PEP EXCLUSIVE: Regine Velasquez will renew her contract with GMA-7

Nilinaw ni Regine Velasquez na hindi siya nairita sa mga Twitter users na nag-assume agad na susundan niya ang asawang si Ogie Alcasid sa TV5. Pahayag ng Asia’s Songbird, “Hindi naman ako naiirita. Pero ayaw ko lang na I’m being told what to do. Because… bakit? And I don’t like that. And I guess no one likes that. You’re being told what to do? Walang may gusto ng gano’n. Hindi naman ako naiirita. Actually, I’m


Tinapos na ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang mga espekulasyon tungkol sa pananatili o pagkalas niya bilang talent ng GMA-7.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa singer-actress sa dressing room nito sa GMA 7 Studios kahapon, August 11, kinumpirma na niyang magre-renew siya ng kontrata sa Kapuso network.

Patunay nga nito ang pagbabalik niya sa Sunday All Stars kahapon pagkatapos ng ilang linggong pagkawala rito.

“Yeah, magre-renew na ako uli. Hindi pa lang ako pumipirma,” sagot ni Regine sa tanong namin kung ano ang estado niya sa GMA-7 ngayong expiring na ang contract niya.

Napakunot-noon naman si Regine nang tanungin kung bakit tila hindi siya sigurado noong mga nakaraang buwan kung pipirma siya ulit o hindi na.

“Wala naman akong sinabi. Meron ba akong interview? Wala, e. Di ba, wala?” sabi pa niya.

Nagpaliwanag din siya sa hindi niya pagsagot noon sa mga pangungulit sa kanya ng media.

“Kasi meron akong mga kailangang i-discuss with them [GMA-7 management]. Kumbaga, parang mga ilang details lang.

“Kasi puwede naman, e. But… no, I think these people were assuming that I am also going to move with my husband… yun lang ang ano.

“Yun ang ina-assume nila na sasama na ako.”

Ang tinutukoy ni Regine ay ang paglipat ng asawa niyang si Ogie Alcasid sa TV5.

Dagdag pa ng Songbird, “But actually, I was still under contract with GMA-7.”

Hindi ba niya inisip na lumipat sa ibang istasyon o sumama kay Ogie?

Sagot niya, “Hindi ko puwedeng isipin kasi may contract pa ako, e. Naka-automatic ako, e.”



TWO-YEAR CONTRACT. Panibagong two-year contract na naman daw ang nakatakdang pirmahan ni Regine, gaya ng mga nauna niyang kasunduan sa GMA-7 na dalawang taong pananatili rito.

“Two years lang naman. Pero nagre-renegotiate ka lang for… baka merong kaibahan.

“Like now, nanay na ako. So, kailangan kong i-renegotiate yung mga things na kailangan kong gawin na medyo iku-consider ko yung pagiging mommy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang naman yun. But otherwise, nothing major,” saad niya.

Kasama ba sa pakikipag-renegotiate ang mga show na gusto niyang gawin at yung creative side ng mga ito?

Paglilinaw ni Regine, “I’ve always been part of creative anyways. They let me naman whatever I want to do.

“Like yung Diva [her 2010 soap], involved kami sa pagku-conceptualize ng show.

“Yung mga writers talaga ang gumawa ng show pero we’re involved in it.

“So, doon din naman sa mga ginagawa ko before, ganun din naman.

“They always ask for my opinion, for my suggestion. I’ve always been involved.”



BASHERS. Kaya ba nairita si Regine sa mga namba-bash sa kanya sa Twitter dahil in-assume ng mga ito na iiwan na niya ang GMA-7?

Paglilinaw niya, “Hindi naman ako naiirita. Pero ayaw ko lang na I’m being told what to do. Because… bakit?

“And I don’t like that. And I guess no one likes that.

“You’re being told what to do? Walang may gusto ng gano’n.

“Hindi naman ako naiirita.

“Actually, I’m very touched sa concern nila but, at the same time, I just don’t like it na yung tono nila, ang bobo-bobo ko?

“Yung parang hindi ko alam kung ano ang gagawin sa career ko.”



OGIE ON TV5. Pagdating naman sa paglipat ng asawa niyang si Ogie sa TV5 at paghawak nito ng music department ng network, posible bang makapag-guest siya sa musical shows at concerts ng mister niya?

Sagot ni Regine, “GMA naman permits me, e, magpapaalam lang.

“Depende sa project. Magpapaalam lang.”

Sumang-ayon naman si Regine sa mga nasulat na masaya ang asawa niya sa pagkakaroon nito ng bagong network.

“Saka happy rin ako sa kanya. Kasi, he’s finally gonna do what he likes, the things that he really wanna do—hindi lang sa music, sa lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw magiging diperensiya kung magkaiba na sila ng network na pinaglilingkuran bilang talent.

Sabi ni Regine, “Wala namang diperensiya dahil iisang show lang naman talaga yung tinatrabaho namin actually talaga.”

Ang tinutukoy nito ay ang nawalang musical-variety show na SOP at sa Sunday All Stars na pansamantalang nilabasan ni Ogie sa mga huling linggo niya sa Kapuso network.

Dagdag pa niya, “But I didn’t also do Sunday All Stars for a while kasi it’s weird not doing the show with him.

“Biruin mo, nauna pa siya sa akin dito, tapos umalis na yung husband ko. Parang I didn’t feel comfortable.”



NEW CONTRACT. Ano bang mga show ang gagawin niya sa bagong agreement nila ng GMA-7?

Sabi ni Regine, “I’m doing Sunday All Stars once a month.

“Why? Because Sunday will probably the only time that my family is together.

“Kasi nga, my husband is working there [TV5] na, e. So, I wanted to be with my family.

“But I’m doing the show once a month. So, makikita pa rin ako.

“The other show it still being talked about.”

Magti-teleserye pa ba siya?

“I think they’re going to give me one. They want me to start on November because that’s my only schedule for now.

Sarap Diva is still on and I like doing that show, sobra.”

Wala raw concert na gagawin bago matapos ang taong ito. Bagamat hindi pa tiyak, inaaasahan ni Regine na sa susunod na taon na lang siya magku-concert.

DIFFERENT PRIORITIES. Iba na ba talaga pag may anak, naiiba talaga ang mga priorities sa buhay?

Sa pinakahuling Instagram photo nga nila ng kanyang anak na si Nate ay ang laki na nito.

Paliwanag naman ni Regine kung bakit mas prayoridad niya ang anak ngayon, “Kasi hindi ko na mababalik yung age niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magtatrabaho ako nang magtatrabaho, marami akong mami-miss na moment sa anak ko.

“Para sa akin, para saan yung itatrabaho kung mami-miss ko yun? Sayang naman.

“Hinintay ko yun tapos pababayaan ko lang?” na ang tinutukoy niya ay ang pagkakaroon nila ng baby.

Magbubuntis ba siya ulit next year?

“Hindi ko alam… hopefully. Para may kapatid siya [Nate],” nakangiting sabi ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN