Kim Chiu clarifies alleged snubbing incident in a supermarket

Isang panibagong isyu na naman ang ipinupukol ngayon sa ABS-CBN star na si Kim Chiu, matapos diumano nitong isnabin ang dalawang bata sa isang supermarket. Ngunit ipinaliwanag ni Kim na ayaw raw talagang magpa-picture sa kanya ng mga bata at pinipilit lamang daw ito ng kasama nilang ina.


Pinag-uusapan ngayon sa mga social networking site ang diumano’y pang-iisnab ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa dalawang bata na gustong magpa-picture sa kanya.

Nag-ugat ito sa Facebook post ng isang "Urmyne Imbong" na nagkuwento ng nasaksihan diumano niyang pangyayari sa isang supermarket:

“Just saw Kim Chiu at SnR Fort Bonifacio and was so disappointed after noticing that she’s not that sort of a ’Cebuana’ I thought of her after all. She barely could put a smile on her face whenever someone ask [sic] for a picture. What’s most shocking was, she didn’t even accommodate a little girl’s request to have a picture with her on the flimsy excuse that the little girl already had one earlier. Wouldn’t blame Gerald Anderson for choosing Maja over her. I certainly would do the same.”

Nailathala sa femalenetwork.com ang naturang post at sa pamamagitan naman ng isang Twitter follower ni Kim, naipaabot sa young actress ang post na ito kahapon ng umaga, August 12.

Ayon sa follower ni Kim na may username na @monserat_9: "WHAT IS YOUR COMMENT ON THIS SOBRA NAMAN ITONG PANINIRA SAYO KIM . I THINK YOU SHOULD SAY.

"I FELT BAD COZ EVEN HOW GOOD YOU ARE. THEY KEEP ON SAYING THINGS ABOUT YOU. I WANT YOU TO DEFEND ON THIS. NAKAINIS NA SILA."

Kaagad namang sinagot ni Kim ang akusasyon sa pamamagitan ng tatlong sunud-sunod na tweets:

“thanks for the info, i dont like kasi yung feeling na pinipilit nila yung bata na magpapicture sa akin even if the kid doesn’t really want

"tinutulak tulak nya na yung bata palapit sakin yung bata naman AYAW,, so sana si mommy nalang nagpapic sakin…

“atleast yun ok pa di na nahirapan yung bata. di na nya tinulak tulak so what i did, di ko na pinansin si mommy kawawa yung bata e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bandang alas-diyes ng gabi, muling nag-tweet si Kim. Dito ay sinabi niyang malungkot siya dahil sa kumalat na panibagong balita tungkol sa kanya.

“Soo sad.”

“LIFE…hahanap at hahanapan ng butas…God bless you all especially sa taong yun…”

“Sana Masaya na po kayo maam…”

Ilang mga kaibigan naman ni Kim ang kaagad na nagpaabot ng pakikisimpatiya sa kanya sa pamamagitan din ng Twitter.

Ayon kay Mellisa Ricks, “Hugs hugs.."

Tweet naman ni Rhap Salazar, “Cheer up Ate Kim! Give us a Sandy Veloso smile.”

"Sandy Veloso" ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Kim sa pelikulang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN