John Estrada “excited” to work again with Heart Evangelista

Nang matanong si John Estrada kung handa na ba siya sa mga intriga sa gagawing pelikula kasama sina Heart Evangelista, Derek Ramsay, at Cristine Reyes, ang sagot ng aktor: “I’m old enough. I’m kinda old in this business already, and ang target talaga namin is to give a good movie to the audience out there. Ayoko ng mga intriga.”


May mga babalikan si John Estrada sa muli niyang pagsabak sa paggawa ng pelikula—ang Trophy Wife ng Viva Films.

Una na rito ang pagganap ng kontrabida at ang muling pakikipagtrabaho kay Heart Evangelista, na huli niyang nakatrabaho sa teleserye almost a decade ago.

Huling nagkasama sina Heart at John sa Hiram noong 2004-2005; kasama sina Kris Aquino, Dina Bonnevie, Geoff Eigenmann, at Anne Curtis.

Subalit kung sa Hiram ay mula sa magkaibang henerasyon ang kanilang roles, sa upcoming film na Trophy Wife ay posibleng may romantic involvement ang gagampanan nila.

Kasama rin sa pelikula sina Derek Ramsay at Cristine Reyes.



REUNION WITH HEART. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor kung ano ang pakiramdam na muli silang magkakatrabaho ni Heart.

Sabi ni John, “I’m excited. I haven’t worked with her in a long time dahil nga nag-GMA siya, so excited.”

Matatandaan noong 2007 ay nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni John at ng noo’y magkasintahang sina Heart at Jericho Rosales, subalit nagkaayos din ang magkabilang kampo.

(Read: John Estrada willing to work with Jericho Rosales and Heart Evangelista)

Bago pa magsimula ang kanilang story conference noong July 30, Martes, napansin ng PEP na nag-uusap sina Heart at John kasama ang direktor ng pelikula na si Elwood Perez.

Isa pa raw sa dahilan kaya excited si John na gawin ang pelikula ay dahil makakatrabaho niya ang premyadong direktor.

Kuwento ng aktor, nang mag-first shooting day sila ay naramdaman niyang marami pa siyang kailangang matutunan bilang isang aktor.

“Alam mo, I have to salute Direk Elwood, ang galing niya. It’s my first time to work with him.

"Akala ko kumportable na ako sa craft ko pero iba siya… yung iba.

"Yung meron siyang mga shots, mga anggulo na mapapa-‘Wow, first time ‘to! Hindi ko pa alam kung paano gagawin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, you learn something [new] every day, and first day ko nga I’ve learned a lot from him,” saad ni John.

First time naman daw niyang makakatrabaho sina Derek at Cristine.

PREPARED FOR THE INTRIGUES. Tipid ang mga bida ng pelikula sa pagsasalita nang tanungin kung anu-ano ang kanilang roles. Pero nabanggit ni John na sila ni Derek ay gaganap na magkapatid sa pelikula.

“Ang maganda rito, maraming twists sa pelikula. Of course it’s a love story, may violence, so it’s exciting,” pagbabahagi ni John.

Challenging din daw ang role na gagampanan niya.

“After how many years, dito nga lang ako medyo… ayoko pa sanang sabihin pero magandang case ito kasi kaya ko nga rin tinanggap ‘to dahil iba ako dito.

"Kasi nga, ang mga soap ng ABS, medyo mababait ako.

“But I’m excited here kasi medyo hirap lang ako sa pagiging masama, pero kakayanin naman.”

Sa paggawa niya ng pelikula, naitanong kay John kung handa na ba siya sa posibleng pang-iintriga sa kanya.

Natatawa at umiiling na sagot niya, “Hindi, hindi ako ready diyan.

“It’s funny ’coz dito sa atin, pag gumawa ka ng pelikula, ang unang nakikita [ay] ang intriga.

“Para sa akin, personally, I’m old enough, I’m kinda old in this business already.

"And ang target talaga namin is to give a good movie to the audience out there.

"So, yun ang ano namin dito. Ayoko ng mga intriga.”

Nang kumustahin naman sa kanya ang asawang si Priscilla Meirelles at ang kanilang baby, tugon ni John, “Okay kami, masaya ang buhay namin.”

Bukod sa Trophy Wife at sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala, nakatakda rin daw gumawa ng pelikula si John kasama si Laguna Governor ER Ejercito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN