Michael V. confirms doing game show on TV5 but will remain a Kapuso

“Hindi naman susunod na ’susunod.’ I’m going to do a show with TV5, it’s going to be a game show. I think that’s just about it. That’s all I can say about that. Hindi naman tuldok kaagad ‘yon, na aalis kaagad ako,” says Michael V. when asked if he will follow former Bubble Gang co-star Ogie Alcasid to TV5.


Inamin ng Kapuso comedian na si Michael V. na nakakatanggap din siya ng offers mula sa ABS-CBN at TV5.

Pero hindi gaya ng kanyang dating kasamahan sa Bubble Gang na si Ogie Alcasid, hindi pa raw nakikita ng comedy actor ang sarili na iiwanan ang Kapuso network, na tahanan na niya sa loob ng 18 taon.

“Mayroon namang offer na ganun talaga, not just from TV5, kahit sa ABS-CBN. Pero I don’t see myself na iwanan yung sinimulan ko this early,” sabi ni Michael V. sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos niyang pumirma ng panibagong kontrata sa Rebisco noong Sabado, August 10.

Sa ngayon, ani Michael V. o mas kilala sa tawag na Bitoy, masaya pa siya sa nagiging resulta ng kanyang dalawang major TV shows sa GMA-7—ang Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Sabi niya, “Unang-una, yung Bubble Gang, matagal na, walang biro ‘yon. So, as much as I can sustain that, gagawin ko.

“Pangalawa, yung Pepito Manaloto, toprater ng GMA-7, parang malaking kalokohan yung bitawan ‘yon.

“In due time siguro, kapag nagkaubusan na or there’s a concept a lot better than that, I might take a risk—might.

“Pero at this point, definitely not.”



GAME SHOW ON TV5. Sa kabila ng kanyang pahayag, hindi naman itinanggi ng actor-impersonator na magkakaroon siya ng programa sa TV5.

Pero agad naman niyang nilinaw na hindi ibig sabihin nito ay lilipat na siya sa ibang network.

Aniya, “I’m going to do a show with TV5, it’s going to be a game show.

"I think that’s just about it. That’s all I can say about that.

“Hindi naman tuldok kaagad ‘yon, na aalis kaagad ako.”

Dagdag pa niya, ginagawa na rin naman daw ito ng iba pang kilalang artista.

“As I was saying, ginagawa naman nina Vic Sotto and Joey de Leon ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko lang yung opportunity to do a show. At saka ma-fulfill yung obligation ko sa mga kakilala ko doon, like si Ms. Wilma [Galvante], dati si Mr. Bobby Barreiro.

“Dati napag-usapan din ng wife ko at saka staff ni MVP [TV5 Chairman Manny V. Pangilinan] yung possibility.

“Tinutupad lang namin yung salita namin.”

Ayon pa kay Bitoy, kung gugustuhin, kaya naman ng mga artista ng isang network na makapagtrabaho rin sa ibang network.

“I think it all boils down to how you handle yourself.

“Kapag palagi namang maganda ang ginagawa mo, palaging naghi-hit, you always do your best shot, at naa-appreciate at nakikita ‘yon ng network, I don’t think they mind having you in their home na hindi naka-exclusive.

“As long as may project na ipagagawa sa ’yo at gagawin mo lang nang tama at maganda.”



BUBBLE GANG MUST GO ON. Samantala, kahit wala na si Ogie sa longest-running gag show na Bubble Gang, patuloy pa rin ang cast ng show sa paggawa ng gags para sa kanilang avid viewers.

Aminado si Bitoy na nami-miss ng grupo si Ogie, pero aniya, “[We’re] moving on, ganun naman kami, e."

Dagdag pa niya, “There are times din naman na hindi nakaka-attend is Ogie because he has to leave every year.

“So, we know how to handle things kapag wala siya and ganun din kapag wala ako.”

Sa kanyang matagal na paglagi sa Bubble Gang, nagampanan Ogie ang ilang karakter na talagang nakilala sa publiko. Ilan dito ay sina Boy Pick-up, Angelina ng “Yaya and Angelina,” at CheChe ng “CheChe Bureche.”

Nang tanungin ng PEP kung ano na ang mangyayari sa mga ito, sagot ni Bitoy, “Pahinga muna. We will draw inspiration from those but we will not necessarily copy or recreate.”

Pinabulaanan din ni Michael V. ang mga naging bali-balita noon na mawawala na sa ere ang Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No truth to that,” nakangiting sabi niya.

“Parang kaya nga kami kumukuha ng bagong recuits to further prolong the life of Bubble Gang. As it is, matanda na talaga ang show, 18 years.

“In hindsight, parang, puwede pa, e.

"Anong reason para baguhin yung nakagawian nang matino at saka maganda naman, at nakakatulong naman sa network?

“At this point, ang state of mind ko is huwag muna, nakakatulong naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN