BB Gandanghari on reconciliation with brother Robin Padilla: “The biggest blessing I have para sa buhay ko ngayon.”

Alam daw ni BB Gandanghari na magkakaroon pa rin siya ng mga problema, subalit mas magaan daw ngayon dahil mayroon na siyang pamilyang masasandalan.


Maituturing na double celebration para kay BB Gandanghari ang second and final night ng show niya with John “Sweet” Lapus noong August 3, Sabado, sa Music Museum—ang Beauty And The Sweet.

Bukod sa successful ang show dahil halos mapuno ang venue, dumalo rin ang mga mahal sa buhay ni BB.

Kabilang na rito ang kanyang ina na si Eva Cariño, ang pamangking si Bela Padilla, at ang kapatid na si Robin Padilla kasama ang asawa nitong si Mariel Rodriguez.

Bago pa matapos ang show ay umakyat ng stage si Robin upang magbigay ng mensahe para kay BB.

Sa pahayag ni Robin ay kinilala na niya si BB sa pinili nitong kasarian at iminungkahi ang “paglilibing” kay Rustom Padilla.

(Read: Robin Padilla officially "buries" Rustom Padilla)



RECONCILIATION WITH ROBIN. Matatandaang kamakailan lang nagkabati sina Robin at BB, nang maospital ang huli dahil sa severe dehydration.

Ang pagdalo ni Robin sa concert ni BB noong Sabado ay ang matibay na indikasyon na unti-unti na talagang nagkakaayos ang magkapatid.

“Very supportive, pati sa rehearsal ko nagpupunta ‘yon, parang may moral support,” sabi ni BB nang matanong sa pagdalo ni Binoe sa kanyang concert.

Dagdag niya, “Alam mo, kung wala, hindi ko siya nakakausap, medyo mahihirapan ako sa ginagawa ko.

"Kasi ang ginagawa kong ito is all new to me, so may mga time na mga discouragement na, ‘O, kaya ko ba ‘to?’

“Pero siya [Robin] ang nagsasabi sa akin na, ‘Kaya mo ‘yan.’

“Sobra yung encouragement, parang inaano sa akin, yung ginagawa ko, tama.

"So, ako naman, malaking bagay ‘yon.”

Kita rin sa mukha ni BB ang kapanatagan ng loob nang mabanggit na kahit si Mommy Eva ay dumalo sa concert para panoorin siya.

“Parang now everything is open, they know what I’m doing, they know what I can do... so happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ka alienated. Masarap yung pakiramdam na ibinibigay nila sa akin.”

Ano naman ang masasabi ni BB sa pagdeklara ni Robin sa lahat ng taong nanood ng concert na dapat "ilibing" na si Rustom, at ang paulit-ulit na pagpuri nito sa kanya dahil sa ginawa niyang performance noong gabing iyon?

Ayon kay BB, “Malaking bagay.

"Sabi ko nga, wala na, e, parang paano ko pa nga ba aanuhin ‘yon kundi ito na yung parang ultimate acceptance, and walang halong pagkukunwari, walang halong [pagpapanggap].

“In other words, it’s letting people know it’s okay and I’m okay and we are okay, so ano pang puwede mong hilingan?”

Sundot na tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): Ano pa nga ba ang mahihiling niya?

“Wala na. Sana lang magpatuloy ito.

“Sabi ko nga, di naman ito fairy tale, so life goes on.

“I’m sure may mga problemang darating, pero ang maganda ngayon, alam ko meron akong tatakbuhan pag may problema ako bilang tao.

“Alam kong meron akong sasandalan, alam kong merong susuporta sa akin.

“Yun pa lang, napakagaan nang dalhin.

“Sabi ko nga, it’s already a blessing.

“I texted Robin and I told him na [his] being a brother to me, at this point, I consider the biggest blessing I have para sa buhay ko ngayon.

“Sabi naman niya, ‘Amen.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN