Dennis Padilla says he and Raymart Santiago do not discuss Claudine-Raymart issue

Inamin ni Dennis Padilla na bagamat hindi siya nagkukulang sa pagbibigay ng sustento sa tatlong anak nila ng dating asawa na si Marjorie Barretto, hindi ito kasing laki tulad ng inaasahan. Aniya, “Kung naging milyonaryo lang ako, kahit isang milyon isang buwan ang ibigay ko sa kanila, wala namang problema sa akin.”


Kinumpirma ng comedian na si Dennis Padilla na wala na silang komunikasyon ng dating asawa na si Marjorie Barretto.

Ang pagkumpirma ni Dennis ay bunsod sa sinabi ni Marjorie sa isang interview na wala siyang nakikitang rason para makipag-usap pa siya sa dating asawa.

Sabi ni Dennis, “Hindi kami nag-uusap talaga kaya ang communication namin, diretso na sa anak namin.

“Or kaya sa yaya or kaya sa magkakapatid. Kasi may mga cell phones na naman sila kaya diretso na.

“Hindi, okay lang, okay lang naman na wala kaming communication.

“Ang importante, may communication kami ng mga anak namin, mas importante yun kahit wala kaming communication noong nanay.”

May tatlong anak si Dennis kay Marjorie—sina Julia, Claudia, at Leon Marcus.

Unang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Dennis noong Linggo, August 3, sa studio ng ASAP sa ABS-CBN compound.



PATERNAL SUPPORT. Sa hiwalay na panayam kay Marjorie, sinabi nitong kaya niyang buhayin ang mga anak nila ni Dennis. Hindi lamang sa pinansiyal na aspeto kundi maging sa paggawa ng mga desisyon pagdating sa mga bata.

Ano ang masasabi ni Dennis tungkol sa aspeto ng sustento para sa mga bata?

“Oo naman, nagbibigay ako,” diin niya.

“Hindi lang ganoon kalaki sa inaasahan, dahil siyempre ang ibibigay ko lang ay yung kaya sa aking kinikita.

“Kung naging milyonaryo lang ako, kahit isang milyon isang buwan ang ibigay ko sa kanila, wala namang problema sa akin.

“E, pero paano ka naman magbibigay ng isang milyon?

“Isang buwan ko, ang kinikita mo naman ay isandaang libo lang naman isang buwan.

“Hindi mo naman puwedeng ibigay lahat yun. Wala naman akong uulamin sa bahay, wala naman akong pang-gasolina.

“Kung ano ang maaabot ng aking kaya, yun lang naman ang kaya kong ibigay.”

Hindi rin daw sinusundo ni Dennis ang mga anak nila sa bahay kundi nagkikita na lang sila sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Nagkikita lang kami sa isang lugar, ihahatid sila.

“Tapos, magkikita kami sa isang restaurant or sa school, ganoon ang arrangement namin.

“I don’t pick them up, nagkikita na lang kami sa isang lugar.”



DAUGHTER JULIA. Sa ganda ng itinatakbo ngayon ng career ng anak niyang si Julia Barretto, masaya at proud daw si Dennis.

“Yes, bata pa naman si Julia, alam kong mahilig talagang umarte.

"Doon pa lang sa Walang Kapalit, sa Palos, tsaka sa Kokey.

“Bata pa ‘yan, sinasabi na niya, ‘Gusto kong maging artista tulad ninyo ni Mommy saka ni Papa.’ Mahilig talaga.

“Natutuwa ako siyempre.

"Palagay ko, siya ang susunod na parang Claudine, Judy Ann [Santos]... parang ganoon yung karakter niya.

“Maraming salamat sa pag-aalaga ng Star Cinema, ng ABS-CBN sa kanya.

“Kaya kay Julia, gusto ko siyang i-congratulate dahil sa achievements niya.

"Magaling naman talaga siya.”

JUST A SCREEN NAME. Nabalitang sumama raw ang loob ni Dennis dahil Barretto ang ginamit ni Julia bilang screen name nito sa halip na Padilla.

Ngunit paglilinaw ni Dennis, “Hindi, okay lang, okay lang yun.

“Halos marami namang artista ang may screen name, so yun nga ang screen name niya—Julia Barretto.

“Noon pa naman yun, noong Walang Kapalit pa.

“Okay lang, kasi screen lang naman ‘yan.

“Tulad ko, hindi naman ako tunay na Dennis Padilla. Ang tunay na pangalan ko, Dennis Baldivia.

“Kaya si Julia, hindi naman Padilla yun, Julia Barretto Baldivia—yun ang tunay niyang pangalan sa passport.”

Nagbigay naman ng payo si Dennis sa anak kung paano trumato ng mga taong makakatrabaho nito.

Wika niya, “Pagbutihan niya lang ang pagtatrabaho niya at ipakita niya ang kanyang magandang pakikisama mula sa mababa hanggang sa pinakamataas na kasamahan.

“Kailangan pantay-pantay lang ang pagtingin niya sa tao.”



REUNION. Samantala, malapit sa puso ni Dennis ang pelikulang Raketeros dahil mga kaibigan sa tunay na buhay ang kasama niya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Co-stars niya rito sina Mayor Herbert Bautista, Andrew E., Long Mejia, at Ogie Alcasid. Ang direktor naman ng pelikula ay si Randy Santiago.

Saad ni Dennis, “Siyempre, unang-una, excited ako dahil ito ay reunion ng magkakaibigan sa totoong buhay.

“Kaya noong ginagawa namin yung pelikula, walang pagkakaiba.

“Ngayon, maganda yung storytelling namin, maganda ang barkadahan namin, and na-miss namin ang aming pagsasama.

“Kaya naman noong ginagawa namin yung pelikula, masayang-masaya kami, tapos ang direktor pa namin ay si Randy Santiago."

Muling nakausap ng PEP si Dennis sa birthday treat ni Mayor Herbert para sa entertainment press kaninang hapon, August 6, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Dito ay natanong siya kung napag-uusapan ba nila ni Randy ang tungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Si Raymart ay kapatid ni Randy at malapit na kaibigan din ni Dennis; habang si Claudine naman ay parehong sister-in-law nina Randy at Dennis—bilang kapatid ng aktres ang dating asawa ni Dennis na si Marjorie.

Sagot ni Dennis, “Sa mga tunay na magkakaibigan kasi, pag walang binabanggit yung kaibigan mo tungkol sa problema, hindi na masyadong tinatanong.

“Not unless mag-o-open up.

“Kasi yung katahimikan between friends, ‘yan ang tunay na pagiging gentleman, ‘yan ang tunay na pagiging lalaki.

“So ngayon, kapag nag-open up yung kaibigan mo…

“Kunwari, ‘Pards, may problema ako,’ nag-open up siya, ang isang kaibigan, makikinig.

“Pero yung tatanungin mo siya, parang…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN