Jeric Gonzales on being paired anew with Thea Tolentino in Pyra: Ang Babaeng Apoy: “Iba kasi pag kasama ko si Thea, at ease na at ease na ako.”

Jeric on reuniting with loveteam partner Thea Tolentino: “Pero ang masasabi ko diyan talaga sa pangatlong show namin mas made-develop ang friendshiep namin, mas magiging close kami sa isa`t isa at mas makikilala namin ang isa’t isa. ’Tsaka mas lalong gumaganda ang samahan namin.”


Bagamat hindi raw siya agad nabigyan ng project pagkatapos nitong mapabilang sa TeenGen, wala naman daw tampo sa kanyang home network ang Protege Male Grand winner na si Jeric Gonzales.

Hindi rin daw siya nagiinggit sa kanyang Protege female counterpart na si Thea Tolentino na nakasama sa Anna KareNina.

Para kay Jeric, sa halip na magtampo o magmukmok ay mas pipiliin na lang daw niyang hasain pa niya ng husto ang kanyang kakayahan sa pagkanta, pagsayaw at acting.

Kaya naman daw ngayong may bagong project na siyang Pyra: Babaeng Apoy sa GMA-7 Afternoon Prime ay sobrang saya siya dahil muli niyang makakasama si Thea.

Kuwento ni Jeric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “Hindi naman, kasi ganun naman talaga... kung ano yung plano sa akin ng GMA-7, nagtitiwala naman ako sa kanila na hindi nila ako papabayaan.

“Kaya naman habang wala pa akong ginagawa noon, habang bakante yung oras ko nag-workshops na lang ako ng acting, dancing at singing.

“At nagba-basketball din ako at nag-gym para gumanda yung katawan ko, kasi medyo tumaba ako noong mga times ng Love and Lies.

“Inisip ko kasi na para pag binigyan na ako ng bagong soap, ready na ako .

“Katulad ngayon meron na akong bagong soap ang Pyra: Ang Babaeng Apoy kung saan kami ulit ni Thea ang magka-loveteam.

Anong role mo sa Pyra?

“Ang role ko dito, bale ako yung katambal ni Pyra na ginagampanan ni Thea.



PAIRED WITH THEA AGAIN. Anong bagong mapapanood sa inyo ni Thea dito sa Pyra?

“Ibang-iba sa mga naging projects na namin, kasi sa TeenGen medyo pa-sweet at pa-cute kami, tapos sa Love and Lies naman medyo drama ng konti,

“Pero dito sa Pyra mas drama ito at kami yung mapapanood sa show kasi kaming dalawa yung bida.

“Kaya nga sobrang saya kasi pinagkatiwalaan kami ng GMA-7 na bigyan kami ni Thea ng solo projects, malaking blessing talaga sa aming dalawa ito at magkasama pa kami ulit at hindi kami pinaghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yun yung alam ko na plano na after Love and Lies ipagtatambal kami sa iba pang Kapuso stars, kaya nga masaya ako kasi siya ulit ang ka-loveteam ko.

“Iba kasi pag kasama ko si Thea, at ease na at ease na ako, kasi ilang projects na rin naman yung pinagsamahan namin.

“Kumbaga wala na talagang ilangan at mas maibibigay namin this time yung kinakailangan sa eksena kasi third project na namin ito na magkasama kaya bonded na kami.

Nade-develop ka na ba kay Thea dahil third project niyo na ito?

“Ang masasabi ko diyan, nahihirapan yata akong sagutin yan. Ha ha ha!

“Pero ang masasabi ko diyan talaga sa pangatlong show namin mas made-develop ang friendshiep namin, mas magiging close kami sa isa`t isa at mas makikilala namin ang isa’t isa.

“’Tsaka mas lalong gumaganda ang samahan namin.

May mga times ba na lumalabas-labas na kayo ni Thea?

“Hindi pa, pero we’re planning kasi nung nakaraan medyo busy siya [Thea] kasi may project siya, ako naman that time free, kasi wala pa akong project so wala talagang time.

“Pero ngayon mas maganda yung bonding namin, kahit hindi kami lumabas lagi naman kami magkasama kasi nga yung mga workshops kami lagi yung magkasama kaya hindi na namin kailangan pa lumabas ngayon,” paglinaw niya.

Anong niregalo sa ’yo ni Thea nung birthday mo last August 7?

“Wala pa, pero sabi niya meron... pag-iipunan pa daw niya para maganda. Ha ha ha!

Ikaw naman ano naman ang ireregalo mo kay Thea kasi malapit na rin ang birthday niya?

“Siyempre ireregalo ko sa kanya, surprise muna, abangan na lang kung ano, pero espesyal din para sa kanya.

Ano naman ang birthday wish mo at ilang taon ka na ngayon?

“Twenty-one na ako, ang wish ko sobrang blessed naman ako ngayon dahil nagkaroon na ako ulit ng work at trabaho yun bale kasi yung isa kong wish na ibinigay na ni lord .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Good health sa akin at sa pamilya ko at sa lahat ng taong nagmamahal sa akin .

Materyal na bagay na gusto mong magkaroon?

“Yung mga kailangan lang namin sa work and then makapagbigay ako sa mga magulang ko ng mga gamit na gusto nila.



REMARKABLE WEIGHT LOSS. Ano ang ginawa ni Jeric at bigla na lang itong pumayat?

“Nung wala akong trabaho, doon ako nag focus na magpapayat, nagbabasketball ako weekly siguro mga trice a week and in-between nagdyi-gym ako.

“Ang siyempre super diet and discipline sa sarili.

Bukod sa acting, bakit nakahiligan mong kumanta?

“Oo, kasi simula palang bata ako, yung family ko talaga music lovers sila, lahat sila tumutugtog ng gitara, so ayun nakuha ko sa tatay ko yung hilig ko sa pagkanta.

“Until now, yun talaga yung isa sa pinakamahal ko bukod sa basketball at pagkanta at paggigitara ang gusto ko at nae-enjoy kong gawin.

“Hopefully gusto ko din magkaroon ng sariling album at magkaroon ng sarili kong concerts in the near future,” pagtatapos ni Jeric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN