Kris Lawrence sets aside marriage plans with Katrina Halili; wants to have second baby

Ipinagmamalaki ng singer na si Kris Lawrence ang magandang samahan nila ni Karina Halili kahit hindi pa sila nakakasal. Aniya, “I cannot complain, I feel super blessed with such a wonderful woman. Nagtutulungan kami and we’re super happy, and as the years go by, talagang stronger and stronger.”


Itinuturing ng R&B singer na si Kris Lawrence na blessing sa kanya ang kasintahang si Katrina Halili at anak nilang babaeng na si Katie.

Inilunsad na kasi kamakailan ang kanyang album na pinamagatang Spread The Love na naglalaman ng kanyang original compositions.

Proud na ibinahagi ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, August 11, na lahat ng pinagdaanan niya sa buhay ay ibinuhos niya sa kanyang mga awitin at inilagay niya sa album niya.

“Five years, six years being here in the Philippines, inilagay ko dito sa album na ito.

“It’s all original and it’s under GMA Records,” banggit niya.



ALBUM LAUNCH. Ayon sa mang-aawit, noong 2009 pa ang pinakahuling album niya.

Ipinaliwanag niya kung bakit inabot ng apat na taon bago nasundan ang kanyang record album.

“Actually, dapat lumabas na ito two years ago, but so many delays with this and that.

“But like what I’ve said, I’ve been writing since 2007, so lahat nag-ipun-ipon na.

"And ‘eto na, inilagay ko sa album ko.”

May mga kanta ring nilikha si Kris para kay Katrina na nakasama sa album: “Sabihin Mo Naman,” “Di Na Matatanggap,” “Addict,” at “Try Again.”

Ang awiting “Make Me Whole” ay para raw sa Panginoong Diyos at sa anak niya.

Samantalang ang “Tell Me” ay para sana sa American Idol finalist na si Jasmine Trias.

Nawalan na kasi sila ng communication kaya hindi na niya naibigay ang nasabing awitin.



BABY KATIE. Masaya ring ibinahagi ni Kris sa PEP ang growth development ni Katie.

“For one, ang laki niya—hindi siya mataba, mahaba. Buti nagmana kay Mama [Katrina]!" tawa niya.

“Thank God, she got her Mama’s legs, yun ang gusto ko talaga. Siyempre babae, gusto ko kamukha ng Mama niya.

“So, the doctor’s said, she’s ten months, pero yung height niya parang pang-one year and two months, parang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, you know, I’m happy and we’re happy.

“Nagsasalita na siya, puro ‘Papa, Mama.’ Pero madaldal, madaldal siya.”

Obserbasyon naman ni Kris ang pagkakaroon ng hilig sa sayaw at acting ng baby niya.

Kuwento niya, “Minsan, pag nag-beatbox ako, pumapadyak siya, and in beat yung paa niya.

“Kaya minsan kumakanta siya, tapos umaarte rin siya na marunong siyang mag-echos or lokohin kami.

“Halimbawa, iiyak siya pero gaganun siya [lilingon sa kanila]. Tapos, iiyak siya.

“Pag hindi namin siya pinapansin, titingin lang. Pero pag pinansin namin, iiyak siya, parang uma-acting siya.”



SHOWBIZ BABY. Payag ba siya na sa murang edad ni Katie ay pasukin na rin nito ang mundo ng showbiz?

Sagot ni Kris, “Yes, pero ayoko muna.

"Gusto ko siyang magkaroon ng childhood, yun ang advice sa akin ng marami.

“I think since a lot of people are telling me that, I should listen, because it came from their personal experience.

“Ako, I wasn’t in that situation and Kat naman was not a child star.

“Siguro nga totoo, kasi lahat ng nagsasabi sa amin na kung may mga here and there, pero huwag babad sa ano.”



SECOND BABY. Meron na ba silang plano ni Katrina na sundan si Katie?

“Ako, I’ve always been saying this, na gusto ko medyo magkasunod para close sila.”

Pag naka-isang taon na ang baby nila?

“We’ll see,” nangingiting sagot ni Kris.

Nababanggit ba niya kay Katrina ang kanyang pagnanais na sundan na ang baby nila?

“Lagi-lagi. Ang sabi niya, ‘Baby! Huwag naman, please! Kakapayat ko pa lang!’"

Aminado naman si Kris na talagang gusto na niyang sundan ang panganay nila.

“Why not? Ever since Katie came into, our life is such a joy, is such a joy! We can’t explain it.

“Lahat ng sinasabi ng mga magulang is so true, so true, you have a new inspiration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know ang saya, lahat sila nagsasabi na, ‘Bro, ang saya ng may baby sa bahay.’

“I could vouch one thousand percent, so, true!”

Sa September 18 ang first birthday ni Katie. Anong paghahanda ang ginagawa nila?

Sabi ni Kris, “Ayun, isang bonggang-bonggang birthday party.

"Doon pa rin sa parehong venue [Oasis] kung saan bininyagan si Katie.

“Malapit lang sa bahay, walking distance lang.”



SMOOTH SAILING. Masaya rin daw si Kris sa takbo ng relasyon nila ni Katrina.

Aniya. “I cannot complain. I feel super blessed with such a wonderful woman.

“She’s not… hindi siya selosa, she’s so super focused in her life.

“Nagtutulungan kami. Kung saan ako nagkukulang, nandiyan siya. You know… vice versa.

“Nagtutulungan kami and we’re super happy and as the years go by, talagang stronger and stronger.”

May kasabihan na kapalit daw ng kasiyahan ay kalungkutan, hindi ba siya natatakot na magkasira at maghiwalay sila ni Katrina?

Pag-amin ni Kris, “Yes. Minsan siyempre, may takot na things are so perfect, maybe things are too good to be true, so maybe it is.

“But I don’t like to think that.

"I just want to think I’m blessed, we’re blessed to have each other and stay positive.”



PROPOSAL. Ano ang dahilan kung bakit ayaw pa niyang mag-propose kay Katrina? May takot ba sila na baka mabago ang kanilang samahan kapag naging legal ang relasyon nila?

Sagot ni Kris, “Wala naman po. Siguro we’re just really focusing on our careers, siya rin po.

“Ako, I still feel i-reach yung goal ko.

“Yung gusto kong gawin, yung dream ko, hindi ko pa naabot yun, so I think, focus muna on this.

“Sana soon makuha ko, and then… yun.”

Wala ba siyang balak gawing legal ang samahan nila ni Katrina?

“Actually, nag-iisip ako, kailangan kong matalo yung proposal ni Zoren [Legaspi]!” biro niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ba niyang mag-live-in muna gaya nina Zoren at Carmina Villarroel?

“Sa ngayon, hindi pa kami nagli-live-in, e.

“Bakit? Because we’re not yet married, and you know, I’m not so sure... I don’t know why.

“Siguro sa sobrang focused kami kay Katie, I think things are good the way they are now.

“Pero sa akin, gusto ko since Katie is here na, gusto ko siya na ang flower girl.

“Siguro antayin muna naming maglakad siya, siguro mga three or four years?”

Hindi ba mas maganda na habang lumalaki ang anak nila, nakikita na silang magkasama sa iisang bubong?

“I mean, I’m there all the time, I’m there every day if I’m not working,” sabi ni Kris.

Doon ba siya sa bahay ni Katrina natutulog?

“Minsan, minsan I sleep there. Minsan may taping si Kat, doon ako natutulog.

“But you know, I also have my own place… actually we just live one street away sa New Manila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN