Preggy Jolina Magdangal back to work after three-month respite

Jolina Magdangal (with hubby Mark Escueta) on working again after her three months of complete bed rest: “Na-miss ko talaga ang magtrabaho ulit. Oo. Tapos yung week before nito, excited na ako sobra. Na kahit yung pasyal pa lang nga, masayang-masaya na ako.Tapos ‘yon... ngayon nga, sobrang excited ako. 7:30 pa lang ng umaga, nandito na ako!”


Matapos pagpahingahin pansamantala dahil sa kanyang maselang pagbubuntis, pinayagan na ng kanyang doctor na muling bumalik sa trabaho si Jolina Magdangal.

Tungkol nga rito ang unang naging paksa ng usapan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kanina, Linggo, August 11.

“Three months na siya,” masayang sabi ni Jolina patungkol sa kanyang ipinagbubuntis.

“Nalagpasan ko na yung… hay, napakahirap na first trimester!” sabay ngiti niya.

“Pero siyempre, kailangan ano pa rin… careful.”

DOCTOR’S CLEARANCE. Labis daw ang kanyang kasiyahan nang bigyan nga siya ng clearance ng kanyang doctor para muling makapagtrabaho.

“Yes. May dala akong letter.

“Talagang may dala raw akong letter! Ha-ha-ha!

“Kasi, humingi ang GMA ng clearance na letter. Tapos gumawa nga yung doctor ko.

“Tapos yung sa soap, may cut-off na.”

Hindi lang sa SAS siya pinayagang bumalik kundi pati sa pagti-taping ng Mundo Mo’y Akin. At natutuwa raw si Jolina na nakahabol pa siya sa closing finale nito.

“Umabot pa talaga ako!” tawa ulit niya.

“Na-miss ko talaga ang magtrabaho ulit. Oo.

“Tapos yung week before nito, excited na ako sobra. Na kahit yung pasyal pa lang nga, masayang-masaya na ako.

“Tapos ‘yon... ngayon nga, sobrang excited ako. 7:30 pa lang ng umaga, nandito na ako!” tawa na naman niya na ang tinutukoy ang kanyang pagbabalik-SAS.

Mabuti at okay lang din sa husband niyang si Mark Escueta na magtrabaho ulit siya. Kasi nga, maselan ang unang tatlong buwan ng kanyang pagbubuntis.

“Basta naman may clearance ng doctor, okay kay Mark, e.

“So, may clearance ng doctor. Tapos nagkasundo si Mark at yung manager ko.

“Kampi-kampi sila. Kaya alam ko naman na okay lang.

“At saka nai-promise ko rin naman sa kanila na hindi ko aabusuhin yung sarili ko. Papakiramdaman ko pa rin.

“Hindi porke may clearance na, sige lang. Go lang nang go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Behave naman ako.

“Kinumpleto ko yung two weeks na walang spotting. Tapos nag-extend lang ako ng mga ilang araw pa para sure na sure talaga.

“Hindi ko pa nararamdaman yung baby sa tiyan ko. Pero kapag nagpapa-ultra sound ako, nakikita ko siya, e.

“Nakikita kong gumagalaw. So dun pa lang, natutuwa na ako.

“Pero… hindi ko pa talaga nararamdaman.”

CRAVINGS. May napaglilihian ba siya?

“Wala. Ni hindi ako nagsusuka. Walang anuman.

“Hindi ako nahihilo. Wala akong hinahanap na pagkain,” pag-amin niya.

Baka si Mark ang naglilihi?

“Hindi rin. In fairness sa kanya.

“Parang hindi naman siya bugnutin. Mabait nga, e,” tawa na naman ni Jolina.

Sa kabuuang panahon daw na naka-bed rest siya, talaga si Mark daw ang personal na nag-asikaso sa kanya.

“Hindi talaga ako sanay na inaasikaso ako, e. Pero ito, nasubukan ang patience ko. Na… pumirmi ng higa.

“Ang tayo ko lang… wiwi. Tapos higa ulit.

“Tapos naaawa rin ako kay Mark. Kasi kahit yung pagpapainom ng gamot, itinatayo niya ako.

“Kasi nga parang… hindi naman ako nagsayaw pero ang sakit-sakit ng buong katawan ko. Gano’n pala siya.

“Kaya… ayon, inalagaan naman ako ni Mark nang bongga!”

BOY OR GIRL? Blooming ang hitsura ni Jolina. Sinasabing kapag gano’n daw, babae ang ipinagbubuntis.

“Sabi nga.

“Pero hindi ko alam kung ano ba ang sinasabing blooming? Kasi hindi ko alam yung pagtsi-change kung kapag five months na ba,” sabi niya.

Sinasabi na kapag nagiging haggard ang babaeng buntis, baby boy ang nasa nasa kanyang sinapupunan. O kaya umiitim ang leeg at iba pang parts ng katawan.

“Oy, tinitingnan-tingnan ko nga! Ha-ha-ha!

“Kung umiitim ba ang kilikili ko o lumalaki na ba ang ilong ko. Pero hindi pa naman, in fairness.

“Gusto ko sana, lalaki. Okay na okay lang talaga kung baby boy siya.

“Ang gusto naman ni Mark, baby girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero… basta ang sabi namin, katuwaan lang… gusto mo girl, gusto ko boy. But ang talagang pini-pray namin, healthy yung baby.

“Si Mark, hindi ako pinapanood ng halimbawa… merong mga ipinapakitang mga may sakit na bata. Papatayin na niya yung TV.

“Kasi… natatakot ako!” bulalas niya.

Wala din daw siyang mood swings kaugnay ng kanyang pagbubuntis.

“In fairness… waley!” tawa ulit niya.

“Wala talaga.

“Siguro lang, kapag umaga ang feeling ko… parang sinisikmura lang ako.

“Pero halimbawa uminom na ako ng tubig, o kaya kumain na ako, okay na.”

BACK TO WORK. Sa kanyang pagbabalik-Sunday All Stars, ano ang magiging participation niya starting every week?

“Usually opening. Or production number.

“Sing-sing lang ako. And hosting.

“Pero yung sasabihin mong bubongga ulit sa groupings… nag-pass na muna ako sa groupings,” pag-amin ni Jolens.

Hanggang kailan siya magtatrabaho? Hanggang bago ang kanyang kabuwanan?

“Ay, iyon ang hindi ko alam. Kasi hindi natin alam, baka naman hanggang seventh month ng tiyan ko, kaya ko pa.

“Pero ayoko ring pilitin.

“Hindi ko pa alam. Sa ngayon, sobrang saya ko lang na… back to work ako talaga.

“Sobrang saya ko talaga. As in… pinaghandaan ko ‘to,” pagmamalaki niya.

Nag-start na ba siyang mag-taping ulit for Mundo Mo’y Akin?

“Hindi pa. Siguro by next week.”

Maluluwang na ang isusuot niyang outfit sa taping nito para hindi makita na buntis siya.

“Puwede. Pero dati pa naman, maluluwang na talaga ang outfit ko do’n.”

Nagsisimula na ba silang bumili ng mga gamit para sa kanilang magiging baby?

“Hindi pa. Huwag muna.

“Right now, may mga books akong binabasa about pag-aalaga ng baby and being a mom.

“Si Mark din ang nagsabi sa akin, kailangan daw ngayon pa lang, nalalaman na namin ang mga dapat gawin,” patuloy niya.

For sure, excited na rin ang mga lolo at lola ng ipinagbubuntis niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo.

“Kinukumusta nga nila ako lagi. Kasi nasa kuwarto lang ako. Doon ako kumakain.

“Tapos bubuksan lang nang konti yung bintana… parang bangong-bango ako do’n sa hangin sa labas! Kasi nga hindi ako lumalabas,” dagdag niya.

Pero ngayon, tapos na ang panahon na kailangan niya ng complete bed rest. Puwede na siyang lumabas at magtrabaho din nga.

Aniya, “Pero hindi pa rin yung umaga tapos hanggang gabi na. Hindi. Kundi yung parang nai-exercise na galaw-galaw ka lang.”

NEW HOUSE. Kumusta na ang planong pagpapatayo nila ng sarili bahay? Nasimulan na ba ang construction nito?

“Nakikipag-meeting pa lang kami sa architect. Pero once na sinimulan na ‘yon, siguro si Mark na ang mag-aasikaso.

“Pero gusto ko ring sumama-sama.

“Ano pala ‘yon, kahit may meeting-meeting na, aabutin pa ng mga three months bago masimulan. Kasi may mga permit-permit pa.

“Sa Quezon City kami magpapatayo ng bahay. At tinitingnan namin na twenty years kami do’n,” detalyeng kuwento ni Jolina.

May input siya sa magiging design ng bahay?

“Oo. Kumbaga, may mga awang.

“Sa totoo lang… kubo lang muna, e,” biro pa niya.

“Pero… hindi, may awang siya. Na kapag lumalaki na ang family, saka rin lang siya unti-unting palalakihin.”

For sure, magiging bongga ang nursery room para sa magiging baby nila?

“Hindi. Sinabi ko na iyon kay Mark… ayoko muna nang may sarili siyang kuwarto. Magiging tambakan lang yun.

“Kasi lagi lang nasa tabi namin yung baby, e. Nalaman ko yun kay Kyla.

“Oo. So… dun na lang muna siya sa tabi ko.

“Ang nursery niya, sa kuwarto rin namin. Kaya dapat malaki ang kuwarto namin.

“Pero feeling ko aabutin ako ng panganganak na nando’n pa kami sa house nina Mark. Oo, kasi hindi naman puwedeng kapag manganganak na… maglilipat?

“Mas maganda na maglipat kapag okay na,” panghuling nasabi ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN