Benjie Paras shocked by Claudine Barretto’s move to file TPO against Raymart Santiago

Nakikisimpatiya ang comedian na si Benjie Paras sa kaibigang si Raymart Santiago kaugnay ng pinagdadaanan nitong problema ngayon. Inireklamo ng misis ni Raymart na si Claudine Barretto sa korte sa pamamagitan ng paghingi ng TPO laban sa aktor.


Inamin ni Benjie Paras na may nalalaman siya sa problema tungkol sa buhay may-asawa ng matalik na kaibigan si Raymart Santiago, pero ikinagulat niya ang balitang idinulog na ito sa korte ng misis ng aktor na si Claudine Barretto.

Naghain ng petisyon si Claudine for Temporary Protection Order (TPO) laban kay Raymart para sa kanya at sa dalawa nilang anak noong July 29 sa Marikina Regional Trial Court.

(Read: Claudine Barretto files Temporary Protection Order against husband Raymart Santiago)

Sabi ni Benjie sa panayam sa kanya ng InterAksyon, matagal nang may isyu sa pagitan nina Raymart at Claudine ngunit nanahimik lamang daw si Raymart.

“Matagal na kasi ’yang issue na ‘yan. Tahimik lang si Raymart, pero matagal na naman silang hindi na nagsasama.

"Itong pag-file lang, dito lang ako nagulat kung paano nangyari ‘yon.”

Dagdag ng comedian, “Ang sa akin lang, katulad ng wini-wish ng iba, na sana matapos nang maayos and kung ano man yung totoo, sana lumabas.”

Naging malapit na magkaibigan sina Benjie at Raymart nang magsama sila sa weekly sitcom ng GMA-7 na Kool Ka Lang. Tumagal ang naturang show sa ere mula February 1999 hanggang October 2003.

Aminado naman si Benjie na hindi pa niya nakausap si Raymart tungkol dito.

Pahayag niya, “Hindi kami nag-uusap.

"Alam mo naman si Raymart, kahit naman noong nag-comment siya sa media regarding this issue, pinasabi lang niya.

"Kilala ko yung taong yun, e. Pag ayaw niyang pag-usapan, hindi mo puwedeng simulan.

"So, sa kanya ko inaantay.”

Dugtong pa ni Benjie, “Every time nagkakakumustahan kami, nag-aantay ako na sa kanya manggaling.

"E, wala namang nanggagaling sa kanya so never akong nag-i-interfere.”

Pero alam daw niyang masyadong naapektuhan ang kaibigan sa panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Saad ni Benjie, “Siyempre naman kasi may involved na mga bata. Siguro kung walang involved na bata, I’m sure mas madaling makaano ’yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalulungkot lang daw siya sa mga panibagong kaganapang ito sa buhay ng dating mag-asawa dahil sa naoobserbahan daw niya, palaging naaayos ng dalawa ang anumang hindi nila pagkakaintindihan dati.

Pahayag ni Benjie, “Yun nga ang bilib ako sa kanila noon dahil nababalitaan ko nga na nag-aaway sila, may lumalabas na tsismis, pero naaayos nila. And lumalabas silang magkasama.

"Well, eventually nagkaroon ng ganito. Ito na yata yung pinakagrabe.

"Siyempre, malungkot din para sa akin dahil alam ko naman na magkakasama kami dati and you only wish for the best para sa kaibigan mo.”



ON HIS OWN TROUBLES. Nasa limelight din ngayon si Benjie dahil sa patuloy na panunuyo ng ex-wife niyang si Jackie Forster sa dalawa nilang anak upang magkaayos sila.

Ayaw na raw niyang mag-comment tungkol dito at hayaaan na lang daw sina Andre at Kobe na magsalita tungkol dito.

Sabi pa ni Benjie, “Ang sa akin naman kasi, nangyari na ito and hindi naman kasi matatapos ito if I’m going to comment, ’tapos ko-comment yung kabila, tapos may mga reporters na kakampi doon and sisiraan kami.

“Pabayaan natin na lang yung mga bata, yung mga anak ko, kasi nasa right age na sila to decide on their own.

"So, hindi ko na talaga kailangang pilitin o kung ano yung sabihin so antay na lang. Yun na lang yung pakiusap ko.”

Handa na kaya siya sa pagiging outspoken ng kanyang mga anak ngayong pumasok na rin ito sa showbiz sa pamamagitan ng pagpirma sa Viva Artists Agency?

Tugon ni Benjie, “Sinabihan ko naman sila, ’Kung kaya ninyong sagutin pero kung undecided kayo, maiintindihan naman nila if you will not comment on that. Marami naman kasing maitatanong na ibang bagay.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN