Louise delos Reyes on reported reconciliation with Enzo Pineda: “Para may excitement, hindi ko muna sasagutin!”

Aminado si Louise delos Reyes na mas nahirapan siyang gampanan ang kanyang role bilang Marilyn sa Mundo Mo’y Akinnang gumanda na ang kanyang karakter. Paliwanag niya, "Mahirap kasing ibalanse na magtataray ka at maiintindihan ka ng mga tao kesa yung magtataray ka na kaiinisan ka ng mga tao. At saka, noong pangit ako, restricted na yung facial expression ko. Kaya noong mawala na ang prosthetic, nahirapan akong mag-adjust. Minsan, hindi pa rin gumagalaw


May sakit pa rin si Louise delos Reyes nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Mundo Mo’y Akin sa Fernwood Gardens, Quezon City, noong Miyerkules ng gabi, August 7.
Pakiramdam daw niya, dala ito ng fatigue at stress na nakasabay pa sa taping niya ng kanilang soap at pagiging team leader niya sa Sunday All Stars.
Kuwento ni Louise, “Parang after kong mag-leader sa Ligang I Like, lumabas ang sakit ko. One month akong na-stress, e.
"Mga third week ako nagli-leader, doon na lumalabas na umiinit ako, pinagpapawisan, nawawala, tapos iinit ulit.
“One month ako na-stress. Nagsabay-sabay kasi.
"Nagkaroon ako ng taping sa Mundo Mo’y Akin, nag-Maynila ako. Tapos, segue ng Sunday All Stars.
"Parang naging busy ang katawan ko na iniisnab niya lang na may sakit ako.
“Tapos, after nun, noong hindi na ako leader, doon na lumabas.”
BETTER WHEN UGLY. Nang makausap ng PEP si Louise sa taping nila noon na naka-prosthetic pa, na pangit pa ang hitsura niya, sinabi niya na kung siya ang masusunod ay ayaw niyang gumanda pa ang karakter niya bilang si Marilyn.
Pero nga ay gumanda na siya sa istorya.
Sabi ni Louise, “Ayoko na sanang gumanda, kasi parang yun ang essence ng story na yung mga hindi pinagpala sa mukha, e, magkakaroon ng happy ending sa buhay nila.”
Pero gumanda nga siya sa pagtatapos ng serye nila. Ano ang naging opinyon niya dito?
“Okay lang ako, naging mas magaan ang trabaho ko.
"Pero character-wise, ano siya, e, may okay na part, may hindi.
"Siyempre, okay dahil less make-up. Parang natural na make-up mo lang.
"Siyempre, ang medyo ayaw ko lang, palagi kang naka-heels kahit bato-bato ang daan.
“Tapos yung buhok ko, ang tagal-tagal gawin.
"Kasi, sa Tagaytay, ang lamig. Tapos, bumababa ang kulot, tapos kukulot na naman.
"Pero character-wise kasi, paano makakabalik si Marilyn sa dati niyang ugali na mapagkumbaba?
"Mabait pa rin naman si Marilyn, pero hindi na kasing-bait noong pangit siya."
Mas nahihirapan pa nga raw siya sa pag-atake sa karakter niya ngayong maganda na siya kumpara noong pangit pa siya.
“Kasi, ako kasi, hindi ko pa nata-try na maging mataray. Kahit alam ko sa sarili ko na medyo may pagka-mataray ako.
"Pero I don’t know how to act it out as Marilyn na hindi ako kakagalitan ng mga tao agad-agad, na maiintindihan ako.
“Na kaya ko ginagawa ito, kasi ang mga tao, nilalait ako.
"Mahirap kasing ibalanse na magtataray ka at maiintindihan ka ng mga tao kesa yung magtataray ka na kaiinisan ka ng mga tao.
"At saka, noong pangit ako, restricted na yung facial expression ko.
“Kaya noong mawala na ang prosthetic, nahirapan akong mag-adjust.
"Minsan, hindi pa rin gumagalaw ang mata ko. Feeling ko nga, nagpa-botox ako!” natatawang sabi ng Kapuso actress.
NO REWARD YET. Bilang nagkakasakit na siya sa sabay-sabay na trabaho niya, may "reward" ba siyang ibinibigay sa kanyang sarili?
Sagot ni Louise, “Parang wala pa po. Wala pa po, e.
“Siguro, nakakadaan ako paminsan-minsan sa mga bilihan ng sapatos, mga damit.
"Pero, wala pa po akong nabibigay na masasabi kong reward sa sarili ko.
“Ito pong Montero ko naman, after ng Alakdana, doon ko po nabili.
"Pero para dito sa soap na ‘to, wala pa po.
"Parang gusto ko po after na lang na parang ito yung remembrance ko for Mundo Mo’y Akin.”


LOVETEAM QUARREL. Naikuwento rin ni Louise na may tinatawag silang “loveteam quarrel” ng kapareha niya sa Mundo Mo’y Akin na si Alden Richards.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Siguro normal na rin na meron kayong misunderstanding ng ka-loveteam mo.

"Siguro, merong time na hindi kami nagpapansinan for no reason. Na tumatagal sila ng one month, two months.”

Nagulat kami sa rebelasyong ito ni Louise dahil tila wala naman nakakapansin o nasusulat na hindi pala sila magkasundo ni Alden.

Sabi ni Louise, “Actually, noong One True Love, hindi po kami nagpapansinan ng may two months, noong nag-uumpisa.

"Bago kami mag-start dito sa Mundo Mo’y Akin, hindi rin kami okay.

"Pero ngayon, okay na po kami.

“Para nga pong mas matindi pa kaming mag-away sa mag-boyfriend.”

TENT ISSUE. Sila ng co-star din niyang si Lauren Young, nagkakasundo ba sila off-cam?

“Opo,” mabilis naman niyang sagot.

“Ang tawag nga po namin sa isa’t isa, ’dancing buddies.’

"Kasi, kapag kinukuha kami sa Eat Bulaga!, palagi kaming dalawa.

"Dati po, kaming dalawa palagi ni Alden. Ngayon, kaming dalawa na [ni Lauren] ang nire-request.”

Tinanong din ng PEP si Louise tungkol sa napabalitang "tent issue" nila ni Lauren.

Ayon kasi sa balita ay dati silang magkasama sa iisang tent, pero nag-request daw si Louise na lumipat ng ibang tent.

Paliwanag niya, “Kasi po, parang sila ang magka-cluster.

"Kami naman po, kami ang magkakasama—sina Perlita [Sunshine Dizon] at Jerome [Alden].

"Kasi, desisyon naman po yun ng management kung sino ang gusto nilang pagsama-samahin.

“Plus, pinagsama-sama po nila kung sino yung magkakasama sa make-up artist para hindi na rin po tumatayu-tayo.”

BACK TOGETHER? Nangiti naman si Louise nang tanungin namin sa balitang nagkabalikan na raw sila ni Enzo Pineda.

Sabi niya, “Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ako yung taong nasa posisyon para sumagot niyan.

"Tanungin n’yo na lang siya. Siya na lang ang tanungin n’yo.”

Pero, nagseselos ba siya kapag nali-link sa iba si Enzo?

“Sa selos? Hindi naman, masaya naman ako. I’m happy!” at saka ito ngumiti at natawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa reaksiyon niyang ito, mukhang totoo ngang nagkabalikan na sila.

“Para may excitement, hindi ko muna sasagutin!” ang natatawa pa rin niyang sabi.

Kapansin-pansin namang hindi kasama ni Louise sa taping ang kanyang ina. At ayon nga kay Louise, hindi na siya sinasamahan ng ina sa mga taping niya.

Okay na ba si Enzo sa mommy niya?

Sagot ni Louise, “Opo. Kumain nga po kami recently.

“Si Mommy, parang she’s letting me be. Kung saan ako.

"Marami nang changes than before. Marami nang nabago ngayon.

"Hindi na siya sumasama sa akin. Mas open na siya regarding kay Enzo.

“So, sa akin, okay naman po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN