Jake Vargas on possible reconciliation with Bea Binene: “Sa ngayon, wala na talaga... period na.”

Jake Vargas on life after his breakup with Bea Binene: “Gusto ko pa rin naman siyang maging kaibigan pero sa ngayon, wala kaming communication. Walang text, walang kahit ano. Sana mawala na yung comments sa Twitter ng mga tao na ako ang sinisisi. Andun kasi na ako pa ang nagiging masama. Ginawa ko lang naman yun [yung pakikipag-break] para makapag-isip-isip. At saka gusto ko rin sabihin sa mga taong nagagalit sa akin na hindi naman po ako masamang tao.”


Hindi lamang pala ang pagbi-break nila ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Binene ang naging dahilan ng kalungkutan ni Jake Vargas last week kundi pati na rin ang pagtatapos ng family comedy-drama na Home Sweet Home na naipalabas sa GMA-7.

Nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang alaga ni German Moreno sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman noong Biyernes, August 2 sa GMA Studios ay naging vocal ito sa kanyang nararamdaman.

Panimula ni Jake, “Nalulungkot ako kasi ang matagal din kaming nagsama-sama.

“Sina Kuya Raymart [Santiago], sina Ate Gladys at Ate Roxanne, sina Direk Gil [Tejada], si Bea nga... basta, lahat ng pamilya sa Home Sweet Home.

“Close pa naman kami lahat at laging masaya sa set...maraming kalokohan, biruan... lahat yun,e... nakaka-miss. Pero, masaya din ako dahil naging matagumpay naman yung show.”

ON RAYMART’S SITUATION. Sa pagkakataong ito, inalam namin kay Jake kung ano ang masasabi niya sa pinagdadaaanan ng kanyang “Kuya” na si Raymart tungkol sa personal nitong buhay.

Ayon sa 21-year-old Kapuso actor, “Bilang parang isang kapatid na rin ni Kuya Raymart, para sa akin kasi ay intriga ’yan, e... showbiz... mahirap ding magsalita.

“Para sa akin siguro, kung ano ang tama ay yun na lang ang gawin.

“Mabait si Kuya Raymart at professional na ka-trabaho, matulungin sa mga eksena namin.”

Hindi raw ipinahahalata sa set ni Raymart na meron itong problema na iniinda.

Komento pa ni Jake, “Hindi. Kasi hindi mo mahahalata sa kanya na meron siyang dinadalang ganung problema.

“Kasi ang iniisip niya noon ay puro trabaho lang talaga.

“Wala kaming napapansin at hindi naman napapag-usapan yun. Isang masayang pamilya kami sa set at kung anumang problema meron kami, wala, e, walang nakakaalam.”

POST-BREAKUP BLUES. Sunod na tanong ng PEP sa kanya: kumusta naman ang estado ng kanyang emosyon ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

July 28 noong nakipaghiwalay siya kay Bea at halos isang linggo pa lang ang nakakaraan.

Kaswal na sagot niya, “Okay naman po kasi masyado pa naman kaming bata, lalo na po siya.

“Siyempre, kailangang magseryoso muna sa career at yun ang atupagin muna ngayon.

“Masyado pang mahaba ang taon at panahon na maaaring may mangyari sa buhay natin.

“So, yun. Wala munang lovelife. Makakapaghintay ’yan, puro work lang po muna.”

Paano nga ba sila naghiwalay dahil hindi rin biro ang isang taon at limang buwan na relasyon.

Pag-amin niya, “Kinausap ko siya kasi ang dami na ring nangyayari sa amin na hindi maganda.

“Sabi ko sa kanya, ’ayoko na at parang career muna.’ Ipinagtapat ko naman sa kanya na ihinto na muna namin.

“Para sa akin ay nakakalungkot din na parang mawawala na ang pagsasama namin, sayang yung good happenings na nangyari sa amin.”

Paano tinanggap ni Bea ang pakikipaghiwalay niya dito?

Medyo malungkot niyang sinabing, “Naiyak siya. Sabi ko naman sa kanya, hindi naman ako yung tao na kapag nakipaghiwalay ay lalayo na.

“Kung kailangan niya ako bilang kaibigan ay nandito lang ako. Kung naaagrabyado siya, text lang niya ako.

“Yung fans namin, nalulungkot sa mga nalalaman nila ngayon, Sa akin lang, sana ay suportahan pa rin nila ang love team namin ni Bea, yung JaBea.

“Nababasa ko naman sa comments nila sa Twitter na kahit wala na raw yung love sa aming dalawa ni Bea, susuportahan pa rin daw nila kami.”

Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang manager na si German “Kuya Germs” Moreno?

Sabi naman niya, “Sabi naman niya, yun nga raw, masyado pa kaming mga bata para isipin ang mga ganun.

“Marami pa nga raw ang pagbabagong magaganap sa buhay namin, focus lang muna sa trabaho at siyempre, andun yung suporta niya bilang manager ko.

“Si Kuya Germs naman ay laging concerned sa future naming lahat dito sa Walang Tulugan. Hindi lang sa akin kundi sa lahat ng members.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING HIMSELF PREOCCUPIED. Unti-unti na rin daw siyang nakaka-move on pero inamin din niyang nahihirapan pa rin siya.

“Mahirap namang sabihin na naka-move on na ako,” seryosong sagot ng Walang Tulugan mainstay.

“Kasi, andun yung lagi mo siyang iniisip.

“Basta, dinadala ko na lang sa magandang ano... yung parang hindi halata na hirap din ako. Kaya gusto ko lagi akong masaya.

“Kailangan laging okupado ang isip ko.”

Lalo na nga raw maraming bagay na nakapagpapaalala sa relasyon nila.

Diin niiya, “Sinabi ko naman sa sarili ko na kung anuman yung alaala namin ay itatabi ko, hindi ko yun itatapon kasi masama naman yun.

“Mas maganda na yung itinatago na pagdating ng araw kapag nag-asawa ka na at nakikita mo yung mga ganong bagay maaalala mo siya, yung pinagsamahan niyo, di ba?

“Para kasi sa akin, kahit sino man ang dumaan sa buhay ko na babae, laging may maganda akong memories na kini-keep sa kanila.”

NO HARD FEELINGS. Mabuti at hindi nagtanim ng sama ng loob sa kanya si Bea nito considering na siya pa ang unang nakipaghiwalay.

Masakit yun kay Bea at sa murang edad nitong fifteen years old.

Paliwanag ni Jake, “Usually yung ibang babae ay ganun sila. May mga ganun, sabi nila.

“Pero sa tingin ko naman kay Bea ay hindi naman... hindi naman siya ganun kasi nakikita ko naman... alam ko naman ang ugali niya.

“Siguro siyempre andun pa rin yung nasasaktan siya kasi almost a week pa lang yung breakup namin.

“Pero, wala naman akong naririnig mula sa kanya.

“Gusto ko pa rin naman siyang maging kaibigan pero sa ngayon, wala kaming communication. Walang text, walang kahit ano.

“Sana mawala na yung comments sa Twitter ng mga tao na ako ang sinisisi. Andun kasi na ako pa ang nagiging masama.

“Ginawa ko lang naman yun [yung pakikipag-break] para makapag-isip-isip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka gusto ko rin sabihin sa mga taong nagagalit sa akin na hindi naman po ako masamang tao.

Ano naman ang reaksiyon ng mga magulang ni Bea?

Aniya, “Wala, wala. Wala naman silang sinasabi.

“Basta kaming dalawa lang ni Bea ang nag-usap, hindi naman sila nakialam sa aming dalawa.

“Ako, andun pa rin naman ang respeto ko sa kanila bilang parents ni Bea. Bumabati pa rin naman ako sa kanila.”

MOVING ON. Handa pa rin ba siyang magmahal at magkaroon ng girlfriend in the future?

Natatawang reaksiyon niya, “Siguro hindi muna ngayon. Trabaho lang muna ang priority ko.

“Kasi mahirap e. Kapag nagkakaroon ng problema parang lahat ay damay na.

“Mas gusto ko na single muna sa ngayon. Tina-try ko talagang mag-move on pero andya’n pa rin, e.

“Kaya nga dinadaan ko na lang sa prayers. Kapag wala akong ginagawa ko, lumalabas talaga ako, punta sa mga kaibigan.”

Wala na ba talagang chance na magkabalikan pa sila? Huling tanong namin kay Jake.

“Sa ngayon, wala na talaga... period na,” maiksi pero seryosong sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN