Kylie Padilla on being independent: “It’s about time!”

Ayon kay Kylie Padilla, pumayag na ang kanyang ama na si Robin Padilla na bumukod siya at mamuhay mag-isa. Sabi ni Kylie, “Yeah, payag na siya, nag-iipon lang ako. Gusto ko lang maging handa bago ko planuhin na magsolo. Pero siyempre, kailangan kong ihanda ang sarili ko financially."


Sina Kylie Padilla at si Mark Bautista ang nanalong Best Performers sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, August 4.

Bago pa i-announce ang winner ay marami na ang nagsabing standout ang performance ni Kylie kunsaan nag-belly dancing siya.

“Actually, matagal na akong nagbe-belly dancing. So, hindi na bago sa akin yung pagsasayaw noon,” sabi ni Kylie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

CARELESS. Okay ang takbo ng career at masaya rin ang estado ng lovelife ngayon ni Kylie sa piling ng kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica. May mahihiling pa ba siya ngayon?

Aniya, “Ayokong masyadong makuntento. Kasi kapag kuntento ka, masyado kang careless—ayokong maging careless.

“At saka, ang dami ko pang gusto sa buhay na wala pa sa akin ngayon.

“And feeling ko, kailangan ko pang mag-improve sa lahat.”



INDEPENDENCE. Kumpara dati na talagang hinihigpitan siya ng ama niyang si Robin Padilla, ngayon ay maluwag na raw ito sa kanya. Lalo kung tungkol sa relasyon nila ni Aljur ang pag-uusapan.

“It’s about time,” nangiting sambit ni Kylie.

Gusto na rin daw niyang subukang bumukod at mamuhay independently ngayong 20 years old na siya.

“Pumayag na si Papa, e. Yeah, payag na siya, nag-iipon lang ako.

“Gusto ko lang maging handa bago ko planuhin na magsolo.

“Pero siyempre, kailangan kong ihanda ang sarili ko financially.

“Actually, ngayon, wala kaming kasama sa bahay, so talagang kami lang ang naglalaba ng kapatid ko, yung mas bata sa akin, si Zhen Zhen.

“So kami ang naglalaba, nagluluto, naghuhugas ng pinggan... kami lahat.

“And marami na rin akong alam na lutuin!” tawa niya.

Ano yung specialty niya na nagustuhan ni Aljur?

“Pininyahang manok, yun ang paborito niya sa mga iniluluto ko.”

Nagpupunta ba o dumadalaw si Aljur sa bahay nila?

“Hindi, sa labas kami nagkikita,” sagot ni Aljur.

How often do they see each other?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga three times a week kapag hindi kami masyadong busy, we eat out.

“Okay naman kami, masaya!” sabi ni Kylie.

NEW SERYE. Samantala, may bago ulit siyang seryeng gagawin sa GMA-7, pero hindi pa raw pormal na nakakapag-meeting tungkol dito.

Sabi niya, “Narinig ko pa lang na meron, hindi ko pa alam ang detalye.

“Wala pa akong idea kung ano ang istorya, kung ano ang character ko at kung sinong mga artista ang makakasama ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN