Bianca King on rumored new non-showbiz boyfriend: “Saka na natin pag-usapan ‘yan!”

Bianca King on why she prefers non-showbiz boyfriend: “Nanggaling na ako sa ganoong mundo, ganoong experience. Parang gusto ko namang maka-experience ng iba. Parang ideal scenario lang yun sa ulo ko. Pero, hindi mo naman maga-guarantee kung ano talaga, di ba? Maganda kasi na may natutunan kang iba mula sa mga tao sa labas ng showbiz. Marami kang matututunan mula sa mga things na hindi involved sa showbiz.”


Ipinagmamalaki ni Bianca King na pataas nang pataas ang rating ng kanyang pinagbibidahang afternoon series sa GMA-7, ang Maghihintay Pa Rin.

Sabi niya, “Mabuti po, pataas po nang pataas ang rating namin.

“Masaya ako, napakaganda ng working relationship naming lahat.

“Sobrang bait nila sa akin, malambing din sila pareho—sina Dion [Ignacio] at Rafael [Rosell]."

Sina Rafael at Dion ang dalawang leading men ni Bianca sa teleserye.

Sa isang interview ni Bianca noon ay sinabi niyang mas close siya kay Rafael. Nag-iba na ba?

Mabilis na sagot ng aktres, “Ngayon, pareho na. Pantay na.

“Noong nakakulong kasi si Rafael [sa istorya], palagi kami ni Dion na nag-uusap.

“So, pareho na, equal na.”

May nade-develop na bang mas malalim sa pagitan nila ni Rafael?

“Siya ang tanungin n’yo diyan,” nangiting sagot ni Bianca.

“Ano naman, magandang foundation yung friendship na nabuo.

“Parang kumportable akong sabihin sa kanya kapag naiinis ako sa kanya. Kapag pareho kami ng mga jokes.

“Parang meron akong puwedeng ibulong sa kanya na kaming dalawa lang ang nakakaalam.”

DENNIS TRILLO. Natawa naman si Bianca nang tanungin namin tungkol sa diumano’y “bro code” sa pagitan ni Rafael at ng dating boyfriend ng aktres na si Dennis Trillo.

(Read: Dennis Trillo clarifies "bro code" with Rafael Rosell about Bianca King)

Sabi ni Bianca, “Nabasa ko lang din. Pero, hindi ko siya tinatanong.

“At saka, hindi talaga namin pinag-uusapan.

“Ako kasi, parang kahit anong may kinalaman sa past ko, parang lumang balita na for me.”

Nagkita sina Bianca at Dennis sa grand launch ng YES! 100 Most Beautiful noong July 25. Kumusta yun?

“Oo, wala, walang reaksiyon. Parang kalagitnaan na yun noong presscon.”

Hindi ba sila nagbatian?

“Parang yun lang ang first na nagkita kami,” sabi ni Bianca.

Nang sabay dumating si Dennis at ang co-star nito sa My Husband’s Lover na si Tom Rodriguez ay may mga kinilig. Sa parte ni Bianca, ano ang naging reaksiyon niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minding my own business,” nakangiti niyang sagot.



NEW BOYFRIEND. Sa isang banda, nabalitaan ng PEP na may non-showbiz boyfriend na raw si Bianca.

Pero natatawang sagot dito ng aktres, “Saka na natin pag-usapan ‘yan!”

Pero masaya ba siya ngayon?

“Oo, very, very,” sagot niya.

Nabanggit niya noon na kung maaaari ay ayaw na niya ng boyfriend na taga-showbiz.

“Sana, kung maaari, pero hindi naman natin mapipili kung yun ang darating sa ‘yo.

“Hindi naman ako manghuhusga ng tao kung anuman ang hanapbuhay niya.

“Artista naman ako, so hindi ko siya huhusgahan.”

Bakit niya nasabi na kung maaari ay non-showbiz na lang ang gusto niyang maging boyfriend?

“Para maiba lang,” tugon ni Bianca.

“Nanggaling na ako sa ganoong mundo, ganoong experience.

“Parang gusto ko namang maka-experience ng iba. Parang ideal scenario lang yun sa ulo ko.

“Pero, hindi mo naman maga-guarantee kung ano talaga, di ba?

“Maganda kasi na may natutunan kang iba mula sa mga tao sa labas ng showbiz.

“Marami kang matututunan mula sa mga things na hindi involved sa showbiz.”

Mas nagwo-work ba ang relationship kapag non-showbiz ang isa?

“Hindi ko pa masasabi talaga!” natawang sagot niya. “Malalaman natin kung saan hahantong.”

Masaya naman ba ang puso niya ngayon?

“Oo naman, yes.”

MOVING ON. Talagang naka-move on na siya sa naging relasyon nila ni Dennis?

“Naku, day one pa lang, move on na. Ganoon naman ako.

“Siyempre naman, kapag nagtapos ang isang bagay, para maging healthy ang pag-iisip mo, puso mo, kailangan mo talagang mag-move on.”

Kung sabihin, may time to heal, time to move on?

“Siyempre, may ganoon din. Pero, kasama na yun sa akin.

"Kapag naghi-heal na ako, kapag nagmu-move on na, dapat hindi mo na babalikan.

“Actually, may isinulat ako na essay, ‘Dealing with heartbreaks.’ Lalabas siya sa Meg Magazine ngayong August.

“Ito yung nag-travel ako ng six weeks na mag-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, nag-visit ako sa family ko sa Canada, then sa U.S.

“Para akong nagpunta sa six cities in six weeks.

“Sabi nga nila, nag-Eat Pray Love daw ako. Ganoon daw ang ginawa ko.

“Pero during that time, meron akong naisulat sa mga experiences ko and for every woman kung paano sila makaka-relate sa mga pinagdaanan ko.

“Parang kumbaga, guidelines to heartaches, not necessarily relationship breakup.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN