Vice Ganda asks public to stop meddling in Billy Crawford-Nikki Gil breakup: “Huwag pakialamera, hindi nakakayaman, hindi kayo uunlad!”

Dahil sa larawang ipinost ni Vice Ganda sa Instagram ay nagkaroon ng usap-usapan na may kinalaman ang kanyang co-host sa It’s Showtime na si Coleen Garcia sa breakup nina Billy Crawford at Nikki Gil. Sabi ni Vice tuingkol dito, "Karylle was not there as well, Kuya Kim [Atienza] was not there as well, pero siningle out naman si Billy saka si Coleen."


Nagsimula ang isyu ng pagli-link kina Billy Crawford at Coleen Garcia sa larawang ipinost ni Vice Ganda sa Instagram. Kuha ang larawan sa isang lunch date ng grupo ng It’s Showtime.

Wala sa nasabing larawan sina Billy at Coleen, kaya may ilang nag-speculate na baka si Coleen ang “third party” sa breakup ni Billy at ng girlfriend nitong si Nikki Gil.

Agad naman itong pinabulaanan ni Billy sa pamamagitan ng paglabas ng kanyang sama ng loob sa Instagram.

(Read: Billy Crawford cries foul over speculations that he and Coleen Garcia are romantically involved)

Nang makapanayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vice sa studio ng It’s Showtime noong Miyerkules, July 31, nagpahayag siya ng pang-unawa sa naging reaksiyon ni Billy.

Sabi ni Vice, “Kasi nag-react din si Billy, dun sa picture. Tinext niya ako, ‘May comment ako dun sa Instagram posts mo.’

“Sabi ko, ‘Ano yun?’ Sabi niya, ‘Basahin mo…’

“Binasa ko, nag-react nga.

“Hindi mo naman masisisi, karapatan naman ni Billy yun na mag-react.

“Nakakabastos na rin naman yung mga tao, may mga tao talagang nakakabastos.

“Siyempre bilang best friend ko si Billy, kailangang iparamdam ko rin sa kanya na, ‘Oy, hindi siya nag-iisa, ipagtatanggol din kita.’

“Kasi may mga tao na sumusobra naman na, basta may masabi na lang din."

Dagdag niya, “Karylle was not there as well, Kuya Kim [Atienza] was not there as well, pero siningle out naman si Billy saka si Coleen."

Bilang kasamahan sa It’s Showtime at malapit na kaibigan ng dalawa, nasasaktan daw si Vice para kina Billy at Coleen; at pati na kay Nikki.

Sabi ni Vice, “Nasasaktan kami kasi yung mga taong malalapit sa amin, sobrang nasasaktan na.

“Si Billy na… si Nikki for sure is hurting as well. Si Coleen, nasasaktan din.

“Nakakabastos naman yung mga tao at saka hindi naman nila alam ang mga nangyayari, kung kaya kung hindi nila alam, huwag na lang magsalita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FIRST AND LAST. Sa panayam ni Billy sa The Buzz noong July 28 ay naging emosyunal ito at sinabing naguguluhan siya.

Bagamat inamin niyang break na sila ni Nikki, hindi direktang sinabi ni Billy ang dahilan nito dahil maging siya ay nagugulahan pa rin hanggang ngayon.

(Read: Billy Crawford on breakup with Nikki Gil: "It all boils down to me.")

Sabi ni Vice tungkol dito, “Kung anuman ang nasabi ni Billy, ibigay ninyo na lang sa kanya yun. Yun lang ang gusto niyang i-share.

“Kung ano ang mga hindi niya gustong i-share, ibigay natin sa kanya.

“Lahat naman tayo may reservations sa katawan natin, irespeto natin ang bawat isa.

“Lahat naman ng tao nasasaktan at hindi lahat ng detalye sa nararamdaman mo ay gusto mong ipangalandakan sa buong mundo.”

Sinang-ayunan naman ni Vice ang desisyon ni Billy na ang kanyang interview sa The Buzz ang una at huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa breakup nila ni Nikki.

Saad ni Vice, “Yung for the last interview niya na yun, sa decision niya na yun, masayang-masaya ako dun.

“Tinanong ko nga siya… kagagaling ko lang kasi ng Paris, tinawagan ko siya, tinanong ko, ‘Bakit ka nagpa-interview?’

“Kasi, knowing him, hindi siya mahilig magpa-interview.

“Ang sabi niya, ‘Una’t huli na rin naman yun.’

“’Kasi ako, sa pagkakilala ko sa iyo, hindi ka magpapa-interview.’

“Kasi magsalita at hindi si Billy, may sasabihing masama sa kanya ang tao, kaya bakit magsasalita ka pa?

“Tapos yung pagpunta niya sa ibang bansa para magpahinga, he deserves it.

“Bugbog na yung tao, pagod na pagod na yung puso at utak, kawawa na, pagpahingahin ninyo.

“Pero ngayon nakakausap ko siya, napapatawa ko na siya.

“Slowly, ibigay natin sa kanya yung proseso na mag-heal.

"Nasasaktan na yung dalawang tao—si Nikki at si Billy—pagpahingahin naman natin.

“Ang daming bagay na puwede nating gawin, mas makabuluhan, mas deserving sa mga oras natin, gawin natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi n’yo rin naman kamag-anak sina Nikki at Billy, huwag ninyong pakialamanan.

“Huwag pakialamera, hindi nakakayaman, hindi kayo uunlad!”

BREAK FROM IT’S SHOWTIME. Bago nagpunta ng Paris ay nagpahinga pansamantala si Vice sa It’s Showtime dahil sa nakitang polpys nito sa lalamunan.

Kumusta na siya ngayon?

Tugon ni Vice, “Pupunta ako ngayon ng St. Luke’s kasi ito ang last check ko.

“Nitong mga nakalipas na mga araw, normal na ako, hindi na ako naggagamot.

“Titingnan mamaya kung totally nawala na yung polyps. Kung hindi, magse-surgery ako.

“Natatakot nga ako kasi nung mga nakaraang araw, okay ako, ang bongga ng kanta ko, maayos.

“Tapos ngayon, ang gaspang na naman ng lalamunan ko, parang ang baba na naman.

“Ngayon, didiretso ako ng St. Luke’s, pero feeling ko naman, okay naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN