Jericho Rosales engaged to Kim Jones

Nag-propose na ang aktor na si Jericho Rosales sa kanyang girlfriend na si Kim Jones kahapon, August 4, pagkatapos ng church service in New Life Alabang.


Ikinagulat ng marami ang pagpu-post ni Jericho Rosales ng mga larawan ng kanyang girlfriend na si Kim Jones na may suot-suot na engagement ring kahapon, August 4, sa Instagram.

Sa caption nito ay inanunsiyo ng Kapamilya actor na “engaged” na sila ng kasintahan.

Kumalat agad ang naturang mga larawan sa Internet at nailathala rin agad dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naging headline din kahapon sa The Buzz ang balita tungkol sa engagement nina Jericho at Kim.

May kuwento pa nga ang isa sa host ng programa na si Toni Gonzaga sa naganap na proposal ni Jericho kay Kim.

Ayon kay Toni, “Alam n’yo kung kanino ko nalaman? Kay Tita Marissa, sa mommy ni Paul [Soriano, Toni’s boyfriend].

“Ikinuwento niya… actually, she texted me first.

“Sabi niya, ‘Jericho is engaged. He proposed, sa service, kanina sa New Life.’”

Ang New Life ay ang Christian church na ina-attend-an nina Jericho at Kim, gayundin nina Toni Direk Paul. Pastor naman dito ang ama ni Paul na si Jeric Soriano.

Pagpapatuloy ni Toni, “Ang theme po kasi ngayon sa New Life, sa Alabang po ‘yan, is about love.

“So, I think, Echo asked permission from someone in the church, kung puwede, right after the service, kung puwede siyang mag-propose.

“So, ang ginawa naman ni Tito Jeric, daddy ni Paul, after the service, he went up on stage.

“He talked about love and he called Jericho on stage.

“And then, si Echo naman daw, he said, ‘Why me, why us, why God chose us…’ something to that effect. Not so sure about that.

“Pero, nakunan daw sa video. Somebody posted it sa Facebook.

“Then, yung ‘why me,’ tinanggal yung H, naiwan na lang ang W and Me and then, sinabi niya, ‘Will you marry me?’”



THE PROPOSAL. Upang malinawan tungkol sa totoong nangyari ay nakausap ng mga host ng The Buzz, via phone patch, si Jericho mismo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano na katagal simula nang inisip o plinano ni Echo na mag-propose kay Kim?

Sagot ng 33-year-old actor, “I don’t know… maybe more than a year and a half.”

Paano niya nalaman na si Kim na nga?

“She’s super special kasi. Ibang klase si Kim.

“You know naman, ang dami kong past or everything. She didn’t mind.

“She just accepted me, loved me.

“She shows to me her real self and then… basta, she’s super, Kim is super special.

“I just knew then.”

May ideya ba si Kim na magpo-propose siya that day?

“Hindi, hindi niya alam,” sabi ni Echo.

Ano ang nangyari pagkatapos niyang mag-propose sa church? Nag-dinner ba sila, lumabas?

Sagot ng aktor, “We’re actually having dinner right now. We’re talking about the entire thing.

“The funny thing is that, she didn’t know.

“Ang alam niya lang… you know naman sa church, they don’t allow proposal, di ba?

“Pagdating ko, tinulungan ako ng friend ko.

“Sabi ko, hindi puwedeng kaming dalawa lang.

“It’s not to publicize everything, I just felt that I have to propose in front of people na hindi konektado sa akin.

“Ito yung parang ipoproklama ko na ang aking pag-ibig.”

Sa mga taong kapareho niya ang pananampalayata?

“Exactly,” pagkumpirma niya.

WEDDING DATE. Hindi naman itinanggi ni Jericho na napag-uusapan na nila ni Kim ang tungkol sa mismong kasal nila.

“Right now, we’re talking about it.

“We want sa beach. Sa beach ang gusto namin.

“Maybe not… wala, wala pa kaming exact date.

“But maybe, not in the next few months.

“Sana nga, we’ll see, we’ll see pa.”

Ano ang eksaktong salita na sinambit niya noong nag-propose siya at ano ang naramdaman niya nang sumagot si Kim ng “yes”?

“I went up on stage, the Pastor called me. He was talking about how much God touched us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, pag-akyat ko, sabi ko, I opened the word, ‘Why me? Why me? Why God loves me after everything that I’ve done?’

“Parang, He has this unconditional love for all of us, for me. And then, He keeps on proving his love.

“And then, the next question is, ‘Why me pa rin?’

“Then, take out the H and add another M and it becomes capital W Y M ME which means, Will You Marry Me?

“And today’s Kim’s birthday, which means, ‘Kim, Will You Marry Me?’”

Umiyak ba si Kim?

“She cried and cried and until the entire congregation prayed for us."

Kuwento pa ni Jericho, “I was actually crying yesterday when I talked to her mom. I asked her mom secretly.

“Sabi ko, ‘Tita, I wanna marry Kim.’ And her words was like, ‘You have my blessing.’

“And when she said that, I started crying.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN