Kim Rodriguez hopes to reconnect with biological dad after their first meeting

Kim Rodriguez on her launching soap: “Forever ko pong tatanawin na malaking utang na loob ang pagbigay ng tiwala sa akin ng GMA-7. Malaki po ang binago nila sa buhay ko at hindi ko ito malilimutan. Mula sa simpleng nangangarap lang noon na magbida na Kim Komatsu ay ginawa nilang Kim Rodriguez. Feeling ko po ay kulang po ang pagsabi ko ng thank you sa kanilang lahat sa malaking pagbabago sa buhay ko at ng pamilya ko.”


Last three weeks na lang ang toprating Kapuso afternoon drama series na Kakambal Ni Eliana kaya naman mixed emotions ang nararamdaman ng bida nito na si Kim Rodriguez.

Masaya siya dahil alam niyang magtatapos ang kanilang teleserye na mataas ang ratings at marami silang napasaya dahil sa kuwento ni Eliana at ang kakambal nitong ahas na si Naja.

Sa kabilang banda, malungkot din si Kim dahil alam niyang magkakahiwa-hiwalay na sila pagkatapos ng ilang buwan na magkakasama.

Sabi ni Kim, “Marami po akong nararamdaman ngayon.

“Pero ang nangingibabaw talaga ay ang lungkot kasi nakasanayan na po namin ang magkasama-sama kami kapag lunch at dinner break sa set.

“Yung biruan namin, tuksuhan, yun ang nakaka-miss.

“Tapos ang kukulit pa namin nila Kristoffer [Martin], Enzo [Pineda], at Lexi [Fernandez]. Sobra kaming magkakasundo po.

“Pati nga po ang mga kasama mga senior stars ay nakikipagbiruan sa amin. Gano’n kami kasama sa set kaya malungkot po na magkakahiwalay kami.

“Pero happy naman kaming lahat dahil marami kaming napasaya.

“Noong pumunta kami sa isang mall show kamakailan, nagulat kami sa rami ng tao.

“Doon namin naramdaman ang support ng marami sa show namin kaya maraming salamat sa kanila kaya number one po kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertrainment Portal) si Kim last August 5 sa Executive Lounge ng GMA Network Center.



BIG BREAK. Malaki rin ang pasasalamat ni Kim sa GMA-7 dahil sa big break na ibinigay sa kanya.

Alam daw niyang isang sugal ang gagawin ng Kapuso network nang kunin siyang bida para sa Kakambal Ni Eliana. Pero nauwi naman sa maganda ang sugal na iyon at isa na ngang Afternoon Drama Princess si Kim dahil sa success ng kanilang teleserye.

Saad niya, “Forever ko pong tatanawin na malaking utang na loob ang pagbigay ng tiwala sa akin ng GMA-7.

“Lalo na po kina Ms. Hazel [Abonita], Ms. Lilybeth [Rasonable], Direk Dick [Lindayag]... lahat po ng bumubuo ng show namin, taus-puso ang pasasalamat ko sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaki po ang binago nila sa buhay ko at hindi ko ito malilimutan.

“Mula sa simpleng nangangarap lang noon na magbida na Kim Komatsu ay ginawa nilang Kim Rodriguez.

“Feeling ko po ay kulang po ang pagsabi ko ng thank you sa kanilang lahat sa malaking pagbabago sa buhay ko at ng pamilya ko.”



KIM’S FATHER. Dahil sa pagiging bida ni Kim sa Kakambal Ni Eliana ay nakilala niya ang tunay niyang ama pagkatapos ng maraming taon na lumaki siyang hindi niya ito nakilala.

Pero pagkatapos ng isang beses lang na pagkikita nila ay hindi na raw ulit ito nagpakita sa kanya.

Saad ni Kim, “Hindi ko nga po alam kung bakit hindi na ulit siya bumalik sa bahay.

“Sinabi ko naman po sa kanya na anytime na gusto niya akong bisitahin, tawagan lang po niya ako.

“Pero dahil siguro alam niyang busy po ako, kaya siguro hindi na po siya sumubok na puntahan or tawagan ako.

“Ayoko namang pong isipin na nahihiya siya dahil kahit na gano’n po ang nangyari sa amin, buong-puso ko naman po siyang tinanggap.

“Ako pa nga po ang nahiya sa kanya dahil hindi ko po alam ang sasabihin ko sa kanya.

“At least, kahit minsan, naramdaman ko na nandiyan pala ang tunay kong tatay.

“Hindi nga lang kami nagkaroon ng mahabang time para makilala namin ang isa’t isa, pero sana ay maulit po iyon.”



DREAM CAR. Dahil sa big break na ito ni Kim, natupad niyang mabili ang isa sa mga pinapangarap niyang sasakyan, isang Hyundai Tucson.

Ide-deliver pa lang daw sa kanya ang naturang sasakyan kaya excited si Kim dahil birthday gift niya ito para sa kanyang sarili.

“Birthday ko po sa August 14. I will turn 19 years old na.

“Nag-isip ako ng gusto kong birthday gift for myself. Ngayon ko lang talaga mareregaluhan ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naisip ko nga na kumuha na ng sasakyan. Magagamit ko pa sa trabaho ko and at the same time, magagamit ko kapag mamasyal kami ng mga tita at mga pinsan ko.”

Hindi pa raw siya marunong mag-drive kaya mag-aaral pa raw muna siya. At si Enzo Pineda daw ang magtuturo sa kanya.

Ani Kim, “Nag-promise naman si Enzo na tuturuan niya akong mag-drive.

“Promise ko rin kasi sa kanya na kapag nakabili na ako ng bagong sasakyan, siya ang una kong pasasakayin. Kaya tuturuan na rin daw niya akong magmaneho!” tawa pa ni Kim.



JOINT BIRTHDAY CELEBRATION. Sabay magse-celebrate ng kanilang birthdays sina Kim at Enzo. Gagawin nila ang kanilang celebration kapiling ang mga bata ng Boys Town.

Pagkakataon na raw ni Kim na mag-share ng kanyang blessings at gusto niyang magpasaya ng maraming bata sa kanyang kaarawan.

Saad ng dalaga, “Idea po ito ni Enzo. Kasi sa August 12 ang birthday niya.

“Ayoko namang mag-party dahil mas gusto ko yung mai-share ko sa mga bata ang mga natanggap kong mga biyaya dahil sa Kakambal ni Eliana.

“Si Enzo na ang nagsabi na sabay na kaming mag-celebrate sa Boys Town kasi every year, ginagawa niya iyon.

“Na-inspire ako sa ginagawa niyang iyon kaya doon na rin ako mag-celebrate. Marami pa kaming mapapasayang mga bata sa kaarawan naming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN