Sef Cadayona’s "secret weapon" in winning Yassi Pressman’s heart: “Talent showcase!”

Sef Cadayona on how he won Yassi Pressman’s heart: “Kapag nagri-rehearse, kahit pawisan ako, talagang… bigay-todo ako. Tapos nagluluto ako para sa kanya. Medyo mahilig kasi ako talagang magluto. Yung niluluto ko, depende sa gusto niya, e. Minsan gusto niya ng pasta. O kaya asado. Yung mga gano’n. Tapos kapag meryenda, dadalhin ko yung mga favorites niya. At saka lagi ko siyang pinapatawa. Talagang ginagamit ko lahat ng comic skills ko!”<


Hindi raw inaasahan ni Sef Cadayona na bukod kay Aljur Abrenica ay mananalo rin siyang Best Performer sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, August 11. Nagulat na lang daw siya nang i-announce silang dalawa bilang winners.

“Nadala siguro ako do’n sa production numbers kaya napansin ako ng mga judges,” masiglang pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng SAS.

“I’m very thankful. Although hindi man ang grupo namin ang nanalong Best Performance, at least may nanalo sa team namin.

“And thankful talaga ako na ako yung napili.”

Mula nang maging mag-on sila ng Kapuso young actress na si Yassi Pressman, nag-iba ang aura ni Sef. Mukha siyang in-love na in-love talaga na hindi maiwasang kiligin pa kapag natatanong tungkol sa relasyon nila.

“Bago pa lang po kami,” aniya. “Months pa lang po yung relasyon namin. Magpa-five months pa lang po kami.”

Magkasama sila ni Yassi sa grupong Tweet Hearts sa SAS. Pero dati pa, nagkasama na rin sila sa Party Pilipinas. Pag-amin ni Sef, na-develop daw sila sa isa’t isa.

“Alam n’yo na… yung mga late time na rehearsal!” sabay tawa niya.

“Tapos, nagkakayayaan na lumabas. Yayayain kong kumain.

“Kami-kami rin naman yung magbabarkada no’n ever since. Kaya… wala namang ilangan.

“Ang maganda kasi, naging friends muna kami ni Yassi. Na matagal na kaming friends bago ako nanligaw sa kanya. Bago naging kami,” medyo kinikilig pang sabi ni Sef.

WINNING YASSI’S HEART. Paano ba niya ito niligawan? Yung tipikal ba na pabigay-bigay ng love notes at flowers at pagyayaya na mag-date?

“Talent showcase!” tawa na naman ng Kapuso actor.

“Kapag nagri-rehearse, kahit pawisan ako, talagang… bigay-todo ako. Tapos nagluluto ako para sa kanya. Medyo mahilig kasi ako talagang magluto.

“Yung niluluto ko, depende sa gusto niya, e. Minsan gusto niya ng pasta. O kaya asado. Yung mga gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kapag meryenda, dadalhin ko yung mga favorites niya. At saka lagi ko siyang pinapatawa.

“Talagang ginagamit ko lahat ng comic skills ko! Ha-ha-ha!”

Kaya siya nagustuhan ni Yassi?

“Sa kakatawa niya… ’ay, gusto na rin kita!’ Ha-ha-ha!

“Na… wala nang bawian. Sinabi mong gusto mo na ako. Wala nang bawian! Ha-ha-ha-ha!” biro pa niya.

Paano naman nga siya sinagot ni Yassi?

Patuloy pa niya, “Over family dinner ’yon. Ano kasi… matagal na rin akong walang girlfriend.

“And kapag ganyan, ang ano ko… kapag approved sa parents din. Kapag nagustuhan nila. At saka marunong makisama sa parents ko.

“Ako rin, gano’n din naman ako sa kanya. Kailangan okay din sa family niya.

“And we’ve been friends din nga bago naging kami. So… masaya lang.”

INDIE FILM. Happy sa kanyang lovelife. Okey din ang takbo ng kanyang career. Bukod sa Sunday All Stars, regular siyang napapanood sa Mundo Mo’y Akin, Vampire Ang Daddy Ko at Bubble Gang.

“Napakasuwerte po ako na nagsabay-sabay yung mga shows ko. So… happy po ako na may trabaho ako mula Lunes hanggang Linggo,” pagpapasalamat niya.

May indie film din daw siyang ginagawa sa ngayon. At kasama rin si Yassi rito.

“Patapos na po siya. Pero most likely, sa summer next year siya mailalabas.

“Ito po yung Kaleidoscope na tribute kay Francis Magalona. It’s a dance movie po.

“Kasama rin po dito yung mga dancers na lumaban sa States. Isa rin sila sa mga bida rito,” detalye pa niya.

Hindi kasali ang anak ni Francis M na si Elmo Magalona?

“May mga scenes po na makikita siya.

“Hindi pa po ako makapabigay ng maraming detalye about this movie. Siguro po kapag natapos na naming i-shoot, marami na akong maikukuwento sa inyo tungkol dito,” panghuling nasabi ni Sef.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN