Billy Crawford laughs off gay rumor: "Mukha ba akong bakla?!"

Pinasalamatan ni Billy Crawford ang nagpaabot ng suporta sa kanya pagkatapos niyang aminin na break na sila ng singer-TV host na si Nikki Gil. Sa kasalukuyan ay nasa Amerika na si Billy kapiling ng kanyang pamilya.


Nang magsalita si Billy Crawford sa The Buzz noong July 29 hinggil sa breakup nila ni Nikki Gil, sinabi ng singer-TV host na kung maaari ay iyon na ang huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol dito.

(Read: Billy Crawford on breakup with Nikki Gil: "It all boils down to me.")

Pero pagkatapos ng naging pag-amin ni Billy na break na nga sila ni Nikki ay iba’t ibang espekulasyon naman ang naglabasan.

Nandiyan ang madawit ang pangalan ng co-host ni Billy sa It’s Showtime na si Coleen Garcia at ito diumano ang third party sa breakup ng singer-TV host at ni Nikki.

Nandiyan din ang espekulasyon na nagda-drugs daw si Billy at ang pagkuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Nakausap muli ng The Buzz si Billy sa pamamagitan ng isang taped interview upang tanungin tungkol sa mga espekulasyon na ito.

Pero tinawanan lamang niya ito.

Aniya, “Mukha ba akong bakla?”

Ano ang mangyayari sa kanyang pag-alis?

“I’ll be with my family,” sabi niya.

Alam na ba ng pamilya niya ang nangyayari sa kanya ngayon?

Sagot ni Billy, “I don’t think na yun ang hinahabol nila. Ang hinahabol nila ay makita ako. I haven’t seen them for a long time.”

Nagbigay rin ng mensahe si Billy sa mga taong nagbibigay at nagpapadala ng suporta sa kanya.

Aniya, “Maraming-maraming salamat po, sa lahat ng sumusuporta po. Thank you very much for all the love and the kind words that you guys are saying to me.

“God bless everyone and see you guys soon.”

Noong Sabado, August 3, ay umalis na papuntang Amerika si Billy para makasama ang kanyang mga magulang.

Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita o nagpapa-interview si Nikki sa naging breakup nila ni Billy.

Pero isang maikling text message ang ipinadala nito sa The Buzz para kay Billy:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have nothing to say talaga. Siguro ito na lang, I wish him well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN