PEPtalk. Ryzza Mae Dizon reveals story behind her "look up" pose

In this episode of PEPtalk, hosts Joyce Jimenez and Rommel Llanes challenged Ryzza Mae Dizon to talk about the photos that they will show her. These are photos of significant people and things in her life. But one photo made her say, "Ate huwag po, hindi na po ako magpapa-shoot pag nakita ko ‘yan!”


Sa pagpapatuloy ng PEPtalk with “Aleng Maliit” Ryzza Mae Dizon ay bibong ikinuwento naman ni Ryzza ang mga pagbabago sa buhay niya at ng kanyang pamilya sa pagpasok niya sa showbiz.

Pag-amin ng eight-year-old child wonder, marami na siyang nabibili ngayon na gamit.

Banggit niya pa sa ilan sa mga ito, “Mga damit po, ganito po [turo sa iPad mini na nasa harapan niya] at saka ganun po [iPhone] at saka iPad na malaki… pagkain at saka kotse.

Sa murang edad nga ni Ryzza ay nakapagpundar na siya ng sasakyan para magamit niya sa pang-araw-araw na gawain.

Buong-pagmamalaki pa niyang ibinalita sa mga hosts ng PEPtalk na sina Joyce Jimenez at Rommel Llanes, na malapit na rin siyang magkaroon ng sariling bahay.

Hindi gaya ng ibang bata na paboritong pagkain ay fried chicken, mas gusto ni Ryzza ang paksiw na bangus.

Katuwiran ni Aleng Maliit, ang fried chicken daw ay "pang-mayaman."

Pero pag-amin naman niya ngayon ay kumakain na rin siya at bumibili nito.

“Opo, bumibili na po,” pag-amin ni Ryzza.

Tukso tuloy sa kanya ng host na si Joyce, “E, di mayaman ka na?”

Hindi sumagot si Ryzza, pero umiling ito at nagsasabing hindi pa siya mayaman.

At dahil sa unang bahagi pa lang ng interview ay sinabi ni Ryzza na lahat ng tanong ay kaya niyang sagutin, naghanda ng isang maliit na challenge ang mga hosts.

Magpapakita sina Joyce at Rommel ng mga larawan ng mga tao at bagay na may kinalaman sa buhay ni Ryzza at magkukuwento siya tungkol dito.

Ano kaya ang mga pictures na nakita ni Ryzza?

Sino ang sinabihan niya ng, “Mabait po at saka...mataba?”

At anong picture ang nagpasabi kay Ryzza ng, “Ate, huwag po. Hindi na po ako magpapa-shoot pag nakita ko ‘yan!”

At kung na-curious kayo kung saan ba nagsimula ang “look-up” pose ni Ryzza ay ikinuwento niya rin ito sa #RyzzaMaeonPEPtalk part 2!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya, PEPsters, watch Ryzza Mae Dizon’s PEPtalk interview na!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN