Wilma Galvante says she will wait for Marian Rivera’s contract with GMA-7 to expire; TV5 has no offer to Richard Gutierrez

Muling magkakatrabaho sina Wilma Galvante at Ogie Alcasid. Ito ay matapos pumirma ng kontrata ni Ogie sa TV5 noong Martes. Parehong galing sa GMA-7 ang TV executive at ang singer-comedian.


Noong August 1 opisyal na nagsimula si Wilma Galvante sa kanyang trabaho sa TV5 bilang chief entertainment content officer.

"So, I’m in-charge in all the entertainment content.

"Pati Talent Center at pati pag-produce ng in-house shows at saka yung mga production partners.

"Kasi merong mga ila-line produced na shows... mga gano’n,” paglalarawan ng TV executive sa kanyang posisyon nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing ni Ogie Alcasid bilang TV5 talent noong Martes, August 6, sa Aracama Resturant sa The Fort, Taguig City.

Kasabay ng paghawak ni Ms. Galvante ng posisyong ito ay ang balitang pagre-resign naman ng TV5 head of entertainment and creative production na si Perci Intalan.

Ayon pa sa mga ulat, si Galvante raw ang dahilan kaya magre-resign si Intalan.

Paglilinaw ni Galvante, “Si Perci kasi, iba yung... may business plan naman with him.

"He’s still with the network and eventually he’ll be producing for the network based sa business plan.”

OGIE ALCASID. Tungkol naman sa paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5, kinumusta ng entertainment press kay Ms. Galvante ang "reunion" nila nito.

Katulad ni Ogie, galing din si Ms. Galvante sa GMA-7 kunsaan huli siyang nanungkulan bilang senior vice president for entertainment TV.

Sagot ng TV executive, hindi naman sila naghiwalay ni Ogie dahil lagi silang nagkakausap nito kahit walang kinalaman sa trabaho. Ito ay dahil magkaibigan daw sila.

Ano ba ang mga gagawing shows ni Ogie sa TV5? Nababalita na ang una nitong project sa network ay isang teleserye. Totoo ba ito?

“Meron siyang gagawing musical show, comedy, meron ring soap.

“Mangyayari ’yan sa mga susunod na buwan. Mababalitaan n’yo ’yan.

"We will make the formal announcement in due time.”

“Perpetual” o “long term” ang termino na ginamit ni Ms. Galvante sa kung ilang taon ang pinirmahang kontrata ni Ogie sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat may nakasaad na bilang ng taon ang bisa ng kontrata ni Ogie sa network, tiniyak ni Ms. Galvante na tatagal pa ng maraming taon ang serbisyo nito sa network.

Natanong din kay Ms. Galvante kung ano ang magiging kaganapan sa napabalitang paglalabas nila ng isang musical-variety show na posibleng tampukan din ni Ogie.

Tugon ng network executive, “The musical show is in the pipeline. And in fact, it’s going to happen very soon.

"It’s something big. We will be announcing it.

"It’s not going to be the variety show that we know of right now...

"Very Ogie and very much aligned with the stars who will be in that show.

“It will happen next month.

"Sabi nga niya... magtatrabaho na ito [Ogie] after today.”

OGIE LEAVING GMA-7. Pinuri naman ni Ms. Galvante ang ginawang pagpapaalam muna ni Ogie sa GMA-7 bago nito tinanggap ang offer ng TV5.

“Actually, yung ginawa ni Ogie, actually for me it was a good gesture. Very professional na artista na magpaalam nang maayos.

“Sa itinagal natin sa network, marami ang hindi nakakapagpaalam nang maluwag sa loob.

"Pagkatapos haharap ka sa mga taong iiwanan mo, ang tagal mo silang kasama, hindi madaling gawin.

“Pero si Ogie, bilang the professional that he is, ginawa niya yun.

"Actually, ikinuwento na lang niya sa akin yun, nagkita na lang kami sa PhilPop. ’Ma’am, galing ako kanina sa…’ ’A, talaga?’

"Nakakatuwa naman.”

May plano ba ang Kapatid network na gumawa ng bagong gag show?

“Yung Tropang Trumpo?” pagtukoy ni Ms. Galvante sa dating gag show ni Ogie sa TV5 bago siya lumipat noon sa GMA-7.

“Ganda nun, di ba? Ang saya nun, pinapanood ko yun dati.

"Kaya nga nung nakita ko na, ’Teka, ang ganda nito, a!’ Kaya nga kinuha ko si Ogie!” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That answers your question,” na ang ibig nitong tukuyin ay ang paglalabas uli ng gag show sa TV5.

Bago matapos ang presscon, nagbigay ng kanyang huling mensahe si Ms. Galvante patungkol kay Ogie at sa nararamdaman nito sa muli nilang pagtatrabaho.

“Alam mo, Ogie, the first time you signed with GMA many years ago, I signed that contract with you. First time for a network.

"And now, first time for a new network, I signed it with you.

“And to me, I’m very happy that it’s happening that way.

"I mean, I admire artists like Ogie na... artist ’yan, e.

"Professional people, they will not be scared or afraid or even nervous to try new grounds, for as long as it’s an expression of creativity and the opportunity.

“So, thank you and welcome.”

CONVINCING POWER. Sa panayam naman ng PEP kay Ms. Galvante after the contract signing, inalam namin kung anong klaseng convincing strategy ang ginawa niya para mapalipat si Ogie sa TV5 at iwan nito ang Kapuso network.

Pero paglilinaw niya, “Hindi, kasi magkausap na sila ni MVP [Manny V. Pangilinan, TV5 chairman] even Noel [Lorenzana, TV5 president] and I came on board.

"Matagal nang commitment ’yan ni Ogie.

“Yung pagpasok ko, inayos ko na lang kung ano yung puwede at dapat niyang gawin.

“Pero yung pagkausap sa kanya? Hindi.

"Commitment na yun even before.”

Diin pa niya, “It’s a commitment between Ogie and MVP.”

Ano ba ang mayroon ang isang Wilma Galvante at nagagawa niyang mahimok ang ibang artista na lumipat sa TV5?

Tugon nito, “Siguro kasi when I sit down with them, they will know na, ’Etong ipapagawa ko sa iyo, it’s conceptualized. We do it together at kung anuman yung mabubuo natin, alam natin na ilalabas yung galing mo at mai-inspire ka.’ Ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why I’m very happy that I can talk about Sharon [Cuneta].

“Kasi, first time kong nakakatrabaho si Sharon for Madam Chairman.

"Doon, I sat down with her. I told her na, ’Sige, let’s work together. First time naman natin ito to work with the new work. And this is what we have for you to do.’

"Tapos, inilatag ko sa kanya yung Madam Chairman.

“Sabi ko sa kanya, ’Alam mo ang peg ko dito nung ginagawa namin yung concept, how you acted in Crying Ladies.

"Actually, yun ang favorite movie ko.”

Malabo raw na magkaroon ng talk show ngayon si Sharon, ayon kay Wilma, pero sasalang ang Megastar sa isang musical show.

Magsasama ba sila ni Ogie?

“Puwede pero hintayin n’yo muna yung announcement. Iba yun, e.”

Nang muli naming itanong kay Ms. Galvante ang mga kataga niya kay Ogie sa unang pagkakataong pumirma ito ng kontrata sa GMA-7, sinabi ng TV executive na naunang ginawa ng talented artist ang Bubble Gang at saka sumunod ang SOP. At nasundan na ito ng iba pang maraming programa para sa mang-aawit at komedyante.

Hindi ba niya inakala na muli silang magkakatrabaho ni Ogie sa ibang istasyon?

Tugon ni Galvante, “Hindi. Pero nun nga... nung sinabi ko sa iyo, when I came onboard, kami ni Noel, when we got on board, nag-uusap na sina Ogie at MVP, may commitment na sila.

"Pagpasok ko na lang, inilatag ko na lang kung ano yung maganda niyang gawin.”

MICHAEL V. ON TV5. Balita ring may gagawing show ang Kapuso comedian na si Michael V. sa Kapatid network. Kinumpirma naman ito ni Galvante.

“Si Michael V., gagawa siya ng isang game show, Killer Karaoke, the Pinoy version. Nakakatawa yun.

"So, we presented it to him. Tapos, kung walang..

“Ako, I understand contracts. I will be the last person to interfere with the contract.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam daw ni Ms. Galvante na walang kontrata sa network si Michael sa GMA-7.

"Kaya nga, at saka hindi magkaroon ng conflict sa ginagawa niyang show.

“So, I told him, ’If you like this, this is yours. Just make sure this does not make conflict with anything that you’re doing with GMA.’

“So, siya naman ang nag-ayos. So, priniview niya, tinanggap niya.

"Nung makita niya, sabi niya, ’Laugh trip ’to, Ninang.’

“Sabi ko, ’If you like, that’s yours. Work on it. That would be yours.’

"So, gagawin niya. Mag-i-air ’yan October.

“So, talagang pinayagan na siya. Nagsabi na siya na gagawin niya ito.”

Paglilinaw pa ni Ms. Galvante, ang kontrata ni Michael sa TV5 ay per program lang gaya ng ginagawa ni Vic Sotto na per show ang kontrata nito.

Ngayong September ay babalik daw uli sa ere ang franchise game program na Who Wants To Be A Millionaire na ihu-host uli ni Vic.

MARIAN, DINGDONG, & RICHARD. Inalam ng PEP kay Galvante ang balitang lilipat din diumano sa TV ang magkasintahang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sagot naman niya agad, “May contract pa sila, e. So, hindi ko alam.”

Nabanggit namin kay Ms. Galvante ang nabalitang dinner nila sa aktres kasama si MVP sa mismong bahay ng TV5 chairman.

Paglilinaw niya, “Kasi, di ba, gumagawa naman siya ng commercials? Meron siyang endorsements with Talk N’ Text ba yun?

“So, yun. Social dinner lang yun.”

Walang nabanggit sa posibilidad na paglipat ni Marian sa Kapatid network?

“Wala, wala,” nangingiting sagot ni Ms. Galvante.

Ibig sabihin, wala talagang offer ang TV5 kay Marian?

“Wala. Wala naman. As in... hindi, e... may contract pa siya, e. Hindi ako nangingialam e.”

Magtatapos na ang kontrata ni Marian sa GMA-7 sa August 12, na siya ring kaarawan ng aktres.

“E, di hihintayin ko siya,” tugon naman dito ni Ms. Galvante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Richard Gutierrez?

“Si Richard Gutierrez, walang offer. Hindi kami nag-uusap.

"Ang nag-uusap kami, ni Raymond [Gutierrez, kakambal ni Richard] for a possible showbiz talk show.

"And si Jun Lalin [publicist of the Gutierrez family] saka si Raymond, magkausap kami.

“You’ll find out kung magkakausap kami o hindi.”

RYAN & JC. Pagdating naman kay Ryan Agoncillo, ginagawa pa rin daw nito ang Talentadong Pinoy.

“Ryan is doing Talentadong Pinoy. Tapos magpa-finals na siya, di ba? Tapos may new concept for Ryan. It’s an interactive show.”

Tungkol naman sa paglipat sa ABS-CBN ng dating Kapatid talent na si JC de Vera, itinanong namin kay Ms. Galvante kung hindi ba nila kinunsidera na pigilan o i-renew ang kontrata nito sa kanila.

Tugon niya, “Hindi ko alam yun, e. Kakaumpisa ko lang.

"Hindi ako ang nag-manage ng pag-alis niya. I would have wanted him to stay, pero apparently, may ibang nangyari.”

Nagkaroon ng isyu noon sa pagitan nina Ms. Galvante at JC nang pareho pa silang nasa bakuran ng GMA-7.

Dahil sa isyu ay inilipat ng talent manager ni JC noon na si Annabelle Rama ang aktor sa TV5, at ilang taon naman ang nakalipas ay si Ms. Galvante naman ang nagpunta sa Kapatid network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN