Althea Vega on being tagged as a "bold star": “Ano ang magagawa ko? I gave it all, e. I did my best."

Ginawang halimbawa ni Althea Vega, ang award-winning at Batangas City Governor na si Vilma Santos-Recto bilang isang magaling na aktres na dumaan din sa paggawa ng sexy movies. Aniya, “Remember yung Burlesk Queen, o, di ba? Napaka-daring din yun. Kasi, yung materyal niya maganda. Kaya siguro tinanggap niya. Kasi nga, aktres talaga siya, kaya kahit medyo ganoon yung role niya, hindi siya natakot.”


Kinikilala ngayon si Althea Vega bilang isa sa “hottest” indie movie actresses sa pagganap niya sa Amor y Muerte (Love and Death) na idinirehe ni Cesar Evangelista.

Kalahok ang Amor y Muerte sa nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Sa nakaraang awards night ng nabanggit na film festival sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP) noong August 4, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Althea.

Aminado si Althea na nagdulot ng sari-saring reaksiyon ang ipinakita niyang hubad na katawan.

Sabi ni Althea, “Oo nga po, pero masaya ako na yung mga tao ay nagustuhan ang pelikulang pinaghirapan namin.

“Yun nga ang nakakatuwa, kasi tatlong beses kong pinanood ang pelikula namin at ang nakakataba ng puso ay yung marinig ko ang reactions ng mga tao.

“Na hindi lang yung paghuhubad ko ang nakita nila, kundi yung kahit papaano ay kakayahan ko sa pag-arte—yun ang pinakaimportante sa akin.

“Yung acting ang tiningnan nila, hindi lang yung body ko at yung erotic scenes namin doon.”

LOOK-ALIKE. Marami ang nakapansin na para siyang “young Tetchie Agbayani” dahil sa malakas niyang sex appeal on screen.

Katulad ni Althea, morena at sexy rin si Tetchie noong araw. Pareho rin silang may angking galing sa pag-arte.

Nahihiyang reaksyon ni Althea, “Actually, marami nga ang nagsasabi na I look like Tetchie Agbayani. Ganoon.

“May iba pa nga sabi, ‘Amy Austria o Lovi Poe, Anjanette Abayari,’ kung sinu-sino ang sinasabi nila. Hayun, nakakatuwa naman.

“Nakakatuwa kasi lahat sila ay magaganda, pero sa akin kasi, gusto kong magkaroon ng sarili kong identity.

“Pag nakita nila ako, gusto ko sasabihin nila na, ‘Ay, si Althea, o.’

“Yung tipong ganoon, kasi nag-iisa lang naman ang Tetchie Agbayani.

“Yun, gusto kong makilala na may sariling identity. Yun lang.”

“BOLD STAR.” Pagkatapos ng Amor y Muerte ay nababansagan na ngayon si Althea bilang sexy o bold star ng bagong henerasyon. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bulalas ng morenang actress, “Wala naman. Okey lang naman sa akin, kasi confident ako sa sarili ko.

“Ano ang magagawa ko? I gave it all, e. I did my best.

“So, hindi ko nararamdaman na naiilang ako o bibigyan nila ako ng bagong bansag.

“Ibinigay ko na lahat, kasi yung nudity doon ay kailangan talaga sa istorya at pelikula.

“At saka, hindi lang naman ang Amor y Muerte ang unang pelikula na nagpakita ako ng flesh, di ba? So, parang nasanay na rin ako.”

SEX FANTASY. Maraming lalaki ang nag-iilusyon sa kanya ngayon, naba-bother ba siya na ang tingin sa kanya ng mga kakalakihan ay isang sex object?

Natawa si Althea, “Na ang tingin nila sa akin ay hubadera lang?

“I’m not worried about the impression that I make on people.

“Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin, basta ako...

“Ang importante kasi sa akin ay ang passion ko for acting—kung paano ko mapapabuti pa lalo yung acting skills ko.

“Iyon...iyon ang pinakaimportante.

“At yung mga isip nila na, ‘Ah, isa lang siyang sex object, isa lang siya sa tingin ko ay bold star lamang siya.’

“Wala akong pakialam doon sa iisipin ng mga tao.

“Basta ako, tinanggap ko ang movie na ito kasi maganda ang story and I was willing to do it...

“Wala akong pakialam at wala akong problema sa sarili ko. Problema nila yun, di ba?”

Meron na ba siyang naranasang pambabastos kapag nasa pampublikong lugar siya?

Pahayag ng dating FHM model, “Wala pa, wala pa naman.

“Kung sakaling mangyari man ‘yan, siguro, hahayaan ko na lang. Kasi, yung mga taong ganyan, sila yung makikitid ang pang-unawa.

“Ako naman, lahat ay nirerespeto ko kung ano ang view nila.

“Alangan naman na sabihin ko na, ‘Hi, ganito ako.’ Bahala sila.

“Sabi ko nga, hindi ko yun puproblemahin. Bahala sila kung problema nila ako, wala talaga akong pakialam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ito ako, e. Seryoso ako doon sa passion ko in acting.

“Basta nandyan ang ibang taong nakakaintindi sa art, tuloy pa rin ang paggawa ko ng pelikula.”

ROLE MODELS. Kung babalikan ang nakaraan ng ilang premyadong aktres natin ngayon, may mga nagsimula sa pagiging sexy star. Katulad ni Jaclyn Jose na ngayon ay award-winning at isa sa nirerespetong aktres sa lokal na showbiz.

Inspirasyon daw ang katulad ni Jaclyn para kay Althea.

“Totoo, totoo,” pagsang-ayon ng tsinitang aktres.

“Kahit naman si Govenor Vilma Santos naman, di ba? Dumaan din siya sa pagpa-sexy.

“Remember yung Burlesk Queen, o, di ba? Napaka-daring din yun.

“Kasi, yung materyal niya maganda. Kaya siguro tinanggap niya.

“Kasi nga, aktres talaga siya, kaya kahit medyo ganoon yung role niya, hindi siya natakot.”

Paano niya ina-assess ang kanyang sarili at ang kanyang acting career ngayon na unti-unti na siyang nakikilala?

“Parang ano...beginner pa rin,” pag-amin niya.

“Nag-uumpisa pa lang ako. Wala pa ako sa point na nandito na [sa itaas].

“At kahit maging ganito ako, ganoon pa rin, beginner pa rin ang tingin ko sa sarili. Kasi para mas marami akong matututunan.

“Mahirap kasi maging kuntento ka. Kailangan ay may ma-discover ka na marami pang bagay na may kinalaman sa craft mo, sa pagiging artista mo.

“Kasi, once naging kuntento ka, parang wala ka nang drive para mag-improve pa, di ba?”

LEVEL-UP. Obserbasyon ng ilan, iba sa karaniwang naglalabasang sexy stars ngayon si Althea. Dahil bukod sa ganda ng katawan ay nakakaarte raw talaga ito.

“Salamat naman po,” parang nahihiya na sabi ni Althea sa komentong ito sa kanya.

“Sabi ko nga, nakakataba talaga ng puso na marinig yung compliments na ganyan.

“Kasi sa panahon ngayon na kulang na ang sexy movies na ipinalalabas...

“I mean, di ba? Kung hindi family drama ay comedy-drama na ang usung-uso ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, kung sakaling makalusot ang isang sexy film na meron namang historical value o family values sa main theaters uli, aba, di masaya, di ba?

“Hindi naman siguro in bad taste ang sexy film kung ito ay natitimplahan ng maayos pagdating sa istorya ng pelikula.

“Kung maayos ang mensahe na gustong iparating, I think, yun uli ang challenge sa mga direktor ngayon.”

Ito nga raw ang kaibahan ng isang indie movie na de-kalidad ang pagkakagawa.

Sabi niya, “Oo nga, ibang level na talaga ang indie movies ngayon.

“Kasi, di ba? Tingnan mo, aling movies ba ang napapadala sa international filmfests?

“Aling Filipino movies pa ang nagkakaroon ng international recognition? Hindi ba ang indie movies?

Dugtong pa niya, “Ibang level na siya, nag-level-up na talaga.

“Kasi ngayon nga, yung movies sa Cinemalaya, magugulat ka, ang gaganda talaga, karamihan ay mga bata at baguhang mga direktor.

“Kasi nga dito, mas malaya silang gawin kung ano ang gusto nila, hindi de-kahon.

“Basta tama lang sa critera ng mga in-charge sa film festival, I mean, nakakatuwa talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN