Kim Rodriguez defends Teejay Marquez against gay rumor

Kim Rodriguez on gay rumor about best friend Teejay Marquez: “Wala naman akong nakikita na something na senyales na gay siya. Basta po ako, hindi ako basta naniniwala sa sinasabi ng ibang tao hangga’t hindi ko nakikita.”


Eighteen years old na si Kim Rodriguez, pero hindi pa rin daw siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na magka-boyfriend o kahit magpaligaw man lang.

“Pero sa sarili ko, ayaw ko pa rin naman po, e. Gusto ko muna po kasing mag-focus sa trabaho at sa studies ko,” pahayag ng Kapuso star nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network last Saturday, August 3.

Pero hindi naman itinatanggi ni Kim na may mga crush siya

“Number one po na crush ko, si Richard Gutierrez,” pagtatapat niya.

Ibig bang sabihin ay kasing-tipo ni Richard ang gugustuhin niyang maging boyfriend?

“Ewan ko lang po!” tawa ni Kim. “Siguro… hindi naman.

“Ang feeling ko naman, kung magbu-boyfriend ka, siguro po wala naman sa hitsura iyan. Siguro nasa panloob din po.”

Ang ibang young actresses, pagtuntong ng edad na 18, nagbabago ng image. May mga sumusubok maging medyo daring, kung hindi man sa pagpu-portray ng mga sexy roles ay pagpu-pose halimbawa bilang sexy cover girl ng men’s magazine.

Nakikita ba ni Kim ang kanyang sarili sa ganung career move sa mga darating na panahon?

“Siguro mga five years pa… gano’n katagal!” tawa niya.

“Hindi ko pa po alam, e. Sa ngayon, hindi ko pa po masasabi.

“Kasi parang… natatakot akong pumasok sa mga ganyan… na pagpapa-sexy.

“Hindi ko po alam. Sa sobrang wholesome ko, natatakot po ako!

“At saka, okey naman po ang takbo ng career ko ngayon. Happy po ako sa pagkakataon na ibinigay sa akin ng GMA na makapagbida sa Kakambal Ni Eliana.”



PROFESSIONAL JEALOUSY. Kahit masasabi pa rin siyang baguhan sa Kapuso Network ay kaaagad siyang nabigyan ng malaking break—ang pagbibida sa afternoon soap na Kakambal Ni Eliana.

Hindi ba siya natatakot na baka magkaroon ng professional jealousy sa kanya ang iba pang young stars ng GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Kim, “Siguro, hindi ko rin po maiiwasan hindi maisip ‘yon.

“Pero ibinibigay ko po naman yung best ko, kung ano ang kaya kong ibigay.

“At saka hindi rin naman po talaga masasabing ganun kadali agad na nabigyan ako ng break bilang lead ng isang soap.

“Nagsimula po ako sa Tween Hearts na konting exposure pa lang. Tapos sumunod po sa Biritera na medyo hindi pa rin ako napapansin.

“Dun sa Coffee Prince, medyo maganda na ang role ko dun. Hanggang sa binigyan nga ako ng chance na makapagbida sa Kakambal Ni Eliana.

“Kaya sobrang thankful po talaga ako sa GMA dahil pinagkatiwalaan nila ako na bigyan ng lead role.

“And… sa next project ko po, kahit hindi naman lead role ang ibigay sa akin, tatanggapin ko pa rin. Kasi, blessing po ‘yan, e.”

Feeling ba niya, made na siya as a young actress?

Sagot ni Kim, “Ayoko pong isipin yung ganyan. Basta po ako, ginagawa ko lang po ang trabaho ko.”



DREAM LEADING MEN. Siyempre, kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw ni Kim makatrabaho ang ultimate crush niyang si Richard Gutierrez.

Dagdag pa niya, “Wish ko rin po to be able to work with Dennis Trillo and also si Tom Rodriguez, at saka si Elmo Magalona.

“Bukod sa mga crush ko sila, I find them interesting to work with at magagaling silang artista.”

May pelikula ring bida na si Kim. Ito ay ang Chasing Boulevard, kung saan makakapareha niya ang Kapamilya teen actor na si Kiko Estrada.

Ayon kay Kim, “Ex-girlfriend ni Kiko ang character na gagampanan ko.

“Tapos sa story, very cold ako sa kanya dahil nag-break na kami, suddenly magkakaroon ng spark ulit sa aming dalawa.”

Kasali rin sa cast ng pelikula ang malapit na kaibigan ni Kim na si Teejay Marquez.

Tinanong ng PEP si Kim kung aware ba siya sa intriga kay Teejay kunsaan kinukuwestiyon ang pagkalalaki nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talaga? May ganung isyu sa kanya?” tila nagulat na balik-tanong ng young actress.

Dagdag niya, “Siyempre, kaibigan ko po siya so parang… naiinis ako sa mga nagsasabi ng ganun tungkol sa kanya.

“Kasi best friend ko siya. Akala mo magkapatid na kami kapag magkasama.

“Mga problema niya at problema ko, nasasabi namin sa isa’t isa.

“At saka tuwing magkasama kami, napapagkamalan pa nga kaming mag-boyfriend, e.

“Wala naman akong nakikita na something na senyales na gay siya.

“Basta po ako, hindi ako basta naniniwala sa sinasabi ng ibang tao hangga’t hindi ko nakikita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN