Rodjun Cruz’s appearance on My Husband’s Lover extended

Rodjun Cruz on intimate scenes with Dennis Trillo: "Siyempre sa una ay maiilang ka kasi sanay ka na ang ka-partner mo ay babae. Pero sobrang... tutulungan na rin ako ni Dennis kasi kapag nag-roll na ang camera, sobrang in character na siya at very professional pa. Nakakahiya naman kung ako mag-iinarte pa ako at hindi maging professional. Gusto ko rin naman ipakita na artist din ako na kayang tanggapin ang pagbabagong ito."


Hindi maitago ni Rodjun Cruz ang kanyang katuwaan sa reaksiyon ng mga manonood sa kanyang papel sa GMA-7 primetime series na My Husband’s Lover.

Gumaganap siya rito bilang lover ng karakter ni Dennis Trillo.

Pahayag ni Rodjun, "Sobrang thankful ako na napasama ako sa My Husband’s Lover.

"Wala akong Twitter account, pero marami ang nagbabalita sa akin sa magagandang tweets.

“Tapos sa Instagram ko, marami ang nagku-comment na very positive.

"Masaya ako kasi naiku-contribute din ako sa show at marami ang nag-aabang sa akin."

Dagdag pa sa kasiyahan ni Rodjun ay ang pag-extend sa role niya sa teleserye.

"Actually nagulat nga ako dahil ang alam ko, e, parang appearance lang yun, e.

"Nagulat ako na sa unang labas ko pa lang ay marami kaagad ang nag-comment at nag-react kaya naibalik ako dun, na mas humaba pa ang istorya ko.

"Habang nagte-taping kami, hindi ko alam kung gaano kahaba ang character ko dun.

"Nakakataba ng puso kasi ang tagal kong hindi lumabas sa telebisyon tapos paglabas ko ay nandun pa rin ang mga taong sumusuporta sa akin.

"Tapos nadadagdagan pa ang sumusuporta sa akin dahil nagagawa ko naman nang tama ang role ko at ang dami pang nakakapansin sa talent ko."

Nakausap ng PEP. ph (Phlippine Entertainment Portal) si Rodjun sa GMA Studios kahapon, August 11.



ACTING SHOWDOWN. Ayon sa ilang regular viewers ng My Husband’s Lover, sumasabay raw si Rodjun, hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa popularidad ngayon ng mga bida ng teleserye na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Kumbaga, malakas na rin ang hatak niya sa mga manonood.

Reaksiyon ni Rodjun dito, "Oo nga, e. Kasi sobrang lakas ng My Husband’s Lover.

"Hindi ko naman ini-expect na sobrang ganun ang pag-welcome sa akin ng mga tao.

"Sobrang happy ako dahil sila [Dennis at Tom], sa start pa lang ng show ay nandoon na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ako, ang gusto ko lang naman ay mai-share ang talent ko. At para makatulong na rin ako sa show.

“Kasi, di ba, may pressure na rin sa kanila na dapat laging magaling sila, di ba?

"Na dapat ay may bagong nakikita kasi number one show nga ito. Kaya malaking challenge ito sa kanila na mga nauna sa show."

Malaki rin ang pasasalamat ni Rodjun sa lead stars ng My Husband’s Lover dahil magaan daw silang mga katrabaho.

"Very professional kasi sila and ano... family kami sa set.

"Siguro kaya maganda rin ang kinalalabasan ng show kasi masaya lahat sa set.

“So, parang sa akin, good vibes ito.

"Lahat ng mga artista dito, ini-enjoy talaga ang bawat araw ng taping.

“Para bang wala ka nang gustong hintayin kundi ang araw na magsasama-sama ulit kayo."



“AFFAIR” WITH DENNIS. Dahil lumalawak na ang ang character niya sa My Husband’s Lover, inalam ng PEP kay Rodjun kung ano pa ang aasahan ng mga manonood sa storyline nila ni Dennis.

Magkakaroon ba sila ng mas marami pang intimate scenes sa mga susunod na episodes?

Sagot ni Rodjun, “Yun ang mga dapat abangan ng viewers.

"Siyempre, kung maganda naman ang storyline at okay sa lahat, professional naman ako as an artist.

"Gusto rin ipakita ang versatility ko."

Naiilang ba siya na kapwa lalaki ang kasama niya sa mga ganitong klaseng eksena?

Pag-amin ni Rodjun, "Siyempre sa una ay maiilang ka kasi sanay ka na ang ka-partner mo ay babae.

"Pero sobrang... tutulungan na rin ako ni Dennis kasi kapag nag-roll na ang camera, sobrang in character na siya at very professional pa.

"Nakakahiya naman kung ako mag-iinarte pa ako at hindi maging professional.

"Gusto ko rin naman ipakita na artist din ako na kayang tanggapin ang pagbabagong ito."



SAME-SEX RELATIONSHIP. Ano ang views niya sa ganitong kakaibang relasyon o pag-iibigan ng kapwa lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng 25-year-old actor, "Siyempre, lumaki naman ako dito sa industriyang ito.

"Hindi naman ako nalalayo sa mga nakikita ng iba na meron talagang nag-e-exist na ganitong relasyon.

"Sa industriya natin, marami talagang gays at mga nirerespeto natin.

"Sa akin naman kasi, lahat naman ng tao ay may karapatang umibig, di ba? Puwedeng umibig sa kahit sino, di ba?

"Huwag natin silang i-judge kasi ang mahalaga ay ipakita nila kung sino sila, huwag ikahiya, at basta maayos ang pagsasama nila.

"Ang iba nga ay mas maayos ang relasyon nila kaysa sa tunay na babae at lalaki, di ba?”

Isa si Rodjun sa masasabing "most desirable actors" dahil sa magagandang pangangatawan niya bukod pa sa guwapo siya.

Ano ang nagiging reaksiyon niya sa gays na nagkakaroon ng interes sa kanya—pisikal man ito o higit pa?

Sagot niya, “Ako, natutuwa ako kasi ini-admire nila ako, natutuwa sila sa akin at ina-appreciate nila ako.

"Yun siyempre, puwede akong maging malapit sa gays at marami din naman akong kaibigang gays, pero wala namang nag-attempt.

"Wala pa namang nambastos sa akin kaya mataas ang tingin ko sa kanila.

"Kung sakali mang mangyari yun, siguro kakausapin ko na lang na huwag na naman sana.”



DIANE MEDINA. Kinumusta rin ng PEP kay Rodjun ang relasyon nila ng longtime girlfriend niyang si Diane Medina.

"Okay naman, okay naman," nangingiting sagot niya.

"Ayun, six years na rin kami at going strong pa rin talaga.

"Yun ang maganda sa amin kasi give and take ang relationship namin. Support lang talaga kami sa isa’t isa.

"Kung ano ang gusto naming gawin, pinag-uusapan talaga namin kahit halimbawa nagkakatampuhan kami… huwag na talagang palakihin."

Sunud-sunod ngayon ang balita tungkol sa pagbi-break ng showbiz couples; gaya nina Billy Crawford at Nikki Gil at nina Mark Herras at Ynna Asistio.

Ano ang masasabi ni Rodjun dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung mahal ninyo talaga ang isa’t isa, tatagal talaga kayo.

"Kung hindi kayo para sa isa’t isa, mangyayari talaga ang hiwalayan.

"May kanya-kanya naman silang reason kung bakit nagkakahiwalay, e. Hindi ko na alam yun… sa kanila na yun.

"Nasa inyo naman kasi yun.

“Kami naman ni Diane, hindi ko rin alam kung talagang kami na. Hindi ko muna ’yan iniisip.

"Pareho pa naman kaming bata kaya focus lang muna sa work. Pinag-usapan na namin ’yan.

"Pero siyempre, if ever man, si Diane na ang gusto kong makatuluyan.

“Ang hirap kasi yung pabagu-bago. Ang hirap yung magsisimula uli,” saad niya.



BROTHER RAYVER. Tungkol naman sa kapatid niyang si Rayver Cruz, ano ang sinabi nito ngayong nasa bakuran na siya ng GMA-7?

Sabi ni Rodjun, "Natutuwa naman siya for me. Kasi sa amin naman, kung saan may work, siyempre doon kami.

"Nagsusuportahan din kami. Mula pagkabata ay magkasama na kaming dalawa na nag-artista, so masaya kami para sa isa’t isa.

"Minsan nga, naitanong sa akin kung naiinggit daw ako kay Rayver na mas maraming work kaysa sa akin.

“Ang sagot ko, ‘Hindi.’

"Ba’t naman ako maiinggit, e, kapatid ko yun?

“Kung ano namang blessings meron siya, isini-share naman niya sa family namin, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN