Ogie Alcasid on wife Regine Velasquez’s next career move: "It’s something very, very positive..."

“Ang alam ko, expired na rin yung contract niya, so now they’re negotiating,” sabi ni Ogie Alcasid nang matanong tungkol sa career plans ng asawa niyang si Regine Velasquez ngayong nasa Kapatid network na ang singer-songwriter.


Ngayong pumirma na ng kontrata si Ogie Alcasid sa TV5 at isa nang Kapatid, marami ang nagtatanong kung susunod din ba sa kanya ang misis niyang si Regine Velasquez.

Tapos na rin kasi ang kontrata ng Asia’s Songbird sa GMA-7.

“I know what she’s up to and I know what she’s going to do,” pagbabahagi ni Ogie sa press conference ng kanyang upcoming 25thanniversary concert na I Write The Songs kahapon, August 6, sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.

Gaganapin naman ang silver anniversary concert ni Ogie sa August 16, Biyernes, sa SM Mall of Asia Arena.

Pero sinabi ni Ogie na hindi siya magdedetalye sa mga susunod na plano ni Regine pagdating sa career nito.

“I’m not at the liberty to tell you what she will do, kasi career na niya ‘yon.

“Si Cacai [Velasquez] is her manager,” ani Ogie, bilang pagtukoy sa kapatid ni Regine.

Ganunman, ayon kay Ogie, “I think you will learn in due time what she’s up to and it’s something very, very positive din, I think, on everybody’s opinion, perspective.”



EXPIRED CONTRACT. Tila nauunawaan naman ni Ogie kung marami man ang mag-isip na lilipat din sa TV5 si Regine, lalo pa’t lately ay hindi na napapanood si Regine sa Sunday musical-variety show ng Kapuso network na Sunday All Stars.

“Siguro nagtataka kayo [na] yung misis ko, kung bakit wala siya sa Sunday All Stars… she finished her album.

“Although she hasn’t stopped doing Sarap Diva,” pagtukoy niya sa cooking/talk show ni Regine tuwing Sabado ng umaga sa GMA-7.

Sinabi rin ni Ogie na mas gusto ni Regine na gampanan ang kanyang pagiging nanay sa kanilang anak na si Nate tuwing weekend.

“Sunday, she wants to devote her time to be really with the kid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ang alam ko, expired na rin yung contract niya, so now they’re negotiating.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN