Heart Evangelista wants to keep details of reconciliation with her dad private

Heart Evangelista on Senator Chiz Escudero being the last man in her life: “Kung mangyari ay okay; kung hindi, hindi. Pero, di ba, pag mahal mo ang tao, you always want that he will be the person you want to be with the rest of your life, di ba? But there are no guarantees.”


Habang naghihintay si Heart Evangelista ng kanyang production number para sa Sunday All Stars kahapon, August 11, tinangka ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan siya ng mensahe kaugnay ng engagement ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales sa girlfriend nitong si Kim Jones.

Pero sabi ng actress-TV host, “No, excuse mo na ako diyan.

“Sorry, not for anything, di ba? Iba na lang ang pag-usapan natin,” pakiusap pa niya.



NETWORK TRANSFER. Mas pinili ni Heart na pag-usapan ang kalungkutang nararamdaman sa pag-alis ni Ogie Alcasid sa bakuran ng GMA-7 upang lumipat sa TV5.

Sabi niya, “It’s sad, it’s sad ‘coz we’re like a family.

“But you know, we’re always happy for people who have other plans sa buhay nila, kung anuman ang magpapasaya sa kanila.

“It’s work and, at the end of the day, it doesn’t stop there.”

Hindi naman bago kay Heart ang ganitong sitwasyon dahil mula sa bakuran ng ABS-CBN ay lumipat din siya sa Kapuso network noong 2008, at the time she felt na kailangan na talaga.

“That’s part of life… changes in life can be painful, nakakapanibago.

“There are no permanent things in life than change. Ganoon talaga ang buhay.

“Siguro... and I believe he has a practical reason why he decided, di ba?" sabi niya.

Dagdag pa ni Heart, “Sa akin naman, when I decided to move in dito sa GMA, it’s because I want some change, I want a new environment. I also need growth.

"And when I went to GMA, I was introduced to a lot of things na hindi ko pa nagagawa before.

“Swak sila kung ano ako ngayon—my character.

“Mahal ako ng GMA at happy naman ako. They took care of me.”

Malawak daw ang oportunidad na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network dahilan para masabi niyang kuntento siya sa takbo ng kanyang career sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, it’s very fulfilling,” nakangiting sambit ni Heart.

“I’m bound to do another soap in September.

“I’m also doing Ibilib and Startalk every Saturday, then Sunday All Stars.

“Once in a while, I do hosting sa Eat Bulaga!. So, punumpuno ang sked ko.

“Masaya ako.

“I’m only here for the very short time and you will always look back kung ano ang naibahagi ko sa tao.

“Fulifilling talaga na napu-put mo sa use yung time and talent mo.

“It’s nice. I can sleep well at night and at peace with myself.”



SENATOR CHIZ. Tungkol naman sa relasyon nila ni Senator Chiz Escuder, kung nanaisin daw ng tadhana ay mas gugustuhin ni Heart na ang pulitiko na ang maging huling lalaki sa kanyang buhay.

Sabi ng Kapuso star, “It’s something that I look forward to, but I got to the point of my life na it’s something that I don’t think of also.

“Usually, ganun, e. But I don’t really think of it now.

“I just think about what God will give me.

“Kung mangyari ay okay; kung hindi, hindi.

“Pero, di ba, pag mahal mo ang tao, you always want that he will be the person you want to be with the rest of your life, di ba?

“But there are no guarantees.”

Kaya nga raw natatawa siya kapag may nagsasabi sa kanya na magiging "politician’s wife" siya.

“Sila pa ang mas excited kaysa sa akin, e,” sabi ng 28-year-old actress.

“It’s funny pero we never know what life will bring.

“We need people for a reason or for a season or for a lifetime. So, we always pray for that.

“Let’s see what God will give me. Kumbaga, ni-lift up ko na ‘yan. Hindi ko na pinuproblema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes, may away din, pero it does not last for an hour.”



HEART’S DAD. Kinumpirma naman ni Heart sa PEP ang balitang maayos na ang relasyon niya sa kanyang ama na si Rey Ongpauco, na nakasamaan niya ng loob dahil sa pagkadisgusto ng kanyang mga magulang kay Senator Chiz.

Pero tumanggi na siyang magbigay ng detalye tungkol dito.

Paliwanag niya, “As much as I would like to… na ipagsigawan ko ‘yan, it’s something that I want to keep private about, you know.

“Kasi when you try to keep it public… when you do something for the world and you keep it public, they question your sincerity.

“Other people will question it so nakakadismaya lang.”

Pero hindi ba’t bilang public figure, ang ganitong magandang pangyayari sa buhay niya ay maaaring magbigay ng positibong impresyon sa kanya? Na ang magandang balita ay isang bagay ring deserved malaman ng mga tagahanga at sumusubaybay sa kanya bilang iniidolo nila?

Sabi ni Heart tungkol dito, “I understand that. Pero dumating ako sa point ng buhay ko na I don’t care na rin what other people will say.

“I don’t care if they say about this to me.

"What I care about is what I do in my life—how I treat people and it’s something I do to people.

“The decision I make to make a point, it’s not my… anymore.”

Ini-enjoy na lang daw niya ngayon ang kanyang total independence away from her usual shielded life.

Saad ni Heart, “Of course, it’s something that I’m enjoying now. I decide for myself, whatever I want.

“But I still keep the values my parents have taught me. Yun naman ang hindi mawawala sa akin.

“I enjoy my lovelife and my friends. Importante yun.

“It’s okay. I enjoy being independent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I build my character and confidence to make decisions and be able to accept the outcome—good or bad—and charge it to experience.

“It’s character-building for me.”

Sa pagiging busy nila pareho ni Senator Chiz sa kani-kanilang mundo, mabuti at hindi ito nagiging dahilan para magkalamat ang kanilang relasyon?

Sabi ni Heart, “Wala lang dapat expectations to begin with. We don’t expect anything in return.

“We give it ‘coz we love pero hindi talaga dapat maghintay ng kapalit.

“It’s really give and take. It’s needed to make a relationship work. “


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN