldal, ganun.

"So, yung unti-unti mong nakikilala yung isang tao, doon mo siguro makikita na beautiful yung tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Vin at Sophie sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 noong Hulyo 25 sa Crowne Plaza Ortigas.

COMPLIMENTING EACH OTHER. Yung paglalim ba ng friendship nila nakakatulong para mas maging beautiful ang loveteam nila?

“Yeah, I think so," sabi ni Vin.

“Kasi mas lalo ko siyang nakikilala, mas naa-attach kami.

"Para sa akin, mas nakikita ko talaga yung pagkatao niya and nakikita ko yung personality niya.”

Para naman kay Sophie, “Ako, sa tingin ko, sa aming dalawa kasi, wala nang barriers.

"So, I think yun ang nakakapaglabas… yung kung confident ka at saka kung comfortable ka, doon lumalabas yung totoo mong sarili, e.”

Nilinaw naman ng dalawa na kahit lumalalim ang pagkakaibigan nila ay hindi pa naman ito nagle-level up sa romantikong relasyon.

Mas magandang career muna raw ang asikasuhin nila bilang mga baguhan pa lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT HAPPENS TO THE LOVETEAM? Samantala, tila pinaghiwalay muna ng TV5 ang loveteam nila dahil si Vin ay napapanood ngayon sa Misibis Bay bilang isa sa leading men ni Ritz Azul. Si Sophie naman ay may ibang proyektong gagawin.

Hindi ba sila nalungkot na pagkatapos i-launch ang loveteam nila sa Never Say Goodbye ay hindi agad ito nasundan ng proyekto na magkasama sila?

Sabi ni Vin, “Actually, marami akong adjustments after nung loveteam namin. I didn’t expect na agad-agad [paghihiwalayin ang loveteam].

"Pero if you’re gonna ask me, I would really be happy kung magkaka-work kami ulit, kung magkakaroon man ng pagkakataon.”

Ayon kay Sophie, papasok daw siya bilang bagong karakter sa Undercover, na pinagbibidahan naman ni Derek Ramsay. Magiging love interest ba siya ni Derek dito?

Tugon niya, “Hindi ko pa masyadong sure. Pero let’s see.”

Pero okay lang ba sa kanya kung magkaroon ng love angle with Derek sa serye?

“Siyempre trabaho yun, e. Okay lang kahit ano basta may work, di ba?”

Hindi ba magseselos si Vin kung sakaling ipareha si Sophie kay Derek?

Sagot ng young actor, “No, no, no... okay lang kahit i-pair sila.

"Ako naman, sino ba ako para magselos, di ba?

"Actually, ako nga galing na ako ng Misibis, di ba?”

Si Sophie, hindi ba siya nagseselos kay Ritz sa mga eksena nito with Vin sa Misibis Bay?

“Hindi, ha!” natatawang sabi ni Sophie.

Umaasa pa rin naman daw sila na muli silang pagtatambalin sa mga susunod nilang proyekto.

Ani Sophie, “Sa loveteam namin, nakakalungkot na hindi na kami magkasama.

"Pero matagal-tagal pa kami… matagal pa yung kontrata namin, so marami pang puwedeng mangyari.”

Alam din daw naman nila na para rin sa growth nila individually bilang mga artista ang ginawa ng TV5.

Dagdag pa ni Sophie, “And malay mo pag bumalik kami, mas nag-mature. Hopefully, sana [bumalik ang loveteam].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN