Maxene Magalona admits to dating a non-showbiz guy

Bagamat inamin ni Maxene Magalona na may idini-date siya ngayon, gusto niya raw munang maging pribado tungkol dito. Paliwanag niya, "I want to keep it to myself na balance lang. Kasi, alam mo yun, ayoko nang magsasalita na naman ako sa press at magsasabi na, ‘Yes, I’m dating,’ tapos hindi magwu-work out. Ako na naman ang magiging masama sa mga tao na, ‘Ano ba ‘yan, papalit-palit siya ng boyfriend.’”


Hangga’t maaari raw ay ayaw munang pag-usapan ni Maxene Magalona ang tungkol sa kanyang lovelife.

Pero nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba png reporters ang Kapuso actress-TV host sa taping ng Mga Basang Sisiw noong Biyernes, August 2, sa Beverly Hills Subdivision, Antipolo City, ay sinabi niyang masaya siya ngayon.

“Masaya naman ako forever.

“For me, you know, for me talaga, ha, after all the relationships I’ve been through, palagi na lang nilang sinasabi, ‘Ano ba ‘yang si Maxene!’”

Hindi ba napapagod ang puso niya?

“Aba, never na mapapagod ang puso ko na magmahal. Napakasarap na magmahal,” tugon niya.



“ANG SARAP MAGMAHAL.” In love ba siya ngayon?

Sabi ni Maxene, “Hindi… eto ha, sa akin lang, we all go through different relationships. We go through ups and downs.

“But in the end, alam mo yun, kahit na masaktan ako, okay lang. Kasi, alam ko na nagmahal ako.

“At yun, yun, ang sarap magmahal.

“Kung titingnan n’yo, ang sarap magmahal.”

Pero ang tanong: Nagmamahal ba siyang muli?

Sagot niya, “Never naman akong tumigil.

“I mean, I love my life, I love my job, I love my family, my friends.

“And then, the people I get into relationship with, lahat ‘yan, minahal ko. Minahal ko sila.”

Mayroon ba siyang special someone ngayon na mahal niya?

“Ewan ko, hindi ko alam!” natatawa niyang sagot.

May nagpapakilig ba sa kanya ngayon?

“Well, now, I can say I’m very balanced.

“Dati kasi, extreme ako na, ‘Oh, my god, napakasaya ko! Oh, my god, napakalungkot ko!”

“Now, I want to keep it to myself na balance lang.

"Kasi, alam mo yun, ayoko nang magsasalita na naman ako sa press at magsasabi na, ‘Yes, I’m dating,’ tapos hindi magwu-work out.

“Ako na naman ang magiging masama sa mga tao na, ‘Ano ba ‘yan, papalit-palit siya ng boyfriend.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MAXENE IS DATING. Pero sa bandang huli ay inamin ni Maxene na may idini-date siya ngayon.

“Okay, ganito lang ‘yan, yes, I’m dating someone. But I’d rather just keep it, basta…

“I hope the people could respect that I just want to keep something for myself.

“Now, what you see is what you get.

“You see that I’m very happy right now, I’m so happy, I’m smiling.

“But, ayokong batiin kasi ayokong i-preempt.

“Parang ang dami nang times na, ayan, ganito na naman.”

Taga-showbiz ba ang idini-date niya ngayon?

“Ay, hindi, hindi, non-showbiz.”

Ayaw na niya ng taga-showbiz?

Saad ni Maxene, “Ayoko naman kasing magsabi na ito ang requirement ko.

“Basta ako, ang tao, dapat minamahal mo siya.

“Not for where he came from, what he does, what he looks like. Hindi dapat ganun—but how you make me feel.

“If the guy makes ligaw and I feel okay, I feel comfortable, at nag-click kami, why not, di ba?

“My only requirement in life is compromise and meet halfway.

“And you know, just as long as you make each other feel good and you bring out the best in each other, it doesn’t matter kung sino ka pa o ano pa ang ginagawa mo.

“Wala talaga akong requirements.”



RENZ FERNANDEZ. Ang huling naging boyfriend ni Maxene ay si Renz Fernandez, anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Kumusta na sila ngayon?

Sagot ni Maxene, “Okay naman kami ni Renz. His mom, si Tita Lorna, I still follow her on Instagram.”

Pero si Renz, in-unfollow na niya?

“Siguro, it’s not yet time kasi ano pa lang… parang kailan lang kami,” sabi ni Maxene.

Hindi na raw matandaan ni Maxene kung sino sa kanila ni Renz ang unang mag-unfollow sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, ganyan naman ngayon with Twitter, Instagram, it doesn’t matter kung sino ang nauna.

“Pero, yun na nga, huwag tayong magpaka-ipokrita.

“Kung hindi pa natin kayang makita ang tao o kung ano ang update sa kanya, at least, nagpapakatotoo kami ni Renz sa isa’t isa…

“Yun nga, it takes time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN