Jennylyn Mercado stays away from Mark Herras-Ynna Asistio breakup

Hangga’t maaari raw ay ayaw makialam ni Jennylyn Mercado sa naging breakup ng kanyang kaibigan at ex-boyfriend na si Mark Herras sa girlfriend nitong si Ynna Asistio. Sabi ni Jennylyn, “Oo, kaibigan ko si Mark, pero pagdating sa ganyan, ibang bagay na ’yan. Puwede ko siyang bigyan ng advice pagdating sa career o sa ibang parte ng buhay, huwag lang sa lovelife. Dahil ang lovelife, personal nila ’yan, e. Kaya huwag na lang nating anuhin.”


Magiging visible ulit si Jennylyn Mercado tuwing weekdays sa GMA-7 dahil magsisimula na sa August 26 ang Anak Ko ’Yan, isang reality-based show na siya ang maghu-host.
Ayon sa actress-TV host, inaayos na ang promo program ng kanyang show.
Gaano siya ka-excited para sa show na ito at anong klaseng show ba ito?
Tugon niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Excited ako kasi reality show siya na nag-o-audition ang mga bata between 7 to 17 years old.
"Tapos yung mga nanay, kasama rin ang mga nanay sa show.
“So, ipinapakita doon kung paano sinusuportahan ng mga nanay yung mga anak nila sa gustong pumasok sa showbiz, at sila rin ang gagawa ng production number nila.
"Every day ’yan mapapanood.”
Makaka-relate ba ang kanyang anak na si Alex Jazz sa show na ito?
Sabi ni Jennylyn, “Ako nakaka-relate kasi medyo nung nagsisimula pa lang ako, yung nanay ko [Lydia Mercado] ang talagang kasama ko sa mga shows.
“Yung sa anak ko, wala naman.
"Kasi sa school ko lang sinasamahan yun, e, at sa mga malls. Hindi ko naman siya pinag-aartista.
“So, ako lang talaga yung medyo nakaka-relate sa show.”
MARK HERRAS. Balita ring may gagawing teleserye si Jennylyn katambal ang ex-boyfriend niyang si Mark Herras.
Pero hindi pa ito makumpirma ng StarStruck alumna sa amin.
Aniya, “Hindi ko pa alam, e. Wala akong alam tungkol diyan.
"Hindi ko nga alam kung matutuloy or what, kasi hindi pa naman inilalatag sa akin yung show.
"So, wala talaga akong ideya na kahit ano.”
Bilang dating kasintahan at kaibigan ni Mark, inalam ng PEP kay Jennylyn kung ano ang nararamdaman nito sa pinagdadaanan ngayon ng aktor dulot ng breakup nito sa girlfriend na si Ynna Asistio.
Tila hindi naman nakaabot sa kaalaman ni Jennylyn na break na ang dalawa.
“Why?” nagtataka niyang tanong.
“Hindi ko alam ’yan. Natuloy ba? Sorry, hindi ko talaga alam... bakit daw?”
Nakibalita na lang si Jennylyn sa amin kung ano ang rason ng breakup nina Mark at Ynna.
Base sa mga lumalabas na balita, at ayon na rin sa naging pahayag noon ni Ynna sa unang pagtatangka nila ni Mark na mag-break, dahil raw sa limang taon na ang kanilang relasyon ay parang sumisikip na ang mundo nilang dalawa.
Reaksiyon naman dito ni Jennylyn, “Pag gano’n ba dapat nagpapakasal na? Pag gano’ng katagal?”
Sabi namin kay Jennylyn, posibleng nagkaroon na ng pressure sa relasyon ng dalawa na hindi na nila nakayanang palampasin.
“Ang tagal rin nila, ha. Ang tagal din nilang magkasama,” may himig na panghihinayang na sabi ng Kapuso actress.
Pero asam niya, “E, sana maayos pa. Sana hindi pa yun ang huli.”
Wala raw ideya si Jennylyn sa mga lumalabas na balitang depressed si Mark at wala nang ganang magtrabaho.
Hindi ba niya gustong kausapin si Mark?
Tugon ni Jennylyn, “Hindi. Kasi siyempre, very sensitive ang issue na ’yan.
"Saka siyempre, pribado ’yan, e. Sa kanila ’yan.
"Kung meron mang makakapag-ayos niyan, sa kanilang dalawa ’yan. Kaya ayokong makialam sa ganyan.
“Oo, kaibigan ko si Mark, pero pagdating sa ganyan, ibang bagay na ’yan.
"Puwede ko siyang bigyan ng advice pagdating sa career o sa ibang parte ng buhay, huwag lang sa lovelife.
"Dahil ang lovelife, personal nila ’yan, e. Kaya huwag na lang nating anuhin.”
RELATIONSHIP WITH LUIS. Ano naman ang sikreto ng relationship nila ni Luis Manzano, na kahit wala silang gaanong panahon para sa isa’t isa ay nananatiling matatag ang samahan nila?
Sagot ni Jennylyn, “Wala naman. Pareho lang, kung ano ang ginagawa namin dati, ganun pa rin."
Wala ba talaga silang nagiging problema ni Luis?
“Wala, e. Pareho kaming nag-a-adjust sa isa’t isa.
"Alam naman namin na mahirap yung trabaho namin, e. So, nandiyan yung time ng selosan.
“Pero sa aming dalawa, wala namang selosan.”
Hindi raw masasabing si Luis lang ang busy sa kabi-kabilang shows nito sa ABS-CBN at si Jennylyn lang ang umiintindi sa schedule ng kasintahan.
Ayon sa Kapuso actress, “Busy rin naman ako, three times a week yung taping ng show ko."
Paano nila ginugugol ang kanilang oras para sa isa’t isa?
“Ganun pa rin naman, wala namang pagbabago.
"Kung ano yung ginagawa namin, walang pagbabago. Mas maluwag nga lang ngayon ng kaunti.”
Binanggit ni Jennylyn ang patuloy na diving getaway nila ni Luis sa Batangas kapag libre silang dalawa tuwing weekend.
Kaya ipinihatid namin ang pag-aalala ng iba sa posibleng maging kundisyon nito sa madalas nilang out of town ng kasintahan. Baka raw kasi mabuntis na naman siya nang wala sa panahon.
Depensa naman ni Jennylyn, “Balikan lang naman yung diving namin, e. Punta sa umaga tapos balik sa hapon. Ganun lang.
“Yung diving namin, para lang kami nag-mall.
“Ano ba naman ’yang mga iniisip nila? Nakakaloka naman!” bulalas niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN