Thea Tolentino blazes her trail to stardom via Pyra: Ang Babaeng Apoy

Thea Tolentino on being paired again with former loveteam partner Jeric Gonzales: “Bale si Jeric [Gonzales] pa rin po yung magiging ka-loveteam ko dito. Ito yung pangatlo na naming proyekto na magkasama kami. Happy ako to be paired again kay Jeric kasi gamay ko na siya katrabaho at hindi ko na kailangan mag-adjust pa.”


Hindi raw inakala ng Protege Female Grand Winner na si Thea Tolentino na siya ang mapipili para sa pinakabagong GMA-7 Afternoon Prime teleserye na Pyra: Ang Babaeng Apoy na mapapanood bago matapos ang buwan ng Agosto.

Kuwento ni Thea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “Sobrang masayang-masaya po kasi last year lang natapos yung Protege, tapos nagkasunod-sunod na yung magagandang projects na binibigay sa akin ng GMA-7.

“From TeenGen, hanggang sa Love and Lies, tapos ito ngang Pyra na ako pa yung bida, sobrang thankful ako sa GMA-7.

“Masasabi ko na itong Pyra ang big break ko, dahil ito talaga yung first title role ko.

PREPARING FOR NEW ROLE. Anong preparations ang ginawa mo for Pyra?

“Nagwu-workshops po ako, talagang sinasanay ko yung sarili ko for heavy drama.

“Gusto ko kasi maging maganda yung acting ko dito sa Pyra kasi ako yung bida, so medyo nakaka-pressure.

“Kaya naman po I promise to give my 100% para mapaganda itong Pyra.

“Kung sa TeenGen nakita niyo ako na pa-sweet at sa iba ko pang show, dito sa Pyra: Babaeng Apoy ay makikita niyo ang dramatic side ni Thea.

Anong kaibihan ng Pyra sa mga nauna mong soap?

“Ibang-iba, kasi sa TeenGen bago pa lang ako, kung baga, yun yung una kong projects after winning.

“Basta ang maipapangako ko sa mga supporters ko at sa mga nanonood ng mga soaps ng GMA-7, kakaibang Thea ang mapapanood dito.

May power ka ba dito sa Pyra?

“Yes po, pag nagagalit dito si Pyra naglalabas siya ng apoy at naku-control niya yung apoy.

Sino ang leading man mo dito sa Pyra?

“Bale si Jeric [Gonzales] pa rin po yung magiging ka-loveteam ko dito.

“Ito yung pangatlo na naming proyekto na magkasama kami. Ang akala nga namin paghihiwalayin na kami, kasi sa Anna KareNina si Teejay Marquez yung nakapareha ko, siya yung boyfriend ko dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang alam ko rin kasi ipapareha siya [Jeric] sa ibang Kapuso female stars, pero hindi pala.

“Happy ako to be paired again kay Jeric kasi gamay ko na siya katrabaho at hindi ko na kailangan mag-adjust pa.

“Pero okay din naman if i-pair nila ako sa ibang Kapuso male stars, basta for me ang mahalaga may work at nagagampanan ko nang maganda yung role na binigay sa akin.

GETTING CLOSER WITH JERIC. Sa lagi niyong pagtatambal, nade-develop na ba kayo ni Jeric?

“Mas nagiging close kami ni Jeric, pero iniisip namin yung sinabi ng mga mentors namin na talagang career first, kasi nagsisimula pa lang kami.

“Yung lovelife na ’yan, ’tsaka na ’yan, pag talagang mahusay na kami at talagang kaya na namin.

Anong regalo mo sa birthday ni Jeric last August 7?

“Dapat sasama ako nung gabi bago siya mag-birthday, isu-surprise sana namin siya sa bahay nila sa Laguna, kasama dapat ako kaya lang may taping ako, sayang hindi ako nakaabot.

“Yung regalo ko naman sa kanya espesyal yun, pero pag-iipunan ko pa para maganda. Hahaha!” pagtatapos ni Thea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN