Annabelle Rama faces estafa complaint from first cousin over bouncing check

Nahaharap sa reklamong estafa at paglabag sa Anti-Bouncing Check Law ang talent manager na si Annabelle Rama matapos tumalbog ang P1.5 million check na inisyu nito sa kanyang pinsan na si Jose Vicente Rama del Prado Jr.


Isang panibagong reklamo ang kinahaharap ng talent manager na si Annabelle Rama.

Ito ay matapos maghain ng reklamong estafa at paglabag sa Anti-Bouncing Check Law laban sa kanya ang mismong pinsan niya na si Jose Vicente Rama del Prado Jr. sa Cebu City Prosecutors’ Office noong Huwebes, August 1.

Ang ina ni Del Prado at yumaong ama ni Annabelle ay magkapatid.

Ayon sa ulat ni Ador Vincent S. Mayol para sa Cebu Daily News, na lumabas din sa Philippine Daily Inquirer, tumalbog diumano ang tseke na inisyu ni Annabelle kay Del Prado na nagkakahalaga ng P1.5 million.

Nang dalhin daw ang tseke sa bangko noong Hunyo ay natuklasan na "closed" na ang bank account ni Annabelle.

Sabi ni Del Prado, isang negosyante, nilapitan siya ni Annabelle noong Nobyembre ng nakaraang taon at hiniling nitong palitan ang ilang tseke ng talent manager ng cash.

Ito ay pagkatapos mag-file ni Annabelle ng certificate of candidacy noong Oktubre para sa pagtakbo nito bilang kongresista sa Cebu.

Sabi ni Del Prado sa kanyang affidavit, “I never expected a first cousin and a close friend at that to defraud me with bouncing checks in the same way that she might have defrauded other people.

“Until this very day and in spite of Annabelle’s receipt of the Notices of Dishonor that were served at her residence, she still refused to make good or replace the bouncing checks that she issued me.

“Worse, she even accused me of being a traitor.”

Ayon pa kay Del Prado, na-upset siya nang mabasa niya sa isang pahayagan na inakusahan siya ni Annabelle ng "selling out" sa nakalaban ng talent manager sa pulitika na si Raul del Mar.

Si Del Mar ang nanalo bilang kongresista ng Cebu City North District.

Sinabi rin ni Del Prado na hindi ito ang unang pagkakataon na nilapitan siya ni Annabelle upang magpapalit ng tseke. Noong mga unang dealings daw nila ay walang naging problema sa mga inisyung tseke ni Annabelle kaya nakuha nito ang kanyang tiwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa pagkakataong ito, in-endorse daw ni Del Prado ang mga tseke ni Annabelle sa kapatid niyang si Dr. Alfonso del Prado, na pinalitan naman nito ng cash.

Isang buwan pagkatapos ng May election, sinabi raw ng kapatid ni Del Prado na ang mga tseke, kasama na ang P1.5 million check na may petsang January 7, 2013, ay tumalbog dahil ang checking account ni Annabelle sa Banco de Oro ay sarado na.

Dahil hindi raw sinasagot ni Annabelle ang kanyang mga tawag, hinayaan ni Del Prado ang kanyang lawyer na si Atty. Mark Elton Garrote na magpadala ng final demand letter, na may petsang June 18, kay Annabelle sa tirahan nito sa White Plains Subdivision, Quezon City.

Nai-serve daw ang notice sa pamamagitan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group.

Noong June 27, tumawag daw si Annabelle sa opisina ng abugado ni Del Prado upang tanungin kung siya nga ang nagpadala ng demand letter.

Ayon pa kay Del Prado, binabayaran niya sa kanyang kapatid ang P1.5 million check na tumalbog sa pamamagitan ng installment.

Sa kanyang complaint ay humihingi si Del Prado ng P500,000 damages at 12 percent per annum legal interest hanggang sa ma-settle nang buo ang halagang P1.5 million.

Sinabi rin ni Del Prado na kinonsulta muna niya ang kanyang pamilya bago niya pahiramin ng pera sa Annabelle.

“In one of our private conversations, she told me that she was short of funds and that she might need to borrow money from me and/or the members of our family.”

Nagdalawang-isip daw noong una si Del Prado dahil alam niyang kakailanganin ni Annabelle ng malaking halaga para sa kanyang electoral bid.

Sabi ni Del Prado, “According to Annabelle, she expected funds to come and pour in from her work as a talent manager in show business and that also several persons promised to pour in donations in her campaign for the elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“During our meetings, she always mentioned to me that she was managing several actresses and actors that she knew were bankable and from whom she expected to earn a lot of money.

"These were the very same promises that she gave me in the past when she issued checks to me and which I replaced with cash.”

Samantala, hindi raw alam ng abugado ni Annabelle sa Cebu na si Delon Richel Urot na naghain ng reklamo si Del Prado laban sa kanyang kliyente.

“She has not referred that case to me as of now. I can’t comment on that,” sabi ni Atty. Urot sa panayam sa kanya ng Cebu Daily News.

Ilang beses sinubukang tawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tanggapan ng Cebu City Prosecutor’s Office ngayong umaga, August 7, upang kumpirmahin kung naihain na nga ni Del Prado ang kaso nito laban kay Annabelle.

Ngunit kung hindi busy ang linya ay nagku-call failed ito.

Kinuha rin ng PEP ang panig ni Annabelle sa pamamagitan ng publicist ng Gutierrez family na si Jun Lalin.

Kasalukuyang nasa abroad si Annabelle, ngunit ayon kay Jun, kaagad niyang ipararating ang aming mensahe kapag nagkausap sila.

Kaagad ding ilalathala ng PEP ang pahayag ni Annabelle kapag natanggap na namin ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN