Keempee de Leon and Rodjun Cruz elated over positive reviews of their performances in My Husband’s Lover

Rodjun Cruz on the favorable comments he got for his guesting stint in My Husband’s Lover: “Ako sobrang nagulat talaga ako. Nung unang paglabas ko, ang daming nag-text sa akin. Wow, grabe, ang daming nanonood ng show, tapos biglang ang daming nag-follow sa akin sa Instagram. Tapos ang daming magagandang comments talaga, sobrang nakakataba ng puso.”

For his part, to prepare himself for his role, Ke


Live na nag-guest kahapon, (August 3) sa StarTalk TX sina Keempee de Leon at Rodjun Cruz.

Tulad ng alam ng lahat, lalo na ng mga masugid na tagasubaybay ng top-rating primetime drama series ng GMA-7 na My Husband’s Lover, sina Rodjun at Keempee ang mga bagong tauhan sa naturang programa.

Gumaganap si Keempee bilang si Zandro Soriano, ang pinsang bading ni Vincent na ginagampanan ni Tom Rodriguez.

Si Rodjun naman ay gumaganap bilang si Martin, ang bagong karakter na makikilala (at iibigin?) ni Eric na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

POSITIVE REVIEWS. Sa panayam kina Keempee at Rodjun ng guest co-chost ng StarTalk TX na si Heart Evangelista, tinanong ni Heart kung ano ang reaksyon ng dalawa sa positive reviews sa kanilang dalawa lalo na sa social media.

“Ako sobrang nagulat talaga ako,” bulalas ni Rodjun. “Nung unang paglabas ko, ang daming nag-text sa akin.

“Wow, grabe, ang daming nanonood ng show, tapos biglang ang daming nag-follow sa akin sa Instagram!

“Tapos ang daming magagandang comments talaga, sobrang nakakataba ng puso.”

Ayon naman kay Keempee…

“Totoo yung sinabi ni Rodjun.

“Kasi I never did a soap for almost two years so medyo kinabahan ako nung in-offer sa akin ito.

“So, marami talaga akong ginawa for this, na kinausap ko mismo si Ma’am Suzette Doctolero [MHL’s writer], na ano’ng klaseng character ang dapat gawin.

“Dumating ako sa point na nagpa-wax talaga ako,” sinabi pa ni Keempee. “Totoo! Pina-wax ko yung chest hair ko, arms, legs... lahat.”

Bukod dito, matindi rin ang ginawang preparasyon ni Keempee para sa kanyang gay role, bagamat marami na rin siyang nagampanang mga gay roles dati.

“Ito, ang difference kasi yung mga past na ginagawa kong pag-portray ng gay is more on comedy, more on kalokohan.

“This one is very serious.

“Sinabi kasi sa akin ni direk Dom [Dominic Zapata’s, MHL’s director], ‘O, seryoso tayo ngayon, serious role ito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So medyo tinitimpla ko so I always make it a point na kinakausap ko si direk, si Ma’m Suzette, nagtatanong ako kung ano yung dapat gawin for every scene.”

Nagpasalamat rin si Keempee sa lahat ng mga nagtu-tweet at Facebook fans ng My Husband’s Lover.

Sinang-ayunan ito ni Heart sabay-sabing…

“At saka yung mga nasa ibang channel, alam ko kinikilig din kayo!”

BE FREE.” Tinanong naman ni Heart si Rodjun, na bilang isang gay ang role niya sa My Husband’s Lover, since marami ang naiin-love sa kanya at nagwi-wish na sana ay gay nga si Rodjun sa tunay na buhay, ano ang masasabi ni Rodjun tungkol dito?

“Siyempre una sa lahat, nagpapasalamat ako sa inyong lahat na nagka-crush sa akin, naa-appreciate ninyo ako, sobrang nakakataba ng puso.

“Ang dami kong puwedeng maging kaibigan, puwede tayong maging magkakaibigan,” nakangiting sinabi ni Rodjun na obviously ay patungkol sa mga bading na nagkakagusto sa kanya lalo na ngayon.

Sinabi naman ni Heart na marami ang nakaka-relate sa kuwento ng My Husband’s Lover, kaya hiningan niya ng advise sina Rodjun at Keempee sa mga taong hindi mailabas ang kanilang tunay na nararamdaman o tunay na sexual orientation.

“Para sa akin siyempre huwag ninyong ikahiya o itago, ilabas ninyo yung tunay na nararamdaman ninyo kasi iyon ang makakapagpasaya sa inyo,” ang pahayag ni Rodjun.

“Yung love kasi is free naman yan to everyone,” sinabi naman ni Keempee. “So kung ano yung ikasasaya mo, just be free.

“Be free.”

Ayon pa kay Keempee…

“May binitawan akong linya doon pero hindi ko sasabihin, abangan nila next week.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN