Marian Rivera on being the "queen" of GMA-7: "Hindi ko naman ito hiningi... ibinigay naman nila sa akin yun."

Nagpahayag ng kanyang damdamin si Marian Rivera sa usap-usapang may ilan daw matutuwa kapag nagkataong umalis siya sa GMA-7 dahil maililipat na ang trono niya bilang "reyna" ng GMA-7. Sabi ni Marian, “Nakakalungkot lang isipin na kung ganyan nga yung pag-iisip ng ibang kapwa ko artista na, ‘Ay, pag nawala si Marian, ako na yung sisikat, ako na yung…’Ang pangit. Di ba, dapat ano lang, mas maganda kasi na nakikipagkumpitensiya ka, fine,


Tumanggi si Marian Rivera na sabihin kung ilang porsiyento ang itinaas ng kanyang talent fee sa bago niyang kontrata sa GMA-7.

Tinawag pa nga ng aktres ang tumatayong manager niya ngayon na si Rams David ng Triple A Management upang siyang sumagot sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tumawa lang si Rams at tumanggi ring sabihin kung magkano na ang halaga ng tatlong taong kontrata ni Marian ngayon.

Biro na lang niya, “Tumataas ang presyo ng galunggong, di ba?”

Natatawang susog naman ni Marian, “Ang mahal-mahal nga ng galunggong, e! Alam mo na!”

Balik-tanong naman ng PEP sa aktres: Kumakain ba siya ng galunggong?

“Oo naman, favorite ko yun, ‘no! Sa Sentro, alam na alam ko, di ba?” bulalas niya.

Nakausap ng PEP si Marian sa contract signing niya sa GMA-7 noong Sabado, August 11, na ginanap sa Manila Golf Club sa Forbes Park, Makati City.



DINNER WITH MVP. Ngayong isa pa rin siyang Kapuso, ano na ang nangyari sa naganap na dinner date niya sa TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan. Sinabi niya ba rito na pipirma na siya ulit sa GMA-7?

Saad ni Marian, “Ay, walang ganun!

“Alam mo yung ginawa nila sa aking pag-invite e friendly date lang na parang getting to know each other.

“Kasi hindi lang naman because of Channel 5, kasi madami silang hawak.”

Isa sa mga iniendorso ni Marian ay ang Talk ‘N Text, na isa produktong nasa ilalim ng pamamahala ni MVP.

Speaking of endorsements, sa bago ba niyang kontrata sa GMA-7 at sa Triple A ay makakaasa ang kanyang fans na dadami na ang billboards niya sa EDSA?

Sagot ni Marian, “Well, ganito na lang ang sabihin natin, huwag na more on billboards—maraming projects…

“Hindi naman sobrang dami, pero unti-unti, parang dumadami na uli sila.

“At excited kami, lalo na patapos ng year na ito, marami kaming gagawin... lalo na next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sunud-sunod kami.”

Kung siya ang masusunod o papiliin ng Kapuso network, ano ang gusto niyang gawing project?

“Marami silang gustong ilatag sa akin, pero ang maganda niyan, ako ang magde-decide ano ang gusto kong gawin,” sabi niya.

Ano nga ba ang gusto niya?

“Depende, kasi medyo yung soap ko yata, medyo mabigat at mahirap siya at hindi instant, so kailangan paghandaan talaga.”

Ilalatag daw kay Marian ang mga plano para sa kanya pag-uwi niya galing sa Bali, Indonesia kung saan nagdiriwang ang aktres ng kanyang birthday kasama ang kasintahang si Dingdong Dantes.

Sabi pa ng Kapuso Primetime Queen, “Kasi mahirap din na, ‘A, gusto ko ganito!’ yun pala may maganda silang balak para sa akin.

“So, papakinggan ko muna sila.

“Ngayon, pag feeling ko e tagilid, e, di gawa tayo. E, di isip kami ng team namin kung ano’ng maganda.”

Ano ang gusto niyang genre—drama, action, comedy o fantasy?

“Hindi ko alam, e. Wala talaga akong idea.

“Kahit ano, ang importante sa akin, kung ano ang magandang projects na nakalatag sa akin.”



STILL A KAPUSO. Paano ilalarawan ni Marian ang damdamin niya habang pumipirma muli ng kontrata sa GMA-7?

Saad niya, “Masaya ako kasi lahat ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko e may mga iba na hindi pinaplano pero kusang dumadating.

“At napaka-blessed at napaka-light, e. Ang sarap, e!

“Siguro ganun talaga kapag positive ang outlook mo sa buhay at alam mo na nababahaginan mo yung mga tao ng kasiyahan mo at nae-extend mo ‘yan.

“Siguro ganyan yung babalik at babalik sa iyo ang mga blessings talaga.”



THE REAL QUEEN. Sa panahon na hindi pa siya pumipirma ng bagong kontrata sa GMA-7, umikot ang bulung-bulungan na kapag umalis si Marian ay si Carla Abellana ang papalit sa trono niya bilang Primetime Queen.

Ito ay dahil sa tagumpay ng pinagbibidahang teleserye ni Carla, ang My Husband’s Lover, at sa mga papuring natatanggap nito sa kanyang pagganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Marian dito?

“Nagsalita naman si Atty. Gozon kanina kung ano ako sa kanila so…” sagot ng aktres bilang pagtukoy sa sinabi ni Atty. Felipe L. Gozon na si Marian ang “reyna” ng GMA-7.

Patuloy ni Marian, “At masaya ako para kay Carla kung nangyayari ‘yan sa buhay niya.

“Kasi sa GMA, hindi naman kami magkakalaban, e.

“Dapat nagtutulungan kami dahil kokonti na nga lang kaming artista, ganito pa yung nangyayari.

“So, happy ako para sa kanya. At least dumadami kami.”

Pero siya pa rin ang reyna?

“Ay, nasagot na ni Atty. Gozon yun, so iyon na lang,” iwas na ni Marian.

Dagdag niya, “Dapat nga sa isang station, dapat pare-parehas nagkakasundo at pare-parehas bini-build up ang kapwa artista. Tulungan!

“Kung masaya akong nagre-rate yung show ng GMA na wala ka dun, dapat maging happy ka kasi part ka ng network, e.”

NOT COMPETING WITH ANYONE. Pero hindi maiiwasan na isipin ng ilan na kung nagkataong umalis siya sa GMA-7, may mga matutuwa dahil mababakante ang puwesto ng pagiging “reyna.”

“Ay, ganun? Naku, nakakalungkot naman kung ganyan yung iisipin nila!” natawang reaksiyon si Marian.

Kung siya ang tatanungin, kanino niya ibibigay ang trono kung sakali?

“Wala!” at tumawa muli si Marian.

“Wala. Kasi alam mo, ‘yang pagiging Primetime Queen, iyan, pag sinasabi nila, ‘Ay, ikaw ang reyna ng GMA,’ thank you.

“Pero itong mga description na ito na ibinigay sa akin ng GMA, hindi ko naman ito hiningi na, ‘Atty. Gozon, ibigay n’yo po sa akin ‘yan!’

“Hindi ko naman… ibinigay naman nila sa akin yun.

“Nakakalungkot lang isipin na kung ganyan nga yung pag-iisip ng ibang kapwa ko artista na, ‘Ay, pag nawala si Marian, ako na yung sisikat, ako na yung…’Ang pangit.

"Di ba, dapat ano lang, mas maganda kasi na nakikipagkumpitensiya ka, fine, pero in a healthy way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman yung para maiangat mo yung sarili mo, kailangan mong manira ng kapwa mo... parang ang pangit.

“Maging happy ka lang, just be yourself, mahalin mo yung trabaho mo.

“Mas masaya yun kesa naman pilit mong hinahatak lahat ng pababa para umangat ako.”

Kumbaga, kanya-kanyang trono?

“Hindi naman trono, siguro mahalin mo lang yung trabaho mo, kasi nakikita naman ng tao kung ano ka sa kanila, lalo na kapag umaarte ka, o ano ka ba sa totoong buhay.

“Iyon na lang. E, ako naman, hindi naman ako nakikipagkumpitensiya kahit kanino.

“Basta ako, masaya ako may trabaho ako, may nakikilala ako.”

At marami siyang pera, biro pa namin kay Marian.

Sabi naman niya, “Kung ano yung kinikita ko sa ginagawa kong trabaho, kasi minamahal ko siya, e, nae-extend ko yun sa family ko.

“Nakapag-outing kami, nabibili ko lahat ng gusto nila.

“At the same time, sa sarili ko, nakakapag-invest ako, nakakapag-ipon ako, nakakain ko lahat ng gusto kong kainin, at napupuntahan ko ang gusto kong puntahan.

“Iyon ang importante sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN