Tuesday Vargas surprised by JC de Vera’s transfer to ABS-CBN

Tuesday Vargas on Talentadong Pinoy’s last season: “Natural lang na malungkot ako at ang ibang kasama namin sa show kasi sobra ang pagmamahal at dedikasyon namin sa Talentadong Pinoy. Itong show na ito ang nagbukas ng pintuan para sa mga kakaibang talent ng mga Pinoy dito at sa ibang bansa. Marami na ang gumaya sa Talentadong Pinoy pero iba pa rin ang original, di ba?"


Sa Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy Worldwide sa August 18, hindi mapigilan ng komedyante na si Tuesday Vargas na malungkot dahil ito na ang pinakahuling season ng reality-talent show ng TV5.

Naging malaking bahagi si Tuesday ng Talentadong Pinoy nang kunin siyang guest judge hanggang sa maging regular na siya sa show. Kaya sobra ang pagmamahal niya sa show na ito na malapit na ngang magtapos.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via direct messaging sa Twitter, “Nagulat din po ako sa mga balita regarding Talentadong Pinoy.

“Akala ko kasi before, tsimis lang kasi tuluy-tuloy naman po ang trabaho namin sa show.

“Until sinabi nga sa amin na ito na ang huling season namin. Mawawala na ang show.

“Natural lang na malungkot ako at ang ibang kasama namin sa show kasi sobra ang pagmamahal at dedikasyon namin sa Talentadong Pinoy.

“Itong show na ito ang nagbukas ng pintuan para sa mga kakaibang talent ng mga Pinoy dito at sa ibang bansa.

“Marami na ang gumaya sa Talentadong Pinoy pero iba pa rin ang original, di ba?

“Ang main goal naman talaga ng show na ito ay ang makapagbigay kami ng malaking tulong sa ating mga kababayan para maipagyaman pa nila ang kanilang mumunting talent.”

Patuloy niya, “Habang lumalaki ang Talentadong Pinoy, mas marami kaming natulungan na mga tao. Marami kaming mga natupad na mga pangarap.

“Yung mga istorya nila ang mami-miss namin dahil nakakapagbigay sila ng inspirasyon sa maraming tao—bata man o matanda.

“Pero alam naman po natin na may nawawala at dumadating na trabaho.

“Masaya na po ako at sa panahong namayagpag ang Talentadong Pinoy sa ere ay naging bahagi ako nito.

“Kaya bilang huling pagsuporta ninyo sa Talentadong Pinoy, panoorin ninyo ang grand finals sa August 18 sa Cuneta Astrodome.

“Alamin kung sino kina Sor, Laserman, Rina Forbes, Larvae, Spyro Marco, Noctunal, at Haina Udin ang mananalong Ulitmate Talentado.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JC DE VERA’S TRANSFER. Isa pa sa ikinalungkot ni Tuesday ay ang paglipat ni JC de Vera sa ABS-CBN.

Matagal nakatrabaho ni Tuesday si JC sa gag show ng TV5 na Lokomoko kaya mami-miss daw niya ito.

“Mami-miss ko talaga kay JC ay ang malalaking braso niya at ang maskuladong dibdib niya!

“Wala kaming alam sa buong cast na may balak na pala siyang iwan kami sa show.

“Kasi noong anniversary pa ng Lokomoko, nandoon naman siya at ang saya-saya niya.

“May mga naririnig na rin ako na may mga iniinda siyang problema, pero siyempre hindi naman ako nagtatanong dahil personal na ni JC iyon.

“Wala naman akong masasabing masama sa taong ‘yan. Mabait at napakasipag sa trabaho.

“Tsaka never siyang naging pasaway or naging problema sa taping namin.

“Kung ang paglipat ang naging desisyon niya, wala naman kaming magagawa. I wish him all the best.

"Kung ang paglipat sa ibang network ang magpapasaya sa kanya, he has my support.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN