Alden Richards on being an actor: “I would really accept everything. I would not choose roles.”

Dahil daw sa pagmamahal ni Alden Richards sa kanyang craft, willing daw siyang subukan ang lahat para maging magaling na aktor.


Puspusan ngayon ang paghahanda ni Alden Richards para sa Metro Manila Film Festival 2013 entry na 10,000 Hours, isang pelikulang base sa true-to-life events, kung saan makakasama niya ang action superstar na si Robin Padilla.

Gaganap si Alden dito bilang young Senator Panfilo Lacson at first time niyang sasabak sa action genre.

(Read: Alden Richards on playing young Robin Padilla in 10,000 Hours: “Ito na po ang masasabi kong pinaka nakaka-pressure na role... so far.”)

Madalas nalilinya ngayon sa drama ang very promising actor ng GMA-7.

Kasalukuyang napapanood si Alden sa primetime teleseryeng Mundo Mo’y Akin, kasama sina Louise delos Reyes at Lauren Young.



WILLING TO TRY EVERYTHING. Ani Alden, ang kanyang ginagawang pelikula ay pagkakataon upang sumubok ng ibang genre bukod sa drama at upang mahasa ang kanyang kakayahan bilang isang aktor.

“Excited po ako kasi first project I’ve done outside GMA, na hindi GMA-produced,” sabi ng young actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sublian Festival sa Batangas noong July 20.

Ang 10,000 Hours ay produced ng Fearless Entertainment.

Dagdag niya, “I’ve never done hardcore action before, [this movie is] less drama, it’s more informative, not so much heavy scenes. There’s no crying scenes, it’s not a love story.

“Kasi, I also want to be versatile in my craft.

"Kasi I love the craft so much na lahat ng way para mag-grow, mapaunlad ko yung craft ko when it comes to acting, I would really accept everything, e.

"I would not choose roles.”

Maganda rin daw ang materyal kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

“Kasi I’ve read the script, I read the story inspired by two events here in the Philippines.

"And it’s nice that people should see what really happened sa event na ‘yon.”

Magsisilbi rin daw experiment ito kay Alden para malaman kung paano ito tatanggapin ng kanyang mga tagasuporta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s also new for me so titingnan ko yung magiging effect.”

Initially daw ay indie movie dapat ang nasabing proyekto, subalit naging mainstream nang mapabilang ito sa MMFF.

Nakagawa na ng dalawang MMFF entries si Alden—Ang Panday 2 noong 2012 at Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako noong 2012.

WORKING WITH ROBIN. Puring-puri rin ni Alden si Robin, at ang personalidad daw nito ay kabaliktaran sa pagkakakilala ng mga tao kapag napapanood siya sa TV.

“Very nice, very approachable.

"Akala natin ang image niya sa TV brusko, very authoritative, pero in person ang bait ni Kuya Binoe [palayaw ni Robin]," paglalarawan ni Alden.

Puspusan din daw ang pagti-training ni Alden para sa kanyang action scenes sa pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN