Comedian Pooh on handling fame and success: “Natatakot ako, e. Ayoko kasi na, kahit sa buhay ko, ayoko ng nabibigo.”

Pooh on his comic style: “Ah, siguro kung sa akin naman, iba naman ang forte ko, e. Bawat komedyante naman ay may iba’t ibang forte sa pagpapatawa. Alam mo yun, ang sa akin kasi, more on impersonation. More on skit. Skit-based kasi ako. Kung mag-under acting man ako, alam ko kung paano siya paglalaruan.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pooh sa taping ng Banana Split noong July 23, sa Music Museum.

Hindi na kami nagpaliguy-ligoy pa ng tanong sa kanya.

Tinanong na namin siya kung ano ang reaksiyon niya na sa grupo nila sa Banana Split, kung tutuusin, siya ang talagang komedyante.

Pero tila raw nalalamangan na siya ni Jason Gainza at mas napapansin ito lalo na sa segment nitong “Ihaw Na,” kunsaan ini-impersonate niya si Boy Abunda.

NO RIVALRY. “Wala,” ang nakangiti at maikling reaksiyon naman ni Pooh.

“Wala namang sapawan dito. Wala, e. Nagkataon kasi na yung role na yun, effective kay Jason.

“Yung kay Tito Boy. Siyempre, alangan naman na ako ang mag-Boy Abunda, e, Manny Pacquiao naman ang sa akin.

“Yung sa "Hot Issue," siyempre, sobrang baklang-bakla naman kasi kung bakla pa rin ang gumawa no’n.

“Kung titingnan mo, sobrang straight silang lahat, e. Lalaki, tapos si Angelica [Panganiban]. Tapos, okay lang, kasi, pagdating sa trabaho naman, may binibigay sila sa aking iba.

“At sa awa ng Diyos, hindi naman nawawalan ng raket abroad. Tapos, mga corporate, yun ang marami ako.

“Pero yung sa TV, ’eto, parang maintenance, para makita ka. Pero pagdating sa sapawan, wala naman. Hindi uso sa amin yun,” paliwanag ni Pooh.

Kuntento naman siya sa exposure niya sa Banana Split?

“Oo, kuntento,” saad niya.

“Kapag may dinagdag, okay. Kapag hindi, okay lang. Kasi, pangit yung ipipilit mo, baka mamaya, hilaw.

“Mas maganda na ikaw na ang mag-prisinta, kasi, alam mong hinog yun. Pangit naman yung kukunin mo ang role na yun na alam mo namang hindi mo forte.

“So, nandodoon ang risk, di ba?”

SCARED OF TOO MUCH FAME. May panahon na masasabing sobrang ingay din ng pangalan niya. Masasabing sumikat siyang talaga bilang si Pooh.

Mapagkumbaba niyang sagot, “Sumikat ba ’ko? Hindi ko alam. Hindi ko matandaan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong nakikita niya si Vice Ganda na sobrang phenomenal din ang kasikatan, naiisip niya ba na naranasan din niya yun noon?

“Hindi, hindi ko nga naisip na makakarating ako rito. Hindi ko nga inisip na nakapasok ako sa showbiz. Kasi, ang sa akin naman, kung ano yung sa tingin ko na para sa akin, yun lang siya.”

Hindi ba niya pinangarap na ang kasikatan niya ay mala-Vice Ganda rin?

“Ay hindi,” mabilis niyang sagot. “Natatakot ako. Natatakot ako, e. Ayoko kasi na, kahit sa buhay ko, ayoko ng nabibigo.

“Ayoko ng masyadong mataas. Gusto ko yung sobrang saktong-sakto lang. Yun lang siya.

“Hindi naman sobrang walang-wala ka. Hindi rin naman yung sobra kang ganun.”

Bakit siya matatakot kung siya ang nasa posisyon ni Vice Ganda ngayon?

“Bakit ako matatakot? Kasi, baka hindi ko alam i-handle, e. Siya kasi, alam niyang hawakan. Alam kong strong siya.

“Ako kasi, weak ako. Sa family nga namin, halimbawa, merong hindi makapag-ano sa family ko like may pinag-aaral akong pamangkin ko, hindi nakatapos, nasa-sad ako. Naapektuhan ako agad.

“Baka kasi hindi ko ma-handle,” pag-amin niya.

DIFFERENT COMEDY STYLE. Paano pa kaya kung sa kanya nangyari yung pinagdaanang isyu ni Vice kay Jessica Soho?

Matatandaang binatikos si Vice Ganda noong mga nakaraang buwan dahil sa kanyang “rape joke” na sa tingin ng karamihan ay naging offensive at “done in bad taste.” Pinuna rin ang nasabing isyu ng MTRCB. Di nagtagal ay humingi naman ng paumanhin si Vice Ganda at nagkaayos naman ang dalawa.

“Ah, siguro kung sa akin naman, iba naman ang forte ko, e. Bawat komedyante naman ay may iba’t ibang forte sa pagpapatawa.

“Alam mo yun, ang sa akin kasi, more on impersonation. More on skit. Skit-based kasi ako. Kung mag-under acting man ako, alam ko kung paano siya paglalaruan,” paliwanag niya.

Hindi ba siya yung nanlalait sa pagpapatawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-isip muna ito saka sinabing, “Sa sing-along? Wala akong matandaan. Ako ang lalaitin. Mas ako pa ang lalaitin nila.

“So, ako, smile. Hindi ako kumportable sa ganun. Meron kasing ganyan na alam nilang laruin yun.

“Ako kasi, baka mabitawan ko yun at ma-offend ng sobra.”

Kapag may sinasabing hindi na siya kasing-init tulad dati at may ibang komedyante na mas sumisikat ngayon, hindi siya nau-offend?

“Hindi,” sabi niya.

“Kasi, katulad nga ng sinabi ko sa inyo kanina, hindi ko kasi siya iniisip. Come what may.

“Basta ang iniisip ko ngayon, habang meron, mag-ipon. Patapusin ang dapat patapusin. Kumpletuhin ang dapat kumpletuhin. Mawala man siya, okay na ko.”

INVESTMENTS. Sa puntong yun, ano na nga ba ang mga naipundar niya?

“Tapos ko na ang mga lupa. Meron kasi ako sa San Jose, Del Monte, meron ako sa Malolos, sa Laoang, Northern Samar.

“Yung sa Laoang, Northern Samar, katabi ng ancestral house namin, pinagawa ko katulong ang aming uncle. Maayos na siya ngayon, konkreto na, hindi na siya kubo.

“Tapos, yung house ko rito sa Manila, yun… tapos, nakapagtapos na ako ng pamangkin na Nursing, may Medtech.

“Tapos candidate na ngayon yung Business Management at meron pa akong dalawa, Occupational Therapy at saka Physical Therapy.”

Sa ngayon, ano pa ang gusto niya?

“Ang magkaroon ng magandang pangangatawan nang magampanan ko ang hindi magampanan ng mga kamag-anak ko para sa aming lahat,” giit ni Pooh.

FIGHT OR RETIRE? Naitanong din namin kay Pooh bilang siya ang kilalang impersonator ni Manny Pacquiao na kung siya ang masusunod, gugustuhin ba niyang lumaban pa itong muli?

“For me, sa akin, desisyon niya pa rin yun. Kahit sabihin kong hindi. Pero, para sa akin, ayoko na rin sana.

“Parang it’s time na, ano pa ba ang kailangan kong ma-prove? Nandito na rin naman ang lahat sa akin. Kilalang-kilala ’ko sa buong mundo. Kilalang-kilala ’ko ng buong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, kung meron pa rin naman siyang gustong i-prove na hindi na saklaw ng pag-iisip ko yun, well, go ahead.

“Kasi, ikaw ‘yan. Pero, sana, kung para sa aming mga nagmamahal sa kanya. Kung puwedeng hindi na, e, huwag na lang.”

Sa abroad, kapag nagkakaroon siya ng show, ang pag-i-impersonate pa rin ba niya kay Pacquiao ang hinahanap sa kanya?

“The last time na show namin, hindi ko ginawa. Pero, okay lang. Sa L.A., San Diego, San Francisco. Okay naman kapag ginawa ko ang Pacquiao. Kapag hindi, okay lang din naman,” kuwento niya.

HAPPY TO BE KAPAMILYA. Sa huli, kinamusta namin si Pooh bilang isang Kapamilya.

Masasabi niya bang masaya naman siya bilang isang Kapamilya. Kuntento naman siya na sa Banana Nite at Banana Split siya napapanood?

“Kung bibigyan ako, why not? Kung hindi, okay lang din. Lalo na ngayon, may binigay sila sa akin, yung Muling Buksan Ang Puso, kasama ko ro’n.

“Kuntento na ’ko sa ABS, sa ngayon. Kasi, dahil din naman sa kanila, nakakapag-abroad ako.

“Ang laki ng mileage rin kasi. Ang laki,” pagpapasalamat ng komedyante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN