Gretchen Barretto annoyed by questions about the Barrettos: "I’m not part of that family anymore."

“Bakit, ano ang pakialam n’yo sa pamilya ko? Kung natatandaan n’yo po, itinakwil na po ako. In other words, wala na kayong karapatang tanungin ako pagdating sa Barretto family dahil I’m not part of that family anymore." Ito ang buwelta ni Gretchen Barretto sa tanong ng entertainment press tungkol sa kinahaharap na problema ngayon ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto at ng asawa nitong si Raymart Santiago.


Halatang napikon si Gretchen Barretto sa patuloy na pagtatanong sa kanya ng media tungkol sa mga problema o isyung kinasasangkutan ng Barretto family.

Kagabi, August 4, sa awards night ng Cinemalaya Independent Film Festival, na ginanap sa Main Theatre ng Cultural Center of the Philippines, ay muling tinanong si Gretchen tungkol sa marital problems ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto at ng asawa nitong si Raymart Santiago.

Noong July 29 ay naghain ng petition for Temporary Protection Order (TPO) si Claudine laban kay Raymart.

Diretsong sagot ni Gretchen sa tanong: “Bakit, ano ang pakialam n’yo sa pamilya ko?"

Dagdag pa niya, “Kung natatandaan n’yo po, itinakwil na po ako.

“In other words, wala na kayong karapatang tanungin ako pagdating sa Barretto family dahil I’m not part of that family anymore.

“Right now, my family is Tony [Tonyboy Cojuangco, her partner] and Dominique [her daughter], Marjorie and Jayjay, and the rest of my siblings.

“Mahirap namang ipilit ang sarili ko sa mga ayaw sa akin.”

Matatandaang sa kasagsagan ng away nina Gretchen at Claudine noong Abril ng taong kasalukuyan ay nagpahayag ang kanilang ina na si Inday Barretto ng pagkampi kay Claudine at pagtakwil nito kay Gretchen.

(Read: Inday Barretto to daughter Gretchen: "Yes, I am letting you go to set you free from the burden of being a part of our family.")

Pahayag pa ni Gretchen, “Tahimik na rin ako ngayon.

"So, kung nanu-notice n’yo naman po ay puro career at pamilya ko at anak ko ang pinagtutuunan ko ng pansin—that’s it.

“Kaya huwag na nating isali kami ni Marjorie sa mga gulong hindi naman dapat kasali, kasi I think I’ve learned the big lesson na lumayo na lang.

“Yung magpakalayu-layo na lang para walang gulo.

"Pag walang sinasabi, at least, wala nang problema. Mahirap, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap ang mga gulu-gulo na ‘yan. Masaya na ang buhay natin.”

THE PRAYER. Lalo namang nairita si Gretchen nang tanungin ng isang miyembro ng media kung ano ang panalangin niya para sa kanyang pamilya, partikular na kina Claudine at Raymart.

Nag-iba na nang tuluyan ang timpla ng kanyang boses at napakunot din ang noo ng aktres.

Sabi ni Gretchen, “Bakit ko naman isi-share sa inyo? Kayo ba ang God?

"You are not God. I will not pray to you!

“I will not share. Stop it!

"And I hope you have to learn how to respect people also—respect me. ’Coz ang pinagdaanan ko ay hindi madali.

"Yung pang-iinsulto sa pagkatao ko, sa kredibilidad, ay napakasakit.

"Ngayon, hindi ko na kailangang sabihin yun.

“So, bakit ba kinakailangan na paulit-ulit ninyong itinatanong ang hindi dapat itanong, hindi ba? Bakit?

“What for? Para lang masaya kayo at bahala na ako?

"Hindi ganun yun, e. Pati prayers ko pakikialaman n’yo?

“’Yan ay pribado kong buhay.”

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): Is this matter really getting on her nerves?



Mabilis na sagot ni Gretchen, "Bakit, tao lang ako, di ba?

“O, siyempre, it’s getting on my nerves.

“O, siya tanungin n’yo siya [Claudine]. Tanungin n’yo siya. Ba’t ako ba ang nagtatago?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN