PEP EXCLUSIVE. Jose del Prado Jr. on legal battle with cousin Annabelle Rama: "I’m not afraid of her. Labanan ‘to ng truth versus lies."

Jose Rama del Prado on Annabelle Rama’s tirades on Twitter against him: “That is just a ploy. For me, Annabelle uses that as a ploy para mag-away kami and yung utang niya sa akin, idaan niya sa away.”


Bumuwelta ang first cousin ni Annabelle Rama na si Jose Vicente “Joel” Rama del Prado Jr. sa Twitter posts tungkol sa kanya ng talent manager kaninang madaling-araw, August 8.

Ang Twitter posts na ito ni Annabelle ay bilang sagot sa natanggap niyang balita na naghain si Del Prado ng reklamong estafa at paglabag sa Anti-Bouncing Check Law laban sa kanya.

Ang mga reklamo ay inihain ni Del Prado noong Huwebes, August 1, sa Cebu City Prosecutor’s Office.

(Read: Annabelle Rama faces estafa complaint from first cousin over bouncing check)

Sa exclusive phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Del Prado kaninang hapon, August 8, sinabi niya na hindi ito ang unang pagkakataon na nakahiram sa kanya ng pera si Annabelle.

Saad ng negosyante, “We’re close before, kami ni Annabelle. We go abroad together.

"Matagal na yung pinagsamahan namin and this is not the first time we had a transaction like this.

“Every time she needs money, she runs to me. Wala namang problema dati.”

Gayunman, hindi raw ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa tsekeng inisyu sa kanya ni Annabelle.

Sa katunayan, ayon kay Del Prado, sa nasabing dalawang tseke na nagkakalaga umanong P1.5M at P362,000, inasahan na raw niya na magkakaroon ng problema.

“I was already expecting that these things will happen to me because when the election started, the campaign period, she was always trying to look for reasons, hanggang sa nag-away kami.

“Hindi ako kumakagat. Alam ko na kung magkano ang nagastos niya sa campaign,” sabi ni Del Prado.



BOUNCING CHECKS. Isa sa mga ipinagtataka ni Del Prado ay ang pagkagulat umano ni Annabelle sa mga reklamong inihain niya laban dito.

“Para siyang na-shock. How could she be shocked when we sent her notice of dishonor?

“Then, I texted her. She knew about these bouncing checks,” reaksiyon ni Del Prado matapos niyang makita ang mga tweet ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ni Del Prado ang akusasyon ni Annabelle na siya ang pumilit sa kanyang pinsan na ipasara ang bank account nito.

Ani Del Prado, “May inconsistency kahit sa tweets niya, ako raw ang nagpilit na i-close ang account niya.

“Bakit ko ipipilit na i-close ang account niya? Ano ba ang control ko?

“Hindi ba siya ang nagko-control sa account niya?

“Is she not responsible sa mga bank account niya?

“Yung mga [tweet]... na bading ako, lahat lumabas when we sent her a notice of dishonor.

“You know Annabelle, that’s her style. We expected this.

“Me, I’m not shocked because when we sent her a notice of dishonor, ‘yon na ang mga poison text niya.”

Pagkatapos ay nagbigay-babala si Del Prado: “Kaya ang message ko sa mga tao, ingat kayo kay Annabelle.

“Kung pauutangin ninyo, kung babae o lalaki kayo at hindi siya makabayad, magiging tomboy kayo, magiging bakla kayo.”

Nabanggit din ni Del Prado sa PEP na hindi lamang dalawang tseke ang naisyu sa kanya na tumalbog.

Sabi pa niya, “Just for the record, I wanna tell you that this is not the first time Annabelle is sued. She has plenty of cases.

“She’s not innocent on these crimes. She has been sued before. I just want also to include that.”

Dagdag pa niya, “Around twenty checks ang hawak ko, lahat bouncing checks.

“Baka akala nila P1.5M lang. Hindi lang P1.5M ‘yan.

“Malaking amount and it involves the money of my family and also my brothers.

“Why we only filed two checks out of twenty checks?

“Because we are hoping na sana she will come for settlement.

“But sa ginawa niyang ito, expect us to file more estafa cases against her.”



REASON FOR LOSING THE ELECTION. Ayaw na sana sagutin pa ni Del Prado ang iba pang tweets ni Annabelle na walang kaugnayan sa reklamong kanyang inihain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Annabelle Rama lashes back at cousin for filing complaints against her)

Subalit, hindi na rin niya napigilan na sumagot sa ilang tweets ng talent manager.

Isa na rito ang akusasyon ni Annabelle na kasalanan daw ni Del Prado kung bakit natalo siya noong nakaraang eleksyon.

Si Annabelle ay tumakbo bilang kongresista ng North District ng Cebu noong May 2013 elections. Ngunit natalo ito sa kalaban niyang si Raul del Mar.

(Read: Annabelle Rama concedes to Raul del Mar in Cebu)

Hindi lamang daw sa Twitter lumabas ang isyung ito, ayon kay Del Prado.

“After the campaign, inilabas niya sa mga newspaper, hindi niya ako pinangalanan, that I betrayed her in the election, that I was one of the reasons that she lost.

“Even in her recent tweets, nandoon ‘yon.”

Ipinagtataka ito ni Del Prado dahil, aniya, “At first, sino ba ako? I don’t have the machinery. I am not a politician.

“If ever I betrayed her, ano ang effect no’n sa pagkatalo niya?

“Control ko ba ang Cebu? Hawak ko ba ang Cebu?”

Ayaw na raw ito patulan ni Del Prado.

“We will go by the issue. I think the people would understand.”

Ulit pa niya, “Why blame me? Wala akong political machinery.

“I’m not involved in politics. Hindi ko hawak ang Cebu.

“If it’s true that I betrayed her, ano ba ang effect sa pagkatalo niya?"

Sa tingin pa ni Del Prado, isang paraan ito ni Annabelle para malihis ang atensiyon ng mga tao.

“That is just a ploy.

“For me, Annabelle uses that as a ploy para mag-away kami and yung utang niya sa akin, idaan niya sa away.

“Para ma-divert ang attention at saka gumawa siya ng script na, ‘Uy, inaaway ako niyan. Trinaydor ako niyan.’

“So, iba na, kalimutan na ang utang at idaan na lang sa away.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, bahagya ring nilinaw ni Del Prado ang tungkol sa pagiging manager umano niya ng Pino Restaurant.

Paglilinaw ni Del Prado, “Regarding sa sinabi niya na manager daw ako sa Pino, I was a business partner and we dissolved the partnership with my partners in a good way.

“That has been three years ago. Until now, I have no case.

“Wala akong kaso regarding diyan and we remain to be friends.”

Sa huli, iginiit ni Del Prado na ang mga naging atake ni Annabelle sa Twitter ay paraan para ilihis ang atensiyon sa tunay na isyu.

Sabi niya, “This is nothing new. You know Annabelle, she always uses that way, trying to divert the issue, talagang below the belt.

“We are not going to let this pass.”

Nang tanungin ng PEP kung handa ba siyang makipag-ayos sa kanyang pinsan, sagot niya, “We’re open to settlement but it should be in court.”

Hindi rin umano siya natatakot na harapin sa Annabelle sa korte.

“I’m not afraid of her. Labanan ‘to ng truth versus lies.

“Hawak ko ang ebidensiya. Hawak niya yung puro kasinungalingan.

"I have evidence,” pagwawakas ni Del Prado.

Bukas ang PEP sa anumang reaksiyon na nais ipahayag ni Annabelle tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN