Julia Barretto on being “beautiful”: “Masarap siyang pakinggan.”

Inaamin ni Julia Barretto na pangarap niyang maging cover ng YES! 100 Most Beautiful Stars. Sabi niya, “It’s everybody’s dream naman to be the cover of YES! 100 Most Beautiful Stars. So, of course, sana, one day.”


Bagamat maituturing pa ring baguhan sa showbiz, dalawang beses nang nakasama sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars ang Star Magic talent na si Julia Barretto.

Ang una ay noong isang taon at nasundan ito ngayong taon.

Sabi ni Julia, sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars sa Crowne Plaza Hotel noong July 25, masaya siya tuwing nakakasama sa taunang listahan na ito.

“Nakaka-excite siya... every year, my gosh, sana I’m part of it. Masarap na pakinggan na you’re beautiful.”

Si Julia ay anak ng actress-politician na si Marjorie Barretto at ng comedian-politician na si Dennis Padilla.

Dahil nagmula sa pamilya ng mga artista, nasubaybayan ng publiko ang pag-usbong ng kagandahan ni Julia.

Malamang ay palagi niyang naririnig na may nagsasabi sa kanyang “beautiful” dahil maganda naman talaga siya.

Natawang reaksiyon niya dito, “Iba pa rin, iba pa rin talaga, nakaka-boost siya ng self-confidence.

“So, every year, I’m very thankful and ecstatic!”

Kahit madalas niya itong marinig, may kakaibang dating pa rin daw sa kanya kapag siya’y napupuri.

“Yeah, nakakakilig siya,” sambit ni Julia.

“We have our own insecurities and we have our flaws that we are not very proud of.

“Pero despite that, kapag nakakarinig ka na ’you’re beautiful,’ masarap siyang pakinggan.

“Like what I’ve said, nakaka-boost nga ng self-confidence.”

Sa palagay ni Julia, ano ang pinakamaganda sa kanya?

“Siguro, my simplicity lang, simple lang talaga ako,” tugon niya.

Hindi naman itinanggi ni Julia na gusto rin niyang malagay sa cover ng YES! 100 Most Beautiful Stars, katulad nina Kathryn Bernardo at Julia Montes na siyang cover girls this year.

Sabi niya, “Wow, I think it’s everybody’s dream naman to be the cover of YES! 100 Most Beautiful Stars.

“So, of course, sana, one day.”



FIRST SOAP. Ibinalita rin ni Julia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na malapit na siyang mag-taping para sa launching soap niya sa ABS-CBN, ang Mirabella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Confradia ang unang napabalita na launching teleserye niya, pero napalitan na ito ng Mirabella.

Kahit na nagkaganoon, masasabi ba niyang pareho pa rin ang excitement na nararamdaman niya?

Sagot ni Julia, “I’m still super excited, kasi yung Mirabella, super-maganda ang story niya.

“Tapos yung cast, napakaganda ng mga taong makakasama ko sa Mirabella.

“It’s equally beautiful, equally exciting, so hindi ako parang… masaya ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN