Actress-TV host Megan Young joins Miss World Philippines 2013

Marami ang nagulat nang ipakilala ang actress-TV host na si Megan Young bilang isa sa official candidates ng Miss World Philippines 2013. Ngunit ipinagkikibit-balikat na lamang ni Megan na malaki ang lamang niya sa ibang kandidata dahil sa pagiging celebrity niya.


Hindi mawala ang ngiti ni Megan Young nang ipakilala siya bilang isa sa official candidates ng Miss World Philippines 2013.

Ginanap ang launch ng Miss World Philippines 2013 sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City kahapon, July 31.

Si Megan ay Candidate No. 20.

Ginulat ng actress-TV host ang marami nang rumampa siya suot ang official two-piece swimwear ng naturang pageant.

Umani ang StarStruck alumna ng pinakamalakas na palakpak among the candidates.

FIRST TIME. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Megan pagkatapos ng press presentation, sinabi nitong first time niyang rumampa na naka-two-piece.

“Kinabahan talaga ako kasi feeling ko, madadapa ako!" tawa niya.

“Never n’yo naman ako nakitang nagsuot ng ganitong swimwear, di ba?

“It’s always one-piece at minsan bikini top lang at sarong tulad ng mga suot ko sa Misibis Bay [TV5 series].

“I’ve gathered enough confidence para magawa ko ito.

“Okey naman pala, especially if you know that you have people to support you in this competition.”

Hindi na naghintay si Megan next year kaya marami raw siyang isinakripisyong mga trabaho sa showbiz para sa pagsali niya ngayong taon.

Paliwanag niya, “I’m already 23 years old kasi. Kung maghintay pa ako next year, baka too late na.

“Kaya marami akong showbiz commitments na hindi muna gagawin because of this.

“Commitment ko na ito para sa sarili ko.

“Naintindihan naman ako ng Star Magic and even TV5, kasi nga I made this decision to join Miss World Philippines.

“Matagal ko nang dream to join a beauty pageant and I feel that this is the right time.”

Natuwa raw nang husto ang kanyang pamilya nang malaman nilang official candidate na si Megan sa Miss World Philippines 2013.

Kuwento niya, “They all jumped for joy, lalo na ang mga kapatid ko, si Lauren [Young] and yung brother namin.

“Lahat kasi sila, they know that I have dreamt of this for a long time and it is finally coming true.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have their support, manalo man ako o matalo.”

MEGAN’S EDGE. Marami ang nagsasabing malaki ang edge ni Megan na mapanalunan ang korona dahil siya ang pinakasikat among the candidates bunsod ng pagiging celebrity niya.

Si Megan ang kauna-unahang showbiz celebrity na sumali sa Miss World Philippines.

Last year kasi ay nag-backout si Arci Muñoz bilang isa sa kandidata ng naturang pageant dahil magkakaroon daw ng problema sa kontrata niya sa TV5.

Pero ayon kay Megan, hindi niya iniisip na malaki ang edge niya sa competition. Tulad ng ibang candidates, gagawin niya ang kanyang best para mapagwagian ang korona.

“Hindi naman porke’t celebrity tayo ay sa akin na ibibigay. It does not work that way naman.

"I am here like all the other candidates and we will all do our best sa bawat competition na gagawin namin.

“It will be harder this time kasi may iba’t ibang competitions kaming gagawin and not just the bathing suit, evening gown, and Q&A.

“We are all on equal footing and ayoko namang isipin ng marami that I don’t have to work hard for the title.

“Like what I said, pantay-pantay kaming lahat and no one knows who will win the crown until the coronation night on August 18.”

Dahil bago lang si Megan sa ganitong klaseng competition, kinilala niya raw ang lahat ng candidates.

“Natutuwa sila sa akin kasi parang ako na yung nag-i-interview sa kanila.

“Lalapit ako sa bawat candidate and I will introduce myself.

“Gusto ko rin naman kasi na may maganda akong relationship with each girl kahit na sabihin mong it’s a competition.

“Siguro it’s in my nature lang na maging friendly and know the people I am working with.

“Kasi nga, we will be working for the next three weeks kaya it’s better na may mga friends ka sa environment na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka nga raw makuha ni Megan ang special award na Miss Congeniality dahil sa kanyang bubbly personality.

Sabi niya, “In fairness, lahat naman ng girls ay friendly.

“We all get along well kaya bago kami lumabas kanina, we are checking one another.

“Gusto kasi namin na maayos kaming lahat when we are finally presented sa media.”

Sa GMA-7 ipalalabas ang Miss World Philippines 2013 coronation night on August 18.

Magaganap naman ang Miss World 2013 sa Jakarta, Indonesia on September 28.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN