Kim Chiu happy about box-office success of first movie with Xian Lim

Labis daw ikinatutuwa ni Kim Chiu ang pagsasagawa ng block screening ng fans nila ni Xian Lim para sa unang pagtatambal nila sa pelikula. Saad ng young actress, “Sobra akong natutuwa kasi siyempre hindi naman lahat nagkakaroon ng ganyang chance. Hindi naman lahat nabibigyan ng chance na suportahan nang sobra-sobra ng mga fans kaya sobra akong grateful. Pinapanood ko talaga mula sa simula hanggang sa matapos, sabay-sabay kaming nanonood.”


Ikinatutuwa ni Kim Chiu ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa launching movie ng loveteam nila ni Xian Lim na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo.

Ayon sa Star Cinema, lagpas na sa P100 million ang kinita ng pelikula pagkatapos ng tatlong linggo mula nang magbukas ito sa mga sinehan.

Kuwento ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kahapon, August 11, “Isang magandang balita ang bumungad sa akin kaninang umaga bago ako pumunta ng ASAP.

“Yun nga raw, naka-100 million na yung movie namin. Nakakatuwa, nakakaiyak, ang saya-saya!

“Hindi ko alam, e, kasi ang ano ko dito, sabi ko, ibang pelikula ito, ibibigay ko na ang lahat.

“Kung napansin ninyo wala na akong itinira sa self ko, parang ibinuhos ko na ang lahat.

“Kahit ano ang sabihin ni Direk [Joyce Bernal], ‘Sige, gagawin ko para sa movie na ito.’

“So ayun, masaya kasi nag-pay off naman siya.”

Natutuwa rin si Kim dahil nag-o-organize pa ang fans nila ni Xian ng mga block screening, na dinaluhan naman halos lahat ng aktres.

Sabi ng Kapamilya star, “Oo, nakaka-fifteen na ako, tatlo pa.

“Sobra akong natutuwa kasi siyempre hindi naman lahat nagkakaroon ng ganyang chance.

“Hindi naman lahat nabibigyan ng chance na suportahan nang sobra-sobra ng mga fans kaya sobra akong grateful.

“Pinapanood ko talaga mula sa simula hanggang sa matapos, sabay-sabay kaming nanonood.”



KIM’S POWER. Sa isang hiwalay na panayam kay Direk Joyce Bernal, sinabi nito na si Kim talaga ang nagdala ng pelikula dahil hindi ito nagdalawang-isip kahit papangitin siya nang husto para sa karakter niya.

Ipinagpapasalamat naman ni Kim ang pagiging tapat ng direktor kapag may hindi ito nagustuhan sa acting niya.

“Kasi hinahayaan ako ni Direk, e, ‘Bahala ka, ganyan.’

“Pag ayaw niya naman, sasabihin niya sa iyo. ‘Bahala ka kung sa pakiramdam mo nakakatawa ka, e, di sige.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag hindi naman, sasabihin niya na, ‘Hindi ka nakakatawa, ulitin natin.’

“Ako naman, mas gusto ko yung ganun para alam ko kung ano ang mali ko.”



KIM AND SARAH. Marami naman ang natuwa nang magpalitan ng tweets sina Kim at Sarah Gernomo.

Naunang batiin ng Pop Princess si Kim dahil sa tagumpay ng pelikula at nag-promote pa ito sa Popsters (tawag sa fans ni Sarah) na sana ay suportahan ang pelikula ni Kim.

Labis naman itong ipinagpapasalamat ni Kim.

Aniya, “Yeah, nag-tweet siya na panoorin yung movie.

“Natutuwa din ako kasi ang dami ring artista na nagpa-plug sa mga Twitter nila, tina-tag sa akin. Ayun, nakaka-touch.

“Sobra akong thankful. Sinasabihan nila yung mga fans nila. Masaya naman, masarap sa pakiramdam."

Diin pa ni Kim, “Wala naman kaming ano ni Sarah kahit kailan, e.”

Bagamat hindi raw constant ang communication nila ni Sarah, bukas naman daw si Kim na maging magkaibigan silang dalawa.



EXCLUSIVE FOR EACH OTHER. Sa nakaraang guest appearance nina Kim at Xian sa Kris TV ay umamin sila na “exclusively” ang anumang namamagitan sa kanilang dalawa.

Sa kabila nito ay consistent pa rin ang young actress sa pagsasabing matalik na kaibigan lang niya si Xian ngunit hindi siya nagsasara ng pinto dito.

“Oo puwede na, puwede naman siguro. Wala naman kaming ibang kinikitang ibang lalake, ibang babae.

“Hindi naman ako nagko-close ng doors.

“Siguro parang best friend ko na siya, bago kong best friend. Yun lagi kong nakakausap.

"Naiintindihan niya kasi ako. Lahat ng sinasabi ko, nakikinig siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN