Mark Herras starts recovery from breakup with Ynna Asistio

Bumalik na ang sigla ni Mark Herras sa pagtatrabaho matapos ang breakup nila ng kanyang girlfriend na si Ynna Asistio. Sa ngayon daw ay gusto munang ituon ni Mark ang kanyang pansin sa trabaho para maiwasan ang labis na pag-iisip.


Maaliwalas na ang mukha ni Mark Herras nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, August 11.

Malayo ito noong mga nakaraang linggo na halatang malungkot at matamlay siya.

"Two weeks lang naman akong nawala," sabi ni Mark nang kumustahin namin siya.

Dagdag niya, “Now, I’m back to dancing and feeling healthy na ako.

"Nagpahinga lang ako kasi sumabay din na nagkasugat ako sa lower shin ko, so hindi talaga ako makasayaw.

"Yun ang main reason ko—hindi ako makalakad nang tama."



DEPRESSION? Bago ang kanyang pagbabalik sa SAS, may usap-usapang bumalik na naman diumano ang pagiging unprofessional niya dahil hindi siya sumisipot sa rehearsals ng kanilang grupo.

Ayon pa sa reports, masyado raw kasing naapektuhan si Mark sa naging breakup nila ng kasintahang si Ynna Asistio.

Naikabit ang pansamantalang pagkawala ni Mark sa SAS dahil sa diumano’y depression niya.

Pero marami naman sa kanyang mga katrabaho ang nagsasabing panahon lang ang kailangan niya para harapin nang maayos ang kanyang problemang emosyonal.

Saad naman ng young actor tungkol dito, "Una, nagpapasalamat ako sa mga kasama ko dito sa SAS, sa supporters ko, at sa fans.

"I’m happy na naintindihan naman nila ang situation ko.

“Lahat naman ng tao ay nagkakaroon ng personal problem. Hindi naman ako yung na-depress tulad ng pinalalabas ng iba.

“May mga bagay lang akong inayos sa sarili ko. Siyempre, kung ano man yun, sa akin na lang yun.

"But now, okay ako. Okay na ako."

Nakapag-move on na ba siya totally sa pinagdaanan niya?

Sagot ni Mark, "Basta ako ngayon, nagbalik ako sa trabaho. Mas nagpu-focus ako sa trabaho ko.

"Ayoko naman kasi na ma-disappoint naman sa akin ang network [GMA 7].

"Basta sinabi ko lang sa sarili ko—and that’s for the record—na I’ll be more professional with my work and at the same time ay mas gagalingan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa lahat ng gagawin ko, kung may projects pang darating, at hindi lang dito sa SAS, ibinubuhos ko na talaga ang oras dito.

"Malaking tulong na busy ako para wala na akong iniisip na kung anu-ano ako. Basta happy na ako."

Ito naman ang pahayag ng tinaguriang “Bad Boy of the Dance Floor” sa mga nang-intriga sa kanya:

"Basta ako, hindi ko na sila papansinin.

“Kung ano ang mga sinabi nila o meron pa silang sinasabi, wala na yun sa akin.

"Hindi naman maiwasan yun at parang kinasanayan ko rin. Parang hindi ako tinatablan.

"Ang sa akin ngayon, kung anong trabaho ang ibigay sa akin ng network ay sana magawa ko nang tama.

"Sana matuwa sila sa mga gagawin ko pa sa acting, dancing, at siguro sa hosting na rin.

"Trabaho lang talaga ako ngayon, yun ang pinaka-goal ko ngayon."



NEW RELATIONSHIP. Open na ba siya ngayon for a new relationship?

"Maybe yes, maybe not yet," sagot ng Kapuso actor.

"We’ll see. Parang ano... wala pa talaga siguro sa isip ko ngayon.

"Hindi naman madali yung pinagdaanan ko. Ayaw mo munang isipin na bagong ano na naman... mabigat, e."

O baka binibigyan pa rin niya ng puwang ang posibilidad na magkabalikan sila ni Ynna?

"Puwedeng oo, puwedeng hindi na.

“Hindi kasi natin masabi kung ano ang kapalaran, e. Hindi natin alam."

May tuldok na ba talaga ang relasyon nilang dalawa?

"Tingnan natin,” sambit niya.



GRATEFUL TO GMA-7. Dahil humiling na si Mark na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa nakaraan nila ni Ynna, inalam na lang namin ang damdamin niya sa paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5.

Pahayag niya, "Unang-una kasi, si Kuya Ogie ay naging mentor ’yan sa aming lahat.

"Ang pinakagusto ko kay Kuya Ogie ay yung kakulitan niya.

"Iba ang presence niya during rehearsals na tumutuluy-tuloy sa live shows. Gumagaan lahat sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ipinaramdam niya sa amin kung gaano kahalaga itong show na ito na kasama kaming lahat.

"Masarap ang pakiramdam na kaming lahat ay naging bahagi ng buhay niya at alam naming tini-treasure niya rin yun tulad din namin."

Paano kung imbitahan din siya ni Ogie sa TV5, papayag ba siya?

"Hindi ko po alam kung gagawin niya yun!" natatawang sagot ni Mark.

"I don’t know. I don’t know.

"Iba pa rin na dito ako sa GMA kasi dito ako nagsimula—sa StarStruck, di ba?

“Sobra ang utang na loob ko sa GMA.

“Sabi ko talaga na, if ever… if ever na lilipat talaga ako sa iba, yun ay kung nararamdaman ko na hindi na ako inaalagaan ng network.

"Ramdam ko naman kasi na alagang-alaga ako at sana kahit hanggang ako ay tumanda."

Sa pagiging pasaway raw niya, masuwerte pa rin siya na hindi siya binibitawan ng Kapuso network.

"Yun, yun ang nakakatuwa.

"Alam ko naman ang mga naging pagkukulang ko in the past kaya nga inaayos ko na ngayon.

"Alam ko naman na may hangganan din ang pag-intindi nila sa akin kaya hangga’t nasa akin pa ang pagkakataon na i-prove na matino ako, ginagawa ko na.

"Sabi ko nga, lahat naman tayo ay dumadaan talaga sa problema."

Natakot ba siya na baka mawalan ng career?

Pag-amin ni Mark, "May ganoon. May feeling na baka kapag hindi ako nag-focus sa work ko e magkaroon ng problema.

"May mga ganoong nangyari sa ibang artista, pero ang difference ko nga lang, inagapan ko talaga.

"Siyempre, marami pa rin akong gustong gawin, may mga pangarap pa at ayaw kong mawala yun na ganoon na lang.

"Malaki rin ang pinaghirapan at ipinuhunan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN